Daphnia

Daphnia Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Daphnia, Imus.

Minsan dadagsain ka ng problema pero wag mong kakalimutan na ilan lang yung problema na yan sa araw na palagi kang masay...
26/06/2019

Minsan dadagsain ka ng problema pero wag mong kakalimutan na ilan lang yung problema na yan sa araw na palagi kang masaya.

Magalak ka sa pag subok kasi may reward na kapalit yan kapag nalagpasan mo.

Peace at makinig sa mellow na music para makatulog :)

29/12/2018

Sana balang araw di na natin kailangan pang sumulat para sa isa't isa. Yung araw na kaya monang banggitin ang lahat kasi mag kaharap na tayong dalawa at mag kasama kahit saan man natin gustohin pumunta. Kaso isa lang pala ito sa mga kathang isip ko. Mga bagay na pawang katotohan lang at malabong masilayan.

Sana di matulad sa isang papel ang lahat. Papel na hinayaan lang lumipad habang hindi mopa tapos maisulat o mailahad ang lahat ng iyong nadarama sa pamamagitan ng isang sulat. Liham ko para sayo pinilit ko bigyan ng tugma kaso isa lang ang kayang tugmaan ng aking dila sa tuwing na babanggit ko ang ngalan mo. Liham para saking mahal o mas magandang sabihin na lihim na liham para sa aking mahal.

Gusto ko sanang balibaliktarin yung liham kung mahal ang kalalabasan kaso hindi ito ang kinalabasan. Subalit kahit baliktarin mo pa ang pag basa sa liham kong ito maiintindihan mo parin yung pag papahalaga ko sayo tulad ng liham na ito. Oo liham, Liham sa ngayon pero darating ang araw na parte nalang ang mga liham ko ng halimbawa ng pag mamahal at pag papahalaga ko sayo.

27/12/2018

Sisimulan ko ang lahat kung papano kami nag ka kilala. Sabihin na nating nag mahal ako ng may jowa. Pero balik tayo sakanya, Oo sakanya. Sakanya na iba yung naging ikot ng kwento. Kwento na di ko talaga naisip na mang yayari. Unang nag kita kami sa isang kainan magaling pala siya kumanta yung tipong mapapalingon ka sa husay niya. Oo nilingon ko siya sabay sabing nakikita ko siya. Nakikita ko siya sa loob ng opisina namin.

Napakatahimik niya lang hindi mo siya mapapansin kasi madalas na naka yuko lang siya kapag dadaan. Tinanong ko siya ng nakasama ko siya isang beses sa kainan. Kasama kasi siya ng katrabaho kong isa naimbitahan pala siya na maki kanta kasi nga may videoke sa kainan. Ang ganda, Oo ang ganda ng kinakanta niya maganda yung boses niya at syempre napansin kodin na maganda siya. Tinanong ko kung may nobyo na ba siya. parang gumuho nalang mundo ko ng sinabi niyang meron na at idinagdag niya pang matagal na sila. Agad akong lumayo pag katapos kong maitanong respeto nalang kasi sa nobyo niya. Nag daan yung mga araw lubusan kopa siyang nakilala ng nakapag kwento siya na meron pala silang pinag talunan ng nobyo niya. Maliit na bagay lang daw ng nalaman ko masasabi ko nga naman na maliit na bagay lang talaga kasi hindi lang nakapag paalam na mag iinom siya kasama mga katrabaho niya.

Kung ikaw nga naman lalake at mag iinom yung nobya mo at di ka kasama mag aalala kadin. Kaso may disiplina itong si Rica. Oo siya si Rica. Unang beses namin mag usap wala talaga siyang gana makipag usap sa kahit kaninong lalake na kasama sa mesa namin.

