SAD POEM

SAD POEM HELLO EVERYONE, I WROTE A SAD POEM, EVERYTHING I WROTE IS FROM MY HEART. EVERYTHING I WROTE HAPPENED TO MYSELF. I HOPE YOU CAN SUPPORT ME ON MY PAGES. THANK YOU

18/08/2024

Dear Self Part 2

Kamusta kana?
Kamusta yung buhay mo ngayon?
Natutulog ka na ba sa gabi?
masaya kana ba?
Okay naba ulit yung puso?
Di kana ba umiiyak t'wing gabi?
Alam mo kung ano ang masakit?
Masakit na maiwan
Masakit pinabayaan
Lalong masakit
Yung nasanay sa isang tao
Andyan para sayo araw-araw
Bigla na mawawala
Sanay kang iniwan
Sanay kang mag isa
Sanay kang masaktan ng paulit-ulit
Self habang buhay kana lang ba maging ganyan?
Parang nasanay mo iyong sarili
Walang kakampi
Mag isa ka lang
Nakakulong ka sa isang madilim na sulok
Na ayaw mo ng pumunta sa liwanag
Kasi alam kong pagod na pagod kana
Pagod na pagod Ka na sa buhay mo
Pagod kana umiyak
Pagod kana masaktan ng paulit-ulit
Pagod kana mag isa
Lalo na sa lahat
Pagod na pagod kana sa mga bagay
Alam mong ikaw lang
Babangon sa iyong mga paa
Alam ko gusto mo na talaga sumuko
Gusto mo ng sumunod sa mga taong nawala sa buhay mo
Pero self
Ba't ganun
Ba't wala akong pakiramdam
Kailangan ko pang magdusa
sa isang bagay
alam kong ma down sa buhay ko
Ba't kailangan ko pa magdaan
lahat ng masasakit at pighati
Sa buhay ko
OO tama ka!
PAGOD NA AKO!
PAGOD NA PAGOD NAKO
Pagod na ko mabuhay
Pagod na ako sa lahat
pero sana naman
Mayroon magkaintindi sakin
kahit isa lang self.
sobrang down na ako
Sa mga bagay na
kunting problema
iiyak ako
kunting kirot sa puso ko
iiyak ako
Self hindi kapa ba pagod
umiyak araw-araw

21/07/2024

You gave no one a last farewell
Nor ever said good-bye.
You were gone before we knew it
Only God knows why?
A million times we will miss you
A million times we will cry.
If love alone could have saved you,
You never would have died.
In life we love you dearly,
In death we love you still.
In our hearts you hold a place, no one else can fill.
It broke our hearts to lose you, but you didn't go alone, for part for us went with you.
The day God took you home,l
We will meet again someday
I know in a better place. I thank God he made you our brother while you were here on earth.

17/07/2024

Gumising kang masaya
Ating problema ay nakalimutan
Kay saglit
Bawat ngiting abot langit
Ang mga ngiti na dumaloy sa ating mga mata
Parang walang problema
Ba't ngayon ang mga ngiti ko'y
Palitan ng sakit at hapdi
Di alam ang gagawin
Kapag ang taong mahal sa buhay natin ay lumisan
Mga luha't dahan dahan pumapatak mga tanong sa aking isipan
Ba't mo kami iniwan?
Ba't hindi ka lumaban?
Mga tanong sa aking isip na parang walang bukas
Mga tanong na hindi mo tanggap ang iyong paglisan
Tanggapin nalang iyong paglisan
Kaysa makita mo kaming malungkot habang ikaw ay Sa kabilang buhay na
Parang ako'y binagsakan ng malaking bato
Tumama sa aking ulo
Pagsanhi ng sugat
Mga sugat na kailanman
Di mo na ito maranasan
Ang mga bawat sakit ng iyong katawan
Di kana. Magtitiis sa sakit ng bawat sakit ng iyong katawan.
Mga puso namin ay nananikip sa sobrang sakit
Iyong pagkawala
Mahal? Paalam na.
Bantayan mo nalang iyong taong mahal sa buhay
Dito sa lupa
At ikaw ay maging anghel namin diyan sa langit

