Bb. Saydang

Call Website Contact the establishment

Bb. Saydang Ang makabagong talaarawan ni Bb. Saydang

Na sa tamang ayos ang plumaKuwaderno man ay di magawang ibuklat at lapatan ng mga tintang hindi sigurado kung sa kanyang...
25/06/2026

Na sa tamang ayos ang pluma
Kuwaderno man ay di magawang ibuklat at lapatan
ng mga tintang hindi sigurado kung sa kanyang paglapat
mapupunit ba sa sakit ang bawat piraso at pahina
o maihahayag ba dito ang bawat kataga
Na syang patunay kung gaano ka talas
Ang palisok na tumama sa'yo
Habang nilalakbay mo ang tanawin ng inyong kahapon

Hindi ko iiwanan ng kahit na anong bantas ang piyesang ito
Sapagkat hindi ko alam kung kailan ako hihinto
Dapat pa bang magpahinga
Mabigla at matuwa
o magpapatuloy na lamang
Sa paghakbang hindi upang makalimot ng bigla
Kung hindi para makaramdam ng payapa
At mabigyan ng pag-asa ang puso
na makalimot
Sa kahapon ng mga tanawing minsan mong naging tahanan
At handog sa'yo ng sansinukuban

—Bb.Saydang

09/06/2026

Mahiwaga ang mundo
Kung kaya't hindi mo kailangang
makipagkompetensiya
Dahil ang ilaw na dulot ng hiwagang ito
Makikita mo mismo
Sa pagiging kontento
at payapa ng puso mo.

—Bb. Saydang

06/06/2026

Hindi hayahay
Hindi rin madali
Dahil minsan mas pinipili ng iba na ipakita ang mga larawang maganda at buo
Kaysa sa mga pira-pirasong proseso
Alam mo kung bakit?
Kasi ayaw nilang maramdaman mo rin ang pagod, dismaya at kabiguang
naranasan nila—
Bago naging buo ang masayang larawan na nakikita ninyo.

—Bb. Saydang

03/06/2026

Huwag mo hintaying makaramdam ka ng motibasyon
bago ka kumilos para magbigay inspirasyon
Hindi sa lahat ng panahon "we are motivated"
Kailangan lang natin talaga minsan pilitin ang sarili na kumilos
Sapagka't tumatakbo ang oras
at maaaring masayang ang panahon
Kapag ang pagkilos natin ay naaayon lamang sa motibasyon
Oo kailangan natin ng motibasyon
Ngunit hindi sa araw-araw nararamdaman at dinadalaw tayo nito

—Bb. Saydang

27/05/2026

Magpatuloy ka kahit walang palakpak
Magpatuloy ka kahit walang boses ng papuri
Magpatuloy kahit walang makikitang disenyo ng pagngiti sa kanilang mga mukha
Alam mo kung bakit?
Kasi ganyan ang totoong lumalaban
Hindi binabasehan ang opinyon at sinasabi ng iba
Ganyan ka dapat—
Palakpakan ang sarili
Puriin ang sarili
Dahil wala nang mas nakagagalak pa
kung hindi ang makita't maramdaman
na masaya ka sa bawat maliit na tagumpay na 'yong natatamasa

—Bb. Saydang

26/05/2026

Lahat nagsisimula sa wala
Isa sa pinakamahirap na bagay sa buhay natin ay ang sumubok
Ngunit sa pagpapatuloy natin
Unti-unti naman tayong umuusad
Maaaring takot tayo na magsimula
Ngunit hindi masamang maging baguhan sa kahit ano man na larangan
Ang tanging pagkakamali lang ay hayaang
lumipas ang araw—
Nang hindi mo man lang sinubukan
At sa araw-araw nagiging bihag ka ng mga katagang
"Paano kung? "

—Bb. Saydang

Nawa ay manalo lahat ng taong nagpakahirap, nagsumikap at totoo—mga lumalaban ng patas sa mundokung saan sa mga oras na ...
21/05/2026

Nawa ay manalo lahat ng taong nagpakahirap, nagsumikap at totoo—
mga lumalaban ng patas sa mundo
kung saan sa mga oras na ito,
tulog ang karamihan sa mga tao
Ngunit ang mga kagaya natin ay tila ba nakahanap ng halaga sa mga oras na nahihimbing ang iba,
Dahil sa mga pangarap na tanging
mga ilaw, buwan at ikaw ang nakakaalam kung pa'no mo hangad ang manalo sa buhay.
Kaya mo ginagalingan.

—Bb. Saydang

06/05/2026

Kung gusto mong maging masaya nang hindi pinapakinggan ang sinasabi ng iba—
Gawin mo
Hayaan mo ang sarili mo na maging madamot
Kung ito naman ang tanging dahilan upang maramdaman mo ulit kung pa'no maging malaya
Kumilos ka nang hindi hinihingi ang permiso ng iba
Hindi mo kailangan na may umintindi sa'yo
Hindi mo kailangan na may bumuhat sa'yo
Kung gusto mo ng pagmamahal na walang kondisyon—mahalin ang sarili, palagi.

—Bb.Saydang

Address

Ipil

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bb. Saydang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Bb. Saydang:

Shortcuts

Share

Category