salu-salungat na tula

salu-salungat na tula Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from salu-salungat na tula, Poet, Kidapawan.
(1)

10/10/2024

might post a "story with moral lesson" later

20/09/2024

"September" "studyante"
is a su***de awareness month . Please whatever na panghitabo, mahitabo. Always remember that if you get a lower score just think that you do your best and don't think that you are not good enough or you are a "Pabaya" na studyante. If you do your best, pasagdi kay as a student normal ra na makakuha tag mubo na score sa exam/summative and also quizzes. Dili sa tanang panahon makakuha tag "high grades" as long as you did your best then be proud. Always remember that there are some people that is proud of you. Padayon mga studyante‼️

to su***de
to self harm

02/09/2024

Kay gandang balik-balikan
Noong tayo'y bata pa na nagtatakbuhan
Naglalaro nang luto-lutuan
Kahit tayo'y naaarawan

Kapag naka luto na ng meryenda
Ang ating magulang
Tayo'y nagsisilapitan
Dahil sa masarap na suman
Na nakahain sa lamesahan.🤍

01/09/2024

Isang daang tula para sa mga estudyanteng-
hindi alam kung saan kukuha-
kukuha ng lakas para matapos ang
madugong labanan.
Madugong labanan aking tinutukoy-
ito ay ang kapaguran ng mga estudyanteng-
walang ginawa kundi tapusin ang mga
requirements at kanilang pangangailangan.
Dugo't pawis ang inalay para sa kanilang
gradong nakuha at sana ang lahat ng
kanilang kapagurang inalay ay mapapalitan
ng isang diplomang kanilang pinaghirapan.🤍

01/09/2024

Sa puso kong nag-iisa,
Isang pag-ibig na di masuklian,
Parang bituin sa dilim,
Nagniningning, ngunit di marating.

Tulad ng bulaklak na nag-iisa,
Sa gitna ng damuhan,
Walang ibang nagmamahal,
Kundi ang hangin at ulan.

Ang bawat tingin, bawat ngiti,
Ay isang patak ng luha,
Sapagkat alam kong di ako,
Ang iyong tanging pag-asa.

Ngunit sa kabila ng sakit,
At ang pighati ng puso,
Patuloy akong magmamahal,
Kahit na di ako masusuklian.

Sapagkat ang pag-ibig na ito,
Ay isang regalo mula sa langit,
Isang pagsubok na dapat kong harapin,
Kahit na ako'y nasasaktan.

31/08/2024

Ang aking paghanga sayo,
Ay tuluyan nang nagbago
Hindi gaya ng dati
Na ikay aking gusto

Tuluyan na ngang nagbago
Ang nararamdaman ng aking puso
Siguro dito na ang dulo
Ang aking pagkagusto sayo ginoo

—jvlie🌼

31/08/2024

school can be so draining but it can be also your home of laughters.

—conundrum.

31/08/2024

" Bumalik kana sa'kin"

Isang piyesang sinulat ko para sakanya.
Isang taon na ang nakalipas, ako parin ba?
Isang taon na't marami naring dumaan na tao, pero ikaw parin laman ng puso ko.
Isang tawag, isang chat at isang salita molang na miss mona ako, paniguradong pupunta ako.
Nanlalabis kaba sa'kin? kasi ako, oo.
Labis kong dinamdam ang pag-lisan mo,
pero pwede bang balikan mo ako?

klaro naman ang ating hiwalayan, walang panlolokong naganap, sadyang lumago lang tayo sa ibang landas.
Ngayong pwede na, baka pwede pa?
Ilang taon narin, nung pinadalhan kita ng sulat, Regalo, Tula't bulaklak sa apartment mo.
Mali ba ako? mali bang umasa't ibigin ka?
Alam kong hindi kapa handa, pero sana kapag okay kana, pwede nang maging tayo.

Tila Isa kang Bituin, sa malayong layunin
na kay hirap abutin.
Isa kang Bulaklak na mahirap pitasin, sa gitna ng halamang puro lason.
Isa kang dyos sa kalangitan, na kay hirap lapitan.
Ang hirap ipaliwang ang nadarama, pero patuloy paring aasa.
Isa lamang ang hangarin, sana'y iyong mapansin.
Sana naman ako'y iyong dingin, isang pusong humihiling na sana'y ako'y mahalin rin.

// pic from, Pinterest//
|• Solace 🦋

31/08/2024

Falling in love with dark rainy mornings 🌨☔

31/08/2024

usad na, habang maaga pa.

Address

Kidapawan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when salu-salungat na tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category