10/07/2024

Pagsubok

Pagsubok na ating hinaharap
Na kailanman ay ating ipaglaban
Pagsubok na hindi natin alam
Kung ito ba'y ating makakaya
Pagsubok na ating hinaharap sa ating buhay
May nawawala man sa atin, at may meron din dumating.
Pagsubok na may halong problema ating hinaharap.
Pinipilit nating abutin at kayanin ang bawat pagsubok na ating pinagdaanan
Pagsubok na ating makakamtan
Pagsubok na ating pinaghandaan
Bakit ba mayroon pagsubok?
Pwede naman masaya lang.
Walang lungkot
Bakit kailangan natin daanan yung pagsubok na ating kinatakotan
Natatakot tayo na may mawawala sa atin.
Natatakot tayo na baka sa huli ay iiwan tayo ulit ng taong mahal natin sa buhay.
Pagsubok na kailangan natin lagpasan.
Alam ko hindi lahat tayo nakaramdam
Sa isang lugar na walang makikita
Kundi madilim, walang ilaw. Walang kasama
Kundi ikaw lang.
pagsubok na ating ilaban at tumayo sa sariling mga paa
bumangon kapag dumapa.
kasi tayo lang ang aahon sa ating mga sa sarili

07/07/2024

maulan na gabi sainyo lahat, bigyan niyo naman akong isang word na tagalog para magawa ako ng isang tula hehe.

Wala na kasi ako maisip eh simula nong nagloko Siya. Keme

27/06/2024

Magandang umaga sa inyo. Minsan na ba kayo nasaktan sa taong importante sa inyo?

26/06/2024

Walang Oras

Dumating ka ulit sa buhay ko
Gusto mong bumalik sa buhay na merong tayo
Binigyan ka ng pagkakataon para maging tayo
Tinuruan ko ang puso ko na mahalin ka, kahit di kita mahal.
Oo, wala na yung pagmamahal na mayroon sa puso ko
Kaya't nahihirapan akong mahalin ka ulit.
Sinubukan kong bumalik ka ulit sa buhay ko.
Dumating yung araw, di ka man lang nagpaparamdam sakin
Kung kailan na binigyan kita ng huling pagkakataon.
Pero, sinayang mo yung pagkakataon na mahalin ka ulit.
Sinayang mo yung bawat oras na dapat ako yung kausap mo araw-araw.
Sinayang mo yung pagkakataon na akala ko, ikaw nalang kulang sakin.
Sinayang mo yung tao na handang intindihan ka at bigyan ka ng oras
Kahit hindi mo ako'y binigyan ng oras
Uunahin mo pa ba yung keysa sakin?
Uunahin mo pa ba yung keysa sa taong mahal mo?
O uunahin mo pa yung ibang tao, keysa sa taong na kailangan ka ngayon?
Magpaparamdam ka lang ba kapag mamiss mo'ko?
Magpaparamdam ka lang ba kapag may kailangan ka sa taong mahal mo?
Akala ko ba sincere ka? Asan na yung sincere at pagmamahal mo?
Kung sa iba ka man lang nagbibigay ng oras, at di sa taong mahal mo?
Yan ba yung pagmamahal?
Pupunta ka sa taong mahal mo kasi namiss mo yung yakap at lambing niya.
Magpaparamdam kalang ba kung kailangan mo siya?
Paano naman ako?
Kailangan din naman kita
Pero ba't binalewala mo lang yung meron ako sayo?
Binabalewala mo lang yung huling pagkakataon na binigay ko sayo.
Sana hindi ka nalang dumating ulit sa buhay ko
Para hindi na ako umaasa na bigyan mo ako ng oras
Kung kailan ba mawala yung taong mahal mo
Tsaka ka pa magbibigay ng oras, at pagsisi?
Mas mabuti pang hindi ka nalang ulit dumating.
Para hindi ko maramdaman na hindi pala ako deserve na dumating ka ulit sa buhay ko

13/06/2024

HULING SAYAW

SA ILALIM NG KALAWAKAN
TAYONG DALAWA ANG MAGKASAMA
SA ILALIM NG BUWAN TAYO AY NAKATINGIN SA ISA’T ISA
MAGHAWAK KAMAY TAYO AT SUMAYAW TAYO SA MUSIKA
HANGGANG TAYO’Y MALAYA

PAKINGGAN ITO NG MABUTI
ANG PANGALAN MO AY SUMIGAW ANG PUSO KO
SA TUWING TITINGIN KO ANG MGA MATA MO HABANG NAGSASAYAW TAYO
HINDI NATIN DAPAT ITO BINABALEWALA
TAYO DALAWA ANG MAGKASAMA HABANG NANDITO TAYO SA LUPA

SINTA, NAALALA MO PA?
NOONG UNANG ARAW NA TAYO’Y SUMASAYAW
MGA TALA SA LANGIT BUMABABA
TILA’Y LIWANAG MO’Y NAGBABADYA
NG BAGYO SA PUSONG PAWALA

