Mga Sulat sa Tubig Alat

Mga Sulat sa Tubig Alat Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mga Sulat sa Tubig Alat, Visual Arts, Brgy. Buray, Oton, Iloilo City.

DaunganKahit ano man ang maging takbo ng panahon,Nawa'y makausad, makayanan at makaahonSa anumang nakaabang na hamon.Kah...
12/03/2026

Daungan

Kahit ano man ang maging takbo ng panahon,
Nawa'y makausad, makayanan at makaahon
Sa anumang nakaabang na hamon.

Kahit bagyuhin, alunin at anurin,
Nawa'y patuloy pa rin
Ang pagtumbok sa mga mithiin.

Kahit mapagod at kalawangin,
Nawa'y tangayin ng hangin
Sa matagal ng pinapanalangin.

Lubak-lubak man ang daan,
Multuhin man ng nakaraan,
Makarating sana tayo sa pinapangarap nating daungan.

Mga Sulat sa Tubig Alat

Santiago 4:13-14 [13] Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan...
06/03/2026

Santiago 4:13-14
[13] Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming titigil doon, mangangalakal kami at kikita nang malaki.” [14] Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang hamog lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.

Sinong may hawakNg relo, kandila't bulaklak?Sinong may dalaNg simula, kasukdula't wakas na linya?Sinong makakapagsabi Ku...
06/03/2026

Sinong may hawak
Ng relo, kandila't bulaklak?
Sinong may dala
Ng simula, kasukdula't wakas na linya?

Sinong makakapagsabi
Kung kailan matatapos ang paghahabi?
Sinong nakakaalam
Kung kailan ang pamamaalam?

-Mga Sulat sa Tubig Alat

Dubai chewy cookies o Ilocos empanada?Sa totoo lang, huminto na sa pagbabarko at magkaroon ng business at multiple sourc...
04/03/2026

Dubai chewy cookies o Ilocos empanada?

Sa totoo lang, huminto na sa pagbabarko at magkaroon ng business at multiple sources of income sa lupa dahil nauubos na ang oras sa walang katapusang tubig alat.
Malayo sa pamilya,
Hindi nasusubaybayan ang paglaki ng mga anak,
At wala palagi sa mga social gatherings.

Nawa'y makapag-ipon at makapagpundar habang nagbabarko pa.
Nawa'y sumang-ayon ang buwan at ang mga tala.
Sana'y maki-ayon ang guhit ng tadhana.
Sana'y makadaong sa inaasam-asam na pampang,
ng hindi na kailangang pumalaot pa.

-Mga Sulat sa Tubig Alat

TakipsilimTakipsilim,Nangulimlim, naglilimlimLiwanag at dilim.Takipsilim,Nagdadasal ng taimtim,Kailan matatapos itong pa...
03/03/2026

Takipsilim

Takipsilim,
Nangulimlim, naglilimlim
Liwanag at dilim.

Takipsilim,
Nagdadasal ng taimtim,
Kailan matatapos itong paninimdim?

-Mga Sulat sa Tubig Alat

Walang hangganang aplaya ang aking paroroonan -malayo,minsan malabo,posibleng imposibleng maabot.Pero tuloy pa rin ang p...
03/03/2026

Walang hangganang aplaya ang aking paroroonan -
malayo,
minsan malabo,
posibleng imposibleng maabot.
Pero tuloy pa rin ang paglalakbay sa buhay,
Tuloy pa rin ang pagtumbok sa mga pangarap.

Mabilad man sa init ng araw,
Mabasa man ng ulan,
Ginawin man ng nyebe,
Hampasin man ng malalaking alon,
Tangayin man ng malalakas na agos
At huminto man dahil sa matinding hangi't bagyo,
Magpapatuloy at magpapatuloy pa rin.
Tatakbo at tatakbo pa rin.
Uusad at uusad pa rin.

Malayo pa,
pero malayo na.

-Mga Sulat sa Tubig Alat

Address

Brgy. Buray, Oton
Iloilo City
5020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Sulat sa Tubig Alat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share