Nalaman ko na wala palang tiwala sakanya yung nobyo niya. Napaisip ako bakit di mo kayang pag katiwalaan yung mahal mo? Bakit kailangan mo sakalin? Natatakot kaba sa sarili mong kalokohan? Humanga ako kay Rica. Sa bait niya sa pagiging mahinhin niya. Ilang beses siyang umiyak dahil nag bago na nga daw lahat sakanila. Madalas ko siyang nakakasama nakilala kopa siya ng mabuti. Marami siyang nakwento tungkol sakanila ng nobyo niya. Naawa ako sakanya kasi halos di siya kayang ipagmalaki ng nobyo niya. Iniisip ko nalang na kung mahal niya ba talaga si Rica bakit kinahihiya niya? Mga tanong na naiwan sa isip ko. Matagal tagal koding nakakwentohan si Rica. Nalaman ko na may problem pala siya sa pandinig niya sa kanang tenga niya. Ayokong makigulo habang di sila nag kakaintindihan ng nobyo niya. Di ko alam kung papano ko siya lalayuan para di ako makadagdag sa problema nila dahil pakiramdam ko mas lalo kaming nag kakamabutihan. Nakakasama ko siyang kumain, Mag lakad at mamasyal. 'Di ko naman masasabi na nag tataksil na siya sa nobyo niya kasi wala namang namamagitan samin or kahit anong sexual interaction sa pagitan namin. Pakiramdam ko pasakit nalang din ng pasakit yung nararamdaman ko kasi alam ko na siya yung taong dapat minamahal kahit may mga di magandang nakaraan ayoko naman siya husgahan may mga pag kakamali din ako noon baka mas malala pa sa mga nagawa niya. Siya yung taong magiging masaya ka na makita at makasama siya sa bawat umaga kahit abutin ng gabi.

Isang araw ng muli kaming mag kita katabi ko siya nasa kanang parte niya ako at nasa kaliwa ko siya. Umamin na ko sakanya hindi kona kinaya yung nararamdaman ko. Parang mga paro-paro sa loob ng dibdib ko na gustong kumawala. Gustong gusto kona sabihin sakanya itong nararamdaman ko mula noon pa. Kaso natatakot ako na mapilitan lang siyang mahalin ako para magamot yung sakit na nadarama niya sa piling ng nobyo niya. Gusto ko sanang mahalin niya din ako sa oras na handa na siya. Pero hindi. Buo na loob ko. Umamin na ko sakanya. Nasabi ko nalang na Rica, Mahal kita. Sabay tumingin siya sakin. Pero wala siyang sagot sa mga sinabi ko.

Kinabahan pa ko kasi ang tagal niyang tumingin sakin sabay biglang nag salita siya di ko inasahan na ang sasabihin niya. Nag didilim na TAYO NA at baka abutan pa tayo ng dilim sa kalsada.

Napaisip ako hanggang sa maka uwi kami sa kanya kanyang bahay namin. Naguluhan ako bakit hindi siya sumagot sa mga tanong ko. Binalewala niya lang din pala yung nararamdaman ko.

Iniisip ko nalang baka hindi pa ito yung oras para harapin niya ko. Lumipas ang ilang buwan nag kahiwalay na sila ng nobyo niya. Nalaman ko nalang na may mga manliligaw na siya. Huli kona nalaman na matagal na pala silang wala ng nobyo niya. Ang isa pang pinag tataka ko bakit di siya sumagot nun ng umamin ako sakanya kung wala na pala sila? Mga tanong na bumagabag na naman sa isip ko. Naisip ko bakit ba di siya sumagot ng nag sabi ako na mahal ko siya. Pumasok nalang sa isip ko yung pang yayari ng araw na yun. Nakaupo kami nasa kanang parte niya ako katabi ko siya habang nasa kaliwang parte ko naman siya. Bakit pag nag mamahal ka di mona alam kung ano yung nang yayari? Bakit di ko naalala na may problema nga pala yung kanang tenga niya? Ngayon naintindihan kona kung bakit di siya sumagot at nag aya nalang na umuwi na. Sinubukan ko ulit na lumapit sakanya para umamin tungkol sa nararamdaman ko para sakanya. Kaso huli na pala. Ilang buwan narin siyang nililigawan ng man liligaw niya at ng araw na yun ay sinagot na niya yung manliligaw niya.

'Di rin naman pala yung pag kakataon yung napigil satin minsan tayo rin mismo kasi nakakalimutan na natin lahat kapag nag mamahal na tayo.

Salamat sa pag babasa

27/07/2017

Speed doesn't matter
Forward is forward.

21/10/2015

Salamat sa like niyo. Khit di namin kayo kilala or kung panu niyo nakita tong page pero . salamat . hahaha

16/09/2015

salamat po sa mga nag lilike ng page natin...
opo sating lahat po ito... sama sama sa isang musika :)

17/08/2015

Salamat po sa mga nag like ng page namin :)

Address

Imus

Telephone

09467366613

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Daphnia posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Daphnia:

Share