OH SINTA, SANA MAALAALA MO PA
YUNG MGA UNANG ARAW NATING DALAWA
SA BAWAT PAGPIKIT NG ATING MGA MATA
HANGGANG SA HULING INDAK SA ATING MGA PAA
ALAM KONG HABANG-BUHAY, IIBIGIN KITA

SANA, SA SUNOD NA YAYAIN KITA NA ISAYAW
SANA PUMAYAG KA, SA HULING SAYAW NATING DALAWA
BAGO TAYO’Y LUMISAN SA MUNDO NG KALAWAN
IPARAMDAM KO SAYO
NA BAWAT HAKBANG AT YAKAP AY KASAMA MO AKO
IPAPARAMDAM KO SAYO KUNG GAANO KITA KA MAHAL

SINTA KO, SANA AKO PA RIN ANG IYONG HULING SAYAW
MAGDADALA NG MGA NGITI AT SAYA SA ATING ISIPAN AT PUSO
KAILANGAN NA ATA NATIN MAGPAALAM
KAYA’T SABAY TAYONG BIBITAW
SA ATING HULING SAYAW
PAALAM SATING HULING SAYAW.

10/06/2024

To my Ex

Makalipas ng ilang buwan
Labis ako naulila saiyong pagmamahal
Di ko maramdaman kung ba't kita sinukuan
Ba't nga ba kita sinukuan?

Habang wala ka sa aking tabi
Araw at gabi ko pinagsisihan ang aking pagkamali?
Paano pa ba ako makabawi, kung kailan wala kana.
Alam mo bang sobrang miss na miss na kita.

Kay gandang ng boses mo, ang hinahanap ko.
Ang iyong pag-alaga sakin na di ko na maramdaman
Kailan na ikaw lumisan, dun ko pa malaman kung gaano ka importante para sakin
Manhid ba ako kapag naririnig kitang umiyak?

Alam mo bang may kulang sa buhay ko?
Kulang ako kapag nawala ka?
Labis parin ako nagsisi, na ikaw na mismo bumitaw.
Pasensya kung gago ako. Pasensya kung lagi kita sinasaktan.

Gusto ko lang malaman mo
Di parin kita susukuan
Maghihintay ako ng gaano ka tagal
Basta't bumalik kalang

Bumalik kalang sa aking piling
Okay na ako
Masaya na ako
Bawiin ko lahat ng masakit at iyak na binigay ko sayo.

Basta't Bumalik kalang
Mahal ko.
Miss na miss na kita sobra

09/06/2024

Dear. Self,

Kamusta ka na ba?
Ayos kalang ba?
Kumakain ka pa ba sa tamang panahon?
Natutulog ka pa ba ng mahimbing sa gabi?
Okay kana ba?
Tanga ka pa rin ba?
Manhid ka pa rin ba?
Okay pa ba puso mo?
Self, tama na wag ka naman maging tanga pag dating sa kanya.
Self, wag ka naman manhid sa mga taong nagmamahal sayo ng totoo.
Self, pwede bang halagaan mo sarili mo.
Self, pwede bang magpahinga ka naman kahit pa paano.
Sana okay kalang self.
Sana hindi ka pa manhid pag dating sa pag ibig.
Sana minsan makinig ka naman.
Sana minsan ma ramdaman mo din na may nagmamahal sayo.
Alam kung pagod kana.
Alam kung sawa kana.
Alam kung nasasaktan kana.
Alam kung hindi kapa okay.
Self, alam kung ayaw mo na mag isa.
Ayaw mo na masaktan ng paulit-ulit.
Pero gusto ko sabihin sayo.
Please be a positive.
Wag ka agad sumuko.
Marami pang nagmamahal sayo.
Marami ka pang gagawin na achievement and more.
Please wag gagawa ng kalokohan na alam mong pagsisihan mo sa huli.
Please self, wag kang mag mukhang tanga sa taong alam mong iniwan kana.
Please self, wag mo i down sarili mo sa mga bagay na alam mong ma stress ka lang.
Self maraming nagmamahal sayo,
Wag mo hayaan yung mga taong nandiyan palagi icheer ka
Alam ko Matapang ka.
Alam ko na sasaktan ka.
Alam ko na nahihirapan ka.
Alam ko mag isa ka.
Pero wag mo hayaan na pati sarili mo pabayaan mo sa walang kwenta ginagawa.
Manatili ka maging masaya.
Subukan mong tumayo sa sarili mong paa.
Wag ka umasa sa taong alam mo kaya ka paasahin.
Piliin mo yung mga totoong kaibigan, hindi yung pekeng kaibigan.
Wag ka agad sumuko pag dating sa mga panahon na down kana.
Wag na wag mong sisihin sarili mo.
Ito pa self, Wag na wag kang mag pa api sa taong walang magawa.
Ang pagsubok dapat lagpasan.
May nawawala pero may kusang darating para sayo.
Wag mong isipin yung negatibo.
Isipin mo ang positibo
At sabihin mo ng paulit ulit.
Nandito siya, hindi ka niya iniwan.
Siya yung umaalalay sayo

