06/03/2026
TANGAP KONG WALA NA PERO YUNG NARARAMDAMAN KO HINDI KO KAYANG MAWALA PA.
Tito Bob bakit? ganto yan kaka pag ang tao minahal natin ng sobra sobra at TOTOO mahirap kalimutan yan. kahit sabihin natin 1month 6mos or Years payan. andyan parin ung feeling na namimiss at naalala mo sya. Tulad ng isang scenario na magisa ka pumunta ka sa paborito nyang kainan naalala mo sya, naaalala mo ung panahon masaya kayo sa lugar na yan, naalala mo yung mga tawanan nyo, yung mga pinagusapan nyo at mga ginawa nyo. Mahirap, Mahirap kalimutan ang mga nakasanayan. oo may mga memories tayong malilimutan pero once na andun ka sa position na un. mararamdaman at maalala mo na naman sya.
Ang hirap para sa part ko na tangapin na wala kana, ang hirap gawin yung mga bagay na ginagawa natin na gagawin ko nalang magisa. ang hirap magsimula ulit, ang hirap kumilala ulit. everytime na lang na mapapadaan ko sa mga lugar na pinuntahan natin naalala kita. sa sinehan, sa resto, sa mga out of town natin at sa mga ibang bagay na pede pa kitang maalala at maramdaman. Isang buwan na tayong wala pero ikaw masaya kana sa iba, ako andito parin sa part ng healing, andito parin sa part na umiiyak ako tuwing gabi, andito parin sa part na iniisip kita kung ok lang ba? nasa mabuting kalagayan ka? iniisip ko lagi sino kasama mo? tama ba yung ginagawa mo? nasa tamang daan kaba.
kaka iniisip ko lagi san ba ko nagkulang? hindi bako sapat para sayo? meron laging tanong sino ba ang may kasalan? yung nagkulang or ung bumitaw? ang sagot ay yung hindi nakuntento. why? kasi kung nakuntento ka naman sakin hindi ka bibitaw, hindi moko ipagpapalit. oo hindi tayo perpektong tao pero wag mong hanapin sakin yung mga wala. tangapin mo kung ano lang meron ako. love is unconditional kung mahal mo tangapin mo lahat ng meron lang sya.
Alam ko na wala na talaga tayo at tinatanggap ko yun kahit masakit. hindi ko na ipipilit na ibalik pa kung ano yung dati. pero gusto ko lang maging totoo sayo, yung nararamdaman ko para sayo nandito parin. hindi ko pa siya kayang mawala agad. siguro kailangan ko lang ng panahon para tuluyang matangap at makapag move forward. pero gusto kong malaman mo na naging totoo at malalim yung pag mamahal ko sayo.
sabi nila, habang lumilipas ang panahon may mga alaala na unting unting kumukupa. Pero kahit maglaho man ang ilang detalye ng nakaraan, may mga bagay na hindi kayang burahin ng oras. Isa doon ang nararamdaman ko para sayo. maaring mawala ang mga alaala pero ang damdamin ko para sayo ay nananatili parin, tahimik at totoo.
Tito BOB out Please Like Share and Follow Kung naka relate ka 🥰