18/09/2025
ππππππππππ
ni: Buwan
Isang kahong tsokolate, dalawang pirasong sampaguita, at isang madamdaming liham na naman ang natanggap ni Farah galing sa kanyang humigit kumulang dalawang taong manliligaw na si Mando. Bago pa man tuluyang nagtapos sa kolehiyo ang binata ay nanliligaw na ito sa dalaga. Maging tinutulungan pa niya ito sa mga gastusin sa paaralan at walang mintis niyang hinahatiran ito ng pananghalian. Subalit, dahil sa biglaang pagpanaw ng ama ni Farah ay napilitan itong huminto sa pag-aaral sa kalagitnaan ng kanyang unang semester sa ikaapat na taon sa kolehiyo at nagtrabaho sa Maynila upang maitaguyod ang kanyang pamilya, gawa nang nanghihina na rin ang ina nito dahil sa pagdurugo. Sa kadahilanang ito, ay pinahinto niya na muna si Mando sa panliligaw. Ngunit, ganunpaman, patuloy at palihim pa rin itong nag-iiwan ng kaunting tulong sa pamilya ng dalaga sa probinsiya at naglalaan ng liham araw-araw na itinatabi naman ng kanyang inang maysakit sa kaban, kasama ang paboritong bulaklak ng dalaga, ang sampaguita. Tuwing may okasyon ay umuuwi si Farah sa kanilang probinsiya, kaya noong nakahanap na nang pagkakataon si Mando ay hiniling niya na agad ang k**ay ng dalaga upang magpakasal. Dahil sa kabaitang ipinakita ng binata sa buong angkan ng dalaga, ay walang pag-aalinlangan niya itong sinagot kahit lingid sa kanyang kaalamang hindi sila dumaan sa pagiging magkasintahan bago muna ikasal. Habang patagal nang patagal ay mas lalong lumalim ang kanilang pag-iibigan, at mas lalong naging matiyaga si Mando sa pag-aantay hanggang sa pagbalik ng kanyang mapapangasawa galing Maynila.
Isang balita ang bumulabog sa maliit na bayan ng Lenara na ang kaisa-isang anak na lalaki ni Aling Isabela ay isang ganap ng inhinyero, at iyon ay walang iba kung hindi si Manolo. Isang matipuno, mistiso, at maskuladong lalaki na minsang bumihag sa tahimik na puso ni Farah, bago pa man manligaw si Mando sa kanya noon. Dati-rati, araw-araw itong bumibisita sa bahay ng dalaga, dala-dala ang isang pumpon ng p**ang rosas at puting tsokolate. Bumalik pa sa alaala ng binata noong minsang tumawag sa kanya ang pinsan nito at napag-alamang nasa ospital ang dalaga.
βMisis, mayroon pong allergic rhinitis ang inyong anak. Ibig sabihin na lamang po ay ipinagbabawal sa kanya ang pagsinghot o kahit dumampi man lang sa kanyang katawan ang anumang uri ng bulaklak, maliban na lamang po sa sampaguita.β, ang tanging sinabi ng Doktor.
Kaya mula noon, naging maingat na ang binata sa pagbibigay ng bulaklak sa dalaga. Iyon na lamang ang kanyang pagbabalik-tanaw habang pababa sa kanyang magarang sasakyan. Isang araw, nag-krus ang landas ng dalawang binata na parehong umiibig kay Farah. Walang imik. Walang ni kahit isang ngiti na namutawi sa kanilang mga mukha. Ngunit, halata sa kanilang mga mukha na gusto nilang tanungin ang bawat-isa kung nasaan na si Farah?
Papaalis na sana si Manolo nang biglang nagsalita si Mando.
βBakit ka pa bumalik?β
βO! Akala ko ba ayaw mo na akong makausap, Mando? Siya nga pala nabalitaan kong ikakasal na pala kayo ni Farah? Huwag kang mag-alala masaya naman ako para sa inyong dalawa.β, wika ni Manolo habang papaalis sa kinaroroonan na tila ba ito ay umiismid.
Isang taon na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Farah at wala maging sumasagot sa telepono nito. Dahil sa pag-aalala ni Mando ay napag-desisyonan niyang lumuwas ng Maynila upang hanapin ang kanyang minamahal na si Farah.
Hinanap niya ang address ng dalaga na nakalagay sa huling liham nito. Halos lumipas na ang ilang araw ay hindi niya pa rin nakikita si Farah. Malapit nang magdapit-hapon, kaya naisipan niyang tumigil muna sa paghahanap. Dahil sa lungkot, pangungulila, at pagod sa paghahanap ay napag-isipan niyang magpahinga muna at mag-inom sa may bahay-aliwan o night bar upang pansamantalang mapawi ang kanyang pag-aalala sa dalaga. Pagkarating na pagkarating ay tumambad agad sa kanyang paningin ang mga babaeng pasayaw-sayaw sa harapan ng mga kalalakihan, habang paunti-unting hinahalikan ang leeg nito habang kinakandong. Ngunit kahit maraming mga babaeng halos makita na ang mga kaluluwa na umaali-aligid sa kanya ay hindi niya ito pinapansin, bagkos itinataboy pa niya ito palayo papunta sa ibang mga lalaki.