M ✍️

07/06/2024

Dating Tayo

Dati masaya ka pa sakin.

Dati magkasama tayo kung saan tayo pupunta.

Dati maghawak pa ating mga kamay.

Dati nagyakapan tayo.

Dati Sinabihan natin ang isa't isa na Mahal na Mahal kita.

Dati Magkatabi pa kita sa pagtulog.

Ngayon wala kana Sa tabi ko.

Wala na yung Dating Tayo.

Wala na yung Dating Tayo nagmamahalan.

Wala na yung Dating tayo na naghawakan ng kamay.

Wala na yung Dating Tayo na Magkatabi mag Tulog.

Wala na yung Taong Mahal na mahal ko ng Sobra...

Dati Kasama kita ngayon Ako nalang mag isa

Dati nagyakapan pa tayo ngayon iiyak nalang ako sa sulok na wala kana.

Saan na Bumalik na yung Dating Tayo.

07/06/2024

Ano yung pinaka best sa isang relasyon, para sayo?

04/06/2024

Naranasan mo bang Niloko at Sinaktan ng taong Mahal?

04/06/2024

EX

Makalipas ng ilang buwan
Labis ako naulila saiyong pagmamahal
Di ko maramdaman kung ba't kita sinukuan
Ba't nga ba kita sinukuan?

Habang wala ka sa aking tabi
Araw at gabi ko pinagsisihan ang aking pagkamali?
Paano pa ba ako makabawi, kung kailan wala kana.
Alam mo bang sobrang miss na miss na kita.

Kay gandang ng boses mo, ang hinahanap ko.
Ang iyong pag-alaga sakin na di ko na maramdaman
Kailan na ikaw lumisan, dun ko pa malaman kung gaano ka importante para sakin
Manhid ba ako kapag naririnig kitang umiyak?

Alam mo bang may kulang sa buhay ko?
Kulang ako kapag nawala ka?
Labis parin ako nagsisi, na ikaw na mismo bumitaw.
Pasensya kung gago ako. Pasensya kung lagi kita sinasaktan.

Gusto ko lang malaman mo
Di parin kita susukuan
Maghihintay ako ng gaano ka tagal
Basta't bumalik kalang

Bumalik kalang sa aking piling
Okay na ako
Masaya na ako
Bawiin ko lahat ng masakit at iyak na binigay ko sayo.

Basta't Bumalik kalang
Mahal ko.
Miss na miss na kita sobra

31/05/2024

Pag Na Fall Ka Talo Ka

Pag nahulog ka Talo ka

Pag nahulog ka Masasaktan ka

Isa lamang iyan Sa iyong mapapala

Kapag Pinaasa't umasa ka

Sa laro ng pag ibig

Marupok ang laging Talo

Dahil Sila yung di Marunong Makipaglaro

Sa mga bagay na Di naman dapat ginagawang laro

Tunay na pagmamahal ang nais.

Pero bakit mas nasasaktan ng labis

Ipaparamdam na mahal ka at papakiligin lang ng kay bilis

At pagnagsawa na ay iiwan ka daladala ang sakit na di maalis

Masama bang magmahal sa taong pinaramdam naman sayo na mahal ka?

Marupok naba ang tawag sa taong umasang minahal siya?

Tanga naba ang taong napaniwala sa nararamdaman niya?

Dahil karamihan iyan sinasabi nila

Ang katagang

''Ang bobo mo talaga Pagdating sakanya''

Husga,

iyan papaligid sayo pag umasa ka

Patuloy na ipaparamdam sayo na nagkamali ka

Kasalanan ba?

