01/09/2024
MAHALAGANG MENSAHE PARA SA DALAGANG ANAK
Dear dalaga kong anak,
nabalitaan ko, inggit na inggit ka raw dahil gustong-gusto mo nang magka nobyo.
Alam kong magagalit ka dahil hindi ako pumapayag. Hayaan mong basahin mo muna itong liham ko para sayo.
Ayoko lang dumating ang panahon na maingit ka sa iba mong mga kaibigan.
Sila nakapagtapos na, me magandang trabaho, nagagawa ang gusto nilang gawin at nag-e-enjoy sa pagiging single.
Ayoko lang din na makita kang puno nang pagsisisi, dahil nasa bahay ka lang at nag-aalaga nang iyong mga anak.
Wala kang magawa, dahil wala kang pera.
Ayokong makita ka na hindi ka man lang makapag-ayos sa sarili mo sa dami ng gawaing bahay.
Idagdag mo pa ang pagiging irresponsible ng iyong asawa, na hindi ka man lang bigyan ng halaga pati mga anak mo.
Marami jan, pakatapos makuha ang gusto, bigla biglang magbabago.
Dating matino, biglang magloloko.
Meron ding hindi na magawang magbago at hindi magawang iwan ang ugaling binata.
Panay inom, panay barkada, panay biso, at panay babae pa rin ang inaatupag.
Ayokong mahulog ka sa ganyang lalaki na kaya kang saktan at lokohin.
Ayokong dumating ang panahon na wala ka nang matakbuhan, dahil pahirap nang pahirap ang iyong kalagayan.
Ayokong pati pagkain at panggatas ng mga anak mo, kailangan mo pang ipangutang.
Ayokong dumating ang araw na sobrang liit na ng tingin mo sa sarili mo.
Dagdag pa ang panghuhusga ng ibang tao, dahil naging single mom ka.
Ayokong dumating ang araw na tanungin ka ng mga anak mo.
Ma, bakit tayo mahirap?
Ma, bakit hindi ako makakapag-aral?
Ma, bakit yung ibang bata may bagong damit at sapatos? Kami wala.
Ayo kong dumating ang araw na kapag nagkasakit ang mga anak mo,hindi mo magawang madala sa ospital dahil wala kang pera.
Ayo kong dumating ang araw na iiwan mo ang mga anak mo para magtrabaho sa ibang bansa.
Alam kong masakit yan sa kalooban mo, pero gusto kong malaman mo na doble ang magiging sakit nito sa amin, bilang iyong magulang.
Anak, magtiwala ka sa amin,
dahil hindi ka namin ipapahamak.
Lahat ng bagay, may perfect timing ang Diyos, kaya huwag kang magmamadali.
Hanggat maaari sana,magaral ka munang mabuti,magtrabaho at magipon ng pera para sa kinabukasan mo.
Kapag handa ka na emotionally at financially, kapag matured ka na,
kapag marunong ka nang kumilatis ng lalaki, kapag alam mo na ang kahulugan ng totoong pagmamahal,
kapag alam mo na ang iyong halaga bilang isang babae, at kapag alam mo na na siya na ang sagot sa panalangin mo, magiging panatag na ako.
Nagmamahal,
Mama❤️❤️❤️❤️
Following
Highlights Reels