Talaan ng Tula ni Rodriguez

Talaan ng Tula ni Rodriguez Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Talaan ng Tula ni Rodriguez, Poet, Las Piñas.

21/01/2026

7 Normal Boys of Korea

I
Seven normal boys who dream one day
Of becoming a K -pop group someday
Jimin,Jin, Jungkook,V,J-Hope ,Suga and RM too.
Their moves are fire, what else to do?
II

Despite of all challenges they become stronger.
To become a most popular group one day
They have a fandom named Army
To listen to their music's harmony
III
Seven normal boys that have a good souls
Seven normal boys that have a goals
To become youth's happiness , motivation and inspiration
Their music fills the air, a perfect vibration .

25/09/2025

Talaan ng Tula ni Rodriguez
AMA'T INA
I
Sa aking pagsilang at pagmulat ng aking mata
Larawan niyo aking unang nakita.
Pagmamahal at pag-aaruga saki'y pinadama
Ako pa ay hinehele sa tuwi- tuwina.
Sa aking unang paglalakad ay umaalay
Inyong pagmamahal sa aki'y walang kapantay.
Payo at gabay at laging naka alalay
Kahit inyong mga anak ay ubod ng pasaway.
II
Inyong sakripisyo'y di matatawaran
Ito ay mahalaga sa kahit ano pa man.
Dugo at pawis ay inyong inilaan
Upang pangangailangan ay inyong matustusan.
Kaya't ina at ama sa inyong pagtanda
Kami sa inyo'y mag-aalaga.
Dahil sa ami'y higit pa ang inyong pag-aaruga.
Kaya kayo ay matuturing na dakila.

25/09/2025

Talaan ng tula ni Rodriguez
KAIBIGAN
I
Kaibigan walong letra
Puno ng mga ala-ala.
Sa kasiyahan laging magkasama
Nagdadamayan lagi sa mga problema .
Dugo man ay magkakaiba
Ngunit samaha'y di magigiba
ll
Sa isa't isa'y laging nakasuporta
Komunikasyon sa isa't isa'y di mawawala.
Nagkakamustahan lagi sa tuwi-tuwina
Pagkakaibigan sa puso't diwa'y laging iisa.
Puso ng pagkakaibiga'y nanalaytay sa bawat isa.
Pagiging magkaibigan ay laging mahalaga.
Magkawatak watak man sa layo ng distansya
Ngunit sa puso'y ala-ala'y di mawawala.

25/09/2025

Follow my pages guys
Talaan ng Tula ni Rodriguez.Thanks😊

25/09/2025

Talaan ng Tula ni Rodriguez
BUWAYA
l
Mga mamamayan ay naghihiyawan.
Kanilang tanong kaban ng bayan nasaan?
Ito nga ba ay nasa kamay na?
ng mga tinaguriang Buwaya.
Mga kababayan ating ipaglaban.
Mga karapatan ng bawat sinuman.
Kababayan,huwag hayaan
kaban ng bayan ay manakawan.
ll
Mga korapsyon sa lipunan
ito na ay atin ng wakasan.
Tayong lahat ay magkaisa
korapsyon ay ating labanan na
Ang mga sistema sa gobyerno ay baguhin na.
Upang pagod ng bawat isa'y magkaroong halaga.

Address

Las Piñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talaan ng Tula ni Rodriguez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category