25/02/2026
Minsan, ang pinakamalalim na hukay ay hindi matatagpuan sa sementeryo. Matatagpuan ito sa pag-libing sa sarili mo.
Heto ako ngayon, nakatitig sa kawalan ng aking palad— —
Walang guhit, walang marka, walang kwentong mailaladlad.
Sapagkat sa pagpilit kong maging iyong "lahat”
Naging "wala" ako sa sarili kong sapat.
Ang bawat oportunidad na sinayang ko ay isang pako,
Sa krus na pasan ko ngayon isang buhay na puno ng "pero" at "bakit ako.
Sapagkat ang panulat ko ay wala nang tinta, at ang papel ay punit na.
Ang tanging natitirang pamana ng aking mga pagkakamali,
Ay ang multo ng taong dapat sana ay ako kung hindi lang ako nagmadali sa pagkakamali