22/08/2026
Please po wag kayo magpost ng makakulba sa aton tanan
Pakiusap sa mga kabataan: tigilan na natin ang pagpo-post o pagbibiro tungkol sa pagdadala ng baril o kutsilyo sa eskwelahan.
Hindi ito astig. Hindi ito nakakatawa. At lalong hindi ito solusyon.
Kahit sabihin ninyong “joke lang,” ang pagbabanta ay maaaring magdulot ng matinding takot at panic sa mga estudyante, g**o, at buong komunidad. Maaari rin kayong managot o makasuhan dahil sa isang “joke” na may banta o nagdudulot ng alarma.
Kung may problema kayo, huwag karahasan ang piliin. Tara, mag-usap tayo. Humingi ng tulong. Makinig tayo sa isa’t isa.
Ang problema ay maaaring pag-usapan. Ang karahasan ay hindi solusyon.
Bago kayo mag-post, mag-isip muna. Isang “joke” lang para sa iyo, pero maaaring maging takot at panganib para sa iba.
City Government of Koronadal PNP Koronadal City Police Station