02/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ (๐๐๐) ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ง๐ ๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐จ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐๐ฉ๐๐ง๐ข๐ข๐ฅ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ฆ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐, ๐ญ๐ข๐ฅ๐ ๐ฆ๐๐ฌ ๐ฅ๐๐ฅ๐จ ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ง๐๐ ๐ฉ๐จ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ฉ๐๐ญ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ง๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฒ๐๐ง ๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐จ๐ฌ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ง๐ ๐ฆ๐๐ค๐๐๐ก๐จ๐ง.
Nitong Hulyo 30, 2026, idineklara ng Kataas-taasang Hukuman na labag sa Saligang Batas o unconstitutional ang pag-aatas sa mga komersyal na sasakyang pangisda na magkabit ng isang vessel monitoring system sa ilalim ng Fishing Administrative Order (FAO) 266. Sa bilang ng boto, 13 sa mga hukom ang sumang-ayon sa pasyang ipawalang-bisa ang FAO 266 habang dalawa lamang ang kabilang sa panig ng dissent na tumutol sa pasya ng mayorya.
Maaalala na unang nilagdaan at ipinatupad ang FAO 266 noong Oktubre pa ng taong 2022. Ang layon ng polisiyang ito ay ang mas paigtingin ang mga probisyon hinggil sa tracking ng mga commercial fishing vessel na makikita sa isang nakatatandang polisiya na kilala bilang FAO 260. Opisyal na inanunsyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko ang polisiya noong Oktubre 19, 2022. Gayunpaman, nagkaroon lamang ito ng ilang buwang implementasyon at kalaunanโy napahantong sa isang legal freeze matapos itong idineklara ng Malabon City Trial Court bilang unconstitutional o paglabag sa Saligang Batas. Bunsod ng hatol ng lokal na korte, sinuspinde ang pagpapatupad ng polisiya hanggang sa kamakailang pasya mula sa Korte Suprema.
Sa kasagsagan lamang ng pagpapatupad ng polisiya noong 2020, umangal kaagad ang tatlo sa mga malalaking korporasyon ng komersyal na pangingisda sa bansaโ Royale Fishing Corporation, Bonanza Fishing and Market Resources, Inc. at RBL Fishing Corporationโ
laban sa mandato ng BFAR. Bilang tugon, nagsumite ang mga ito ng petisyon para sa declaratory relief sa Malabon City Regional Trial Court (RTC) Branch 170 upang kuwestiyunin ang legalidad ng naturang mandato. Nangatwiran ang mga korporasyon na ang mandato ay walang-kautusang pagmamatyag ng pamahalaan nang walang sapat na dahilan. Bumili rin diumano ang BFAR ng mga tracking device na walang sapat na pampublikong koordinasyon at konsultasyon. Argumento rin ng mga malalaking korporasyon na sensitibo raw ang kaalaman ukol sa kanilang lugar-pangisdaan at real-time navigation coordinates. Kinalaunan, idineklara ng Malabon City RTC Judge ang FAO 266 na walang saysay, walang bisa at hindi konstitusyonal, na umudyok sa permanenteng atas ng pagpapatigil ng polisiya sa pagtatakda ng sea-tracking system.
Sa labis na depensa at paninindigan, ang Republika ng Pilipinas, sa pangangatawan ng Department of Agriculture (DA), BFAR at ang National Telecommunications Commission (NTC), ay itinaas ang kaso sa Kataas-taasang Hukuman sa pamamagitan ng Petition for Review on Certiorari. Nagkaroon din ng interbensyon ang Oceana Philippines sa panig ng pamahalaan at iginiit na ang tracking ay isang pandaigdigang pamantayan na kinakailangan upang wakasan ang ilegal na pangingisda. Kinalaunan, nagkaroon ang Korte Suprema en banc ng oral arguments noong Oktubre ng 2023. Iginiit na naman muli ng mga operator na ang pagkakaroon ng tracker ay isang paglabag sa โequal protection clauseโ dahil pinupunterya lamang nito ang commercial fishing vessels at hindi kabilang ang mga maliliit na mangingisda sa mandatong ito. At sa kahuli-hulihan, ang pinal na hatol ng Korte Suprema ay desisyon nitong ipawalang-bisa ang FAO 266 dahil sa kabiguan diumano ng pamahalaan na matugunan ang โRational Basis Testโ dahil hindi nito mapatunayan na ang mga tracking devices ay ang pinakaepektibo at hindi nakagagambalang pamamaraan upang wakasan ang ilegal na pangingisda.
Dahil dito, mariing kinukundena ng Konseho ng Mag-aaral ng Pangisdaan at Agham Pangkaragatan, kasama ang UP Ichthyophilic Society at UP Fisheries Guild ang hatol ng Kataas-taasang Hukuman hinggil sa pagpapawalang-bisa ng FAO 266 na ang layon ay wakasan ang ilegal na pangingisda at ang pananamantala ng mga commercial fishing vessel sa loob ng 15 km municipal waters. Ipinapakita nito kung paano gamitin ng mga naghaharing uri ang batas upang ipagtanggol ang interes ng malalaking korporasyon, habang naisantabi ang karapatan at kabuhayan ng mga maliliit na mangingisda na siyang higit na umaasa sa yamang-dagat.
Nag-iiwan ito ng katanungan para sa karamihan โ para kanino nga ba ang batas? Kinukundina rin ito ng mga progresibong grupo at nilarawan ito bilang โHatol na Kamatayanโ para sa ating mga maliliit na mangingisda.
