16/07/2026
How my ₱43 reminded me of God’s unfailing provision.
Philippians 4:19
And my God will supply every need of yours according to His riches in glory in Christ Jesus.
Story time: I was on my way to work and ihahatid dapat ako ni Uncle papunta ng Busay, then after nun magji-jeep nalang ako. Pero due to unknown reason, namatay yung motor and mukhang wala na syang gas or talagang nagma-malfunction na siya. So I decided na mag habal-habal nalang. At first I was hesitant kasi hindi ko binilang ng maayos yung laman ng wallet ko kasi akala ko yung magiging expenses ko lang is yung pamasahe para sa Jeep and hindi rin ako nakakapag withdraw pa talaga ng pera that time, hindi pumasok sa isip ko na kakailanganin kong maghabal-habal.
Pero I took a leap of faith sabi ko sige Lord bahala na. Habang nasa motor ako I started counting the remaining coins in my wallet, and habang binibilang ko, shocked talaga ako na saktong-sakto siya, walang labis, walang kulang, sabi ko Lord thank you, makakapag commute ako ng matiwasay. I have 30 pesos coins for payment sa habal-habal driver and may 13 pesos na pamasahe para sa Jeep. On my way to work wala ako ibang iniisip kundi yung inaalala ko yung bible verse na God will provide according to His riches in glory. Then ayun, nasa Philippians siya. Philippians 4:19 says, And my God will supply every need of yours according to His riches in glory in Christ Jesus. These past days, this is what I’m really struggling with, being a breadwinner, it’s so hard to do budgeting lalo na grabe ang inflation and at the same time may basic needs din ang family na kailangan mai-provide. Niremind ako ng Lord ngayon na if you really have Him in your life you will surely not lack.
Maybe you’re also in the same season as mine, feeling mo you’re running out of resources, pero sa mga ganito ka imposibleng sitwasyon ng buhay, dito ipapakita ng Lord na hindi nauubos ang provision Niya kahit na yung resources mo mismo ay paubos na, that He is really our Jehovah-Jireh, the God who provides. 🙌💛
p.s. yung 13 pesos ko nalang yung napicturan ko 😅