Kung Ang nais lamang ay ang mahalin siya

Siya na umibig sakin ng pansamantala na mas maging masaya sa piling ng iba.

pag nahulog ka, talo ka

Kahit na pinaglaban mo pa siya

Sa pag ibig kasi ang kasagutan ay sobrang labo

Di matiyak kung saan ang totoo at kung saan ang laro

Pagnahulog ka Masasaktan ka Lalo ng di ka naman sasaluhin

Sa kung kailan na titibok ang puso mo ng kay tulin

Ay Agad agad niya naman itong puputulin

Pag nahulog ka, tatayo ka

Huwag mong hayaang Maging Talunan sa harapan niya

Matuto kang tumayo sa sariling mong mga paa

Papatunayan mo

'' Na Ikaw ay isa sa mga sinayang niya''

29/05/2024

Crush

Kamusta kana crush?
Alam mo bang crush kita
Kaso hindi ko alam kung crush mo din ako.
Kahit crush man natin ang isa't isa
Hindi natin hawak ang mundo.

Baka kasi hanggang dun nalang yung paghanga ko sayo.
Kasi pwede kang mainlove sa iba.
Pwede mawala yung pag-crush mo sakin diba?
Crush kung naging tayo ba?
magiging masaya ba tayo?

O di kaya maging krus yung landas natin dalawa.
Marami akong iniisip, kapag ikaw yung nasa isip ko.
Kahit alam kung bawal, bawal kasi may taong may nag-aari ng puso ko.
Nalilito ako tuwing iniisip kita, tapos kausap ko yung taong nagpapasaya sakin Araw-araw
Hindi ko alam kung saan ako pupunta, saan akong patungo sainyong dalawa.

Nalilito na ako kakaisip kung sino ba sainyo dalawa.
Ang aking iiwasan.
Crush kita, pero mahal ko siya
Ang hirap naman sa sitwasyon nato.
Kung pwede lang naman dalawa yung puso ko
Hinding-hindi kita papakawalan

Pero mali
Kasi ayoko masaktan ang taong nagpapasaya sakin
lalo na nakasama ko araw araw
hindi ko kaya na mawala siya ng tuluyan.
OO crush nga kita, pero hanggang dun nalang
Mas piliin ko yung nasa puso't isipan ko
at mahal na mahal ko.

Pasensya siguro hindi talaga tayo para sa isa't isa
Hindi ata tayo tinadhana
baka hanggang dun nalang
Pinag-tagpo lang tayo,Para maging crush kita
Pero hindi maging tayo.

✍️M

29/05/2024

May mga panahon din bang umiibig ka sa maling tao?

28/05/2024

KAIBIGAN LANG KITA

Mga panahong gusto kita.
Pero ayokong masira ng ating pinagsamahan bilang magkaibigan.
Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal, higit pa sa kaibigan ang tingin ko sayo.
Simula nung una tayong nagkakilala.
Gusto kita, pero hindi ka pa handang pumasok sa isang relasyon.
Kaya tayong dalawa lang ang may kaibigan.
Kailan ko ba aaminin sayo na mahal kita?
Kung hindi ko maamin, baka layuan mo ako at iwasan mo ako.
Ayoko naman mangyare yun.

Makalipas ang ilang taon
Inamin ko ang aking nararamdaman.
Huli na,
Kailan mo ako gusto?
Iba na ngayon.
Magkaibigan lang ba tayo??
Wala na ba akong pag-asa na magiging tayo?

Andaya mo naman.
Andaya ng tadhana.
May mga pagkakataon na gusto mo pa rin ako
Pero naging duwag ako
akala ko magkaibigan tayo
Pero hindi e, magkaibigan lang tayo

Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin
Lahat ng ito, dahil nasasaktan pa rin ako sa ating kinabukasan.
Iniwasan mo ako at nilayuan mo ako nung nalaman mong may nararamdaman ako sayo.
Masisira ba ang pagkakaibigan natin?

Hindi ko alam ang gagawin ko
Kasi gusto kita, pero iba ang gusto mo at hindi ako
Parang dinudurog ang dibdib ko
Para akong tinamaan ng bato
At hinampas ako sa ulo
Pati na rin ang puso ko na sugat lang
Para akong sinaksak ng paulit ulit kahit alam kong hindi na kita napapasaya.

Kaibigan parin ba tayo?
Yan ang laging tinatanong sa isip ko
Pagkatapos kong sabihin sayo ang nararamdaman ko
Pero bakit mo ako iniwan?
Pati pagkakaibigan natin biglang nawala.

Address

Iloilo City
5000

Telephone

+639567426484

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAD POEM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to SAD POEM:

Share

Category