28/11/2022
๐๐๐
HOPE
May mga araw talaga na ang pag-asa ay parang malabo..
Wari'y imposibleng matupad ang mga pangarap at plano..
Hindi umaayon ang mundo..
Nakakapagod na nakapanlulumo..
Darating din pala talaga ang punto ng pagsuko..
Kahit gaano mo pa kagustong lumaban..
Kahit nais mo pa sanang makipagsapalaran..
Ngunit kahit anong pilit at subok, hindi pa rin mapagbigyan..
May mga pagkakataon pala talagang mauubos ka..
Mawawalan ng gana sa lahat at sa paghihintay, mauubusan ka ng pasensya..
Magdududa sa sariling halaga..
Malulungkot at madidismaya sa hindi malamang dahilan..
Hindi mo kasalanan, kung may mga sandali sa'yong buhay na ganito ang iyong nararamdaman..
Tanggapin mo ang iyong mga kahinaan..
Yakapin mo ang iyong mga limitasyon at hangganan..
Magiging pagkakamali lang naman..
Kung magpapatalo ka sa sarili mong takot at isipan..
Laban!
Dadaan lang iyan..
May mga panahon na tayo ay nawawalan ng pag-asa sa buhay pero sabi sa,
Isaiah 40:31 says, "But those who hope in the LORD will renew their strength, they will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint."
Unlike sa crush mo, kay Lord may pag-asa ka..
At hindi lang pag-asa ang makukuha mo, may kasama pa yang kalakasan..
Madalas, when we put our trust in ourselves or in other people, napapagod tayo, madaming expectations unmet, nakaka burn out..
Pero pansinin mo, ibigay mo kay Lord ang buong tiwala at pag-asa mo, hindi man umayon ang sitwasyon sa gusto mo, may kapayapaan ka pa din that a Supreme, Powerful and Loving God is already in control..
Kaya chill ka lang sa buhay..
So, bago ka matulog ngayong gabi, can you ask yourself these questions?
Nasaan o nakanino ba ang pag-asa mo?
Are you putting your 100% trust in God's plan for you?
If not, talk to Jesus and give your hopes to him, sa kanya, may pag-asa ka ๐
Wala man akong pag-asa sayo, may pag-asa ka naman sakin ๐โค
๐ทMargie11