βMagandang, magandang, magandang gabi mga chupapi! Here na aketch mga girlalo, fresh na fresh from the farm. Uyyyy! Pay as you chukchak para dihens madedo ang supot na patotoy! By the way, dihens na us patatagalin pa, kasi I know everyone are waiting na sa ating pole dancing show! Kaya, help me welcome, our best pole dancerβ¦ Missβ¦ Jasmine! Ang nag-iisang sampaguita ng gabi!β, pabiro na pagpapakilala ng isang host na beke sa isang night club.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Mando sa kanyang nakita at hindi makapaniwala na ang Jasmine na ipinakilala kani-kanina lamang ay walang iba kung hindi si Farah. Mas lalong nanlisik ang kanyang mata noong may grupo ng mga kalalakihan ang nagsabit ng pera sa may dibdib ng dalaga at ang isang lalaki naman ay nagsabit ng tseke sa may ibabang bahagi ng kanyang katawan. Agad pumunta si Mando sa entablado at ikinaladkad sa may back stage ang dalaga. Labis ang pagkagulat ng lahat sa biglaang pangyayari, ngunit walang mas makakapantay sa pagkagulat ni Farah noong nakita niya ang mukha ni Mando na nagugulumihanan.
βFarah, maβmaβmahal ko, baβbaβbakit?β, iyan na lamang ang nasabi ni Mando habang humihikbi at hawak-hawak ang k**ay ng dalaga.
βMando, husgahan mo na ako kung gusto mo akong husgahan! Isipin mo na kung anong gusto mong isipin!β, sagot ni Farah habang pataas nang pataas ang tensyon ng kanilang pag-uusap.
βIyan ba ang dahilan mo kung bakit hindi ka na umuwi ng probinsya? Dahil mas gusto mong nilalaro-laro ka ng mga ligaw na t**i saβ β, hindi na pinatapos ni Farah si Mando sa kanyang sasabihin nang biglang dumapo ang napakalakas niyang sampal.
βWala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan, Mando! Oo, alam kong madumi itong pinasok kong trabaho pero ni isang beses hindi ko hinayaang babuyin ako ng mga hayop na βyan! Sa tingin mo ba mabubuhay kami ng anak ko kung doon pa rin ako namamasukan sa dati kong trabaho na halos sentimo na lang ang nat**ira sa sweldo ko kada kinsenas?!β
βAnak? Sinong anak? Paano? Bakit? Kailan? Farah, matagal mo na pala akong niloloko!?β, tanong ni Mando habang pinoproseso ang kanyang narinig.
βNaalala mo ba noong umuwi si Manolo sa probinsya? Bago siya umuwi nang mga araw na iyon ay may natanggap akong liham mula sa kanya, na nagsasabing may ipinapabigay ka raw sa akin. Kaya agad akong nagtungo sa address ng tagpuan namin pero noong makarating na ako ay bigla niyang iniliko ang sasakyan papunta sa kanyang condo. Akala koβ huling araw ko na βyon. Kahit anong pilit niya sa akin na romansahin siya at sumayaw sa harapan ay nagmamatigas ako, ngunit hindi hanggang sa tinutukan niya na ako ng baril. Wala akong ibang ginawa kung hindi mas piliing mabuhay upang makabalik pa sa iyo, Mando. Ngunit, ilang linggo ang lumipas pauwi na sana ako noong mga araw na iyon nang malaman kong nagdadalang-tao ako. Kaya mas pinili kong manatili na lamang dito at buhayin mag-isa ang anak ko. Ang anak naming ni Manolo, ang anak namin ng kambal mo.β
Napuno ng luha at hagulhol ang mga araw na iyon. Puno ng paghihinagpis at panghihinayang. Ngunit, pinatawad niya ito dahil hindi niya naman kagustuhan ang mga nangyari at mas nangibabaw ang pag-ibig ni Mando para kay Farah at inako ang responsibilidad ng mag-ina. Lumipas ang ilang araw at napag-desisyonan ng dalawa na umuwi sa probinsiya upang ituloy ang matagal ng naudlot na kasal. Umalis si Mando ng araw na iyon upang ayusin ang kanilang plane ticket pauwi habang si Farah naman ay pumunta sa dating pinagtatrabahuhan sa night bar upang kunin ang mga nat**irang mga gamit. Sa kabila man ng mga nangyari ay nananatili ang pagsuyo ni Mando kay Farah, kaya noong papunta na siya ng night bar upang sunduin ang dalaga ay dumaan siya sa isang flower shop upang bumili ng isang pumpon ng sampaguita.
Pagkarating na pagkarating ni Mando sa kinaroroonan ng dalaga ay biglang lumakas ang tibok ng kanyang puso sa kaba noong nakita niyang maraming mga pulis ang nakaabang sa paligid.
βSir, bawal po munang pumasok dahil iniimbestigahan pa lamang po ang mga nahuling mga drug addict.β, wika ng isang pulis na nasa may entrance.
Ngunit, nagpupumiglas si Mando hanggang sa nakapasok siya ng tuluyan. Bigla niyang nabitiwan ang dala-dalang sampaguita at tumambad sa kanyang harapan ang pantay na mga paa at malamig na bangkay ni Farah. Di umano ay nadawit ang dalaga sa naganap na operasyon kontra-droga o drug raid operation. Walang ibang nagawa si Mando kung hindi ang humagulhol sa sakit na sinapit na pagk**atay ng minamahal. Umuwi si Mando sa probinsiya dala-dala ang mga alaala, habang nanagot ang kanyang kambal na si Manolo sa kababuyang ginawa kay Farah at pinilit magsimulang mamuhay ng masaya at payapa kasama ang kanyang anak na si Jasmine. Pinalaki niya ng mag-isa ang anak at tuwing kaarawan ni Farah ay binibisita nila ito sa puntodβ dala-dala ang bulaklak na sampaguita.
***