Unang-una, mayroon nang hindi patas na kompetisyon sa pagitan ng mga maliliit at malalaking mangingisda, kaya hindi makatwarin at lohikal ang argumento ng mga korporasyon na: โKung paglalagyan kami ng VMS, dapat ang mga maliliit na mangingisda rin.โ Sapagkat ang mga komersiyal na mangingisda ay kayang makahuli ng mahigit 3,055 na kilo ng isda kada oras, habang ang mga maliliit na mangingisda naman ay kadalasang wala pang isang kilo ang nahuhuli sa loob ng isang oras gamit lamang ang mga tradisyunal na kagamitang pangisda. Dahil dito, ang kawalan ng tracker ay magreresulta sa panghihimasok ng mga commercial fishing vessels sa mga katubigan na nakalaan lamang para sa mga maliliit na mangingisda.
Pangalawa, ang kawalan ng maayos na vessel tracking system ay nagpapahirap sa mga Bantay Dagat at iba pang mga law enforcement agencies sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang ating mga yamang-dagat. Dahil dito, mas naging mahirap tukuyin at mapanagot ang mga lumalabag sa batas, kabilang na dito ang mga sangkot sa Illegal, Unreported, at Unregulated (IUU) fishing at ang panghihimasok ng mga commercial fishing vessels sa loob ng municipal waters.
Pangatlo, tinatayang nawawalan ang bansa ng humigit-kumulang 45 milyong kilo ng isda bawat taon, kung magpapatuloy ang mga operasyong hindi sapat ang monitoring at pagpapatupad ng batas ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, lalo na sa pagpigil sa panghihimasok ng mga commercial fishing vessels sa 15 km municipal waters, ay nagdudulot ng overfishing, tuluyan nang mawawalan ng hanapbuhay ang mga tradisyunal at maliliit na mangingisda na patuloy na nalulugmok na sa kahirapan.
Kaya naman, ang Konseho, kasama ang UP Ichthyophilic Society at UP Fisheries Guild ay tahasang inuudyok ang mga ahensya ng gobyerno na agarang bumuo ng isang konstitusyonal, epektibo, at may malinaw na legal na batayang sistema ng vessel monitoring upang maitatag muli ang isang mekanismong magtitiyak na ang karagatan ay hindi nagiging espasyo kung saan ang may pinakamalaking kapasidad na kumuha sa yamang-dagat ang may pinakamaliit na pananagutan. Ang naging desisyon ng Korte Suprema ay hindi makamasa at nakasentro sa pagsisilbi sa interes ng mga naghaharing uri at hindi para sa karaniwang mamamayan. Kasabay nito, inuudyok din ng kosenho kasama ng mga fish organizations ang pagpapabilis ng pagsasabatas ng House Bill No. 5606 o Atin ang Kinse Kilometro Act at ang pagtampok ng mga probisyon sa panukala ukol sa legal na pag-track o iba pang alternatibong mekanismo, sapagkat walang saysay ang pagkilala ng batas sa karapatan ng mga maliliit na mangingisda kung nananatiling maluwag ang mga puwang na nagpapahintulot sa mas makapangyarihang sektor na lampasan ang mga itinakdang hangganan ng kanilang paggamit sa yamang-dagat.
โKatarungan, Kalayaan at Katotohananโ โ ito ang opisyal na motto ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas, ngunit sa ating pag-aanalisa, ang kanilang hatol na ipawalang-bisa ang FAO 266 ay marahil kinokontra ang diwa ng bawat salitang nakaukit sa bulwagan nito. Walang katarungan kung pinapanigan ng batas ang uring nananamantala habang lalo nitong nilulugmok sa kahirapan ang masang matagal nang nagdurusa. Walang tunay na kalayaan hangga't ni ultimo batas ay kayang baluktutin ng mga naghaharing uri. At lalong walang saysay ang sagisag na โBatas at Bayanโ kung ang mga mekanismo ng mismong batas ay nabibigo na kilalanin ang karanasan at kapakanan ng mga sektor na matagal nang nasa laylayan ng usapin.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
References:
[1] Rappler. (2026, July 31). Officials, private interests spoil effort to track big fishers. https://www.rappler.com/newsbreak/investigative/officials-private-interests-spoil-effort-track-big-fishers/
[2] Supreme Court of the Philippines. (2026, July). G.R. No. 256282 (Decision).https://sc.judiciary.gov.ph/wp-content/uploads/2026/07/256282.pdf
[3] Philippine Daily Inquirer. (2026, July 31). SC affirms tracking of commercial fishing unconstitutional. https://newsinfo.inquirer.net/2274787/sc-affirms-tracking-of-commercial-fishing-unconstitutional
[4] Manila Bulletin. (2026, July 31). SC affirms unconstitutionality of digitized real-time reports required from operators of big fishing vessels. https://mb.com.ph/2026/07/31/sc-affirms-unconstitutionality-of-digitized-real-time-reports-required-from-operators-of-big-fishing-vessels
[5] Philippine Daily Inquirer. (2026, July 31). SC ruling weakens fight against illegal fishing, group warns. https://newsinfo.inquirer.net/2275215/sc-ruling-weakens-fight-against-illegal-fishing-group-warns
[6] ABS-CBN News. (2026, July 30). SC affirms unconstitutionality of monitoring systems imposed on commercial fishing vessels. https://www.abs-cbn.com/news/nation/2026/7/30/sc-affirms-unconstitutionality-of-monitoring-systems-imposed-on-commercial-fishing-vessels-2227