Definitely LEGIT Gaming

  • Home
  • Definitely LEGIT Gaming

Definitely LEGIT Gaming At first my intention in creating this page was just to have fun and put a smile in everyone's faces

04/06/2021

HELLO! PALIKE AND FOLLOW NAMAN PO NG BUSINESS PAGE NAMIN AL & Co. PH. SALAMAT PO SA SUPORTA! 💕

29/04/2020

An open letter from an OFW partner.

Madamot na ba ako kasi hindi ko maibigay yung gusto mo?

Madamot na ba ako kasi hindi kita napahiram ng pera?

Madamot na ba ako kasi kakaunti lang ako naitulong ko sayo?

Kalimitan sa atin akala kapag asawa ka ng OFW e masarap na ang buhay mo... Akala nila palagi kang may pera. Hindi natin naiisip na tao lang din kami at hindi money machine. Pamilyado at merong sariling responsibilidad. Merong binubuhay na anak... ang iba sa amin lata-lata kung gumasta sa gatas ng anak buwan-buwan. Ang iba naman kahon-kahon na diaper ang inuubos buwan-buwan. Yung iba mayrong sasakyan o bahay na hinuhulugan. Yung iba mayrong college na pinapaaral... Merong pinaghahandaan na board exam ng anak.

Dahil malayo kami sa ama ng tahanan namin may binabayaran pa kaming buwan-buwan na internet. Kagaya nyo kailangan din naming kumain. May mga binabayaran na SSS, PAGIBIG, PhilHealth para naman hindi kami kawawa pag nangailangan kami. May mga bills din kami!

Madalas hindi ka naniniwala na wala kaming extra sa wallet. Oo siguro yung iba sa amin may ipon, yung iba sa amin wala. Bakit wala? Kasi yung iba bukod sa sariling pamilya mayron pang ibang tinutulungan. Baka nga yung iba e kahit taon na sa abroad ay may binabayaran pang utang dahil sa placement fee.

Ang pag-alis ng asawa namin ay hindi isang pitik lang. Namuhunan rin kami. Hindi joke lang, naghintay din kami.

Ngayon tanong ko sayo... Alam mo ba ang pakiramdam na nagbuntis ka ng malayo ang asawa mo? Gusto mong maglambing sa asawa mo pero hindi pwede? May gustung-gusto kang kainin pero wala yung asawa mo para bumili? Walang hahaplos sa likod mo sa tuwing susuka ka dahil sa matinding paglilihi? Walang yayakap sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam mo? Gusto mo mang panggigilan ang muka ng asawa mo pero hindi pwede kasi malayo sya? At higit sa lahat walang asawang gigising sa amin sa tuwing nananaginip kami ng hindi maganda.
Alam mo ba ang pakiramdam ng naglelabor ka ng wala ang asawa mo? Na yung kabilang paa mo e nasa hukay? Walang kasiguraduhan kung uuwi ka o yung anak mo ng may buhay.

Yung nagpapagaling ka dahil sa panganganak, nagpapaligo, nagpapadede, naghehele ng iyak ng iyak mong anak at napupuyat ng ilang buwan pero walang asawa na aagapay sayo?

Yung pakiramdam na nakikita mo yung anak mo na sabik na sabik sa ama? Sa ama na ni minsan ay hindi nya pa nakasama ng personal... Ang batang pinalaki ng ama sa video call lamang?

E yung sinumpong ka ng PPD (postpartum depression) pero wala kang asawa na magcocomfort sayo?

Tapos magpapalaki ka ng bata on your own.

Minsan mas alam mo pa na sumahod na kami kasi a kinse na... Hello! Minsan dumedepende kami sa currency, kapag sobrang baba nanghinayang kami kaya delay ang padala ni mister. Minsan hindi din nasusunod ng kumpanya ang payday, may holidays at may off din sila.

Kaya bago ka magtampo, mainis o magalit.

Nawa naiintindihan mo na isa akong kabiyak na palaging iniintindi kung kamusta na kaya ang asawa ko? Ok lang kaya sya? Kumain na kaya sya? Nakakakain ba sya ng masarap? Ayos kaya yung mga katrabaho nya? Yung boss nya? Safe ba sya lagi? Masaya ba sya sa ginagawa nya? Isang kabiyak na ginagawa ang makakaya para hindi mapunta sa wala ang pinaghirapan ni mister.

At isa akong ina na nangangarap ng magandang kinabukasan para sa anak... Sinisikap makapagtabi ng paunti-unti para hindi maging retirement fund ang anak sa kinabukasan.

Kaya kung ikaw ay hindi natutuwa sa kung anong kayang ibigay namin, kumilos ka at subukan ring magsakripisyo... Dahil ang buong pamilya ng sinasabi mong bigtime na OFW ay nagsasakripisyo din.

Alisin natin sa ating pag-iisip na kapag OFW, bigtime o mayaman. Hindi lahat iisa ang pinapasukang kumpanya. Hindi lahat iisa ang kapalaran. 🙂

NO TO COPY-PASTE. JUST SHARE IT. 🙂

Good evening everyjuan! Mayor here! We all know that May 7 is no longer part of enhanced community quarantine.. However ...
23/04/2020

Good evening everyjuan! Mayor here! We all know that May 7 is no longer part of enhanced community quarantine.. However mom still assumes that it is (LOL) because of Filipinos who are so makulet, kurakot and walang disiplina.✌️

So ninongs, ninangs, relatives and friends mom and dad decided to cancel my dedication. We're all excited about this but our enemy is invisible, and we are after everyone's safety! We'll surely celebrate once we felt that our world is safer. For now let's just stay at home. Do not ever ever go out if it is not necessary. Clean your surroundings. Always wash your hands with soap and avoid touching your face. Use facemask please! 👶☺️ Soon our world will heal. 🙏 Keep praying and always remember "Nasa tao ang gawa. Nasa Dyos ang awa." Keep safe! Good night and God bless us! 💕🥱

"FAITH WITHOUT DEEDS IS DEAD."
James 2:26

Btw thanks ninong RJS 's Crib for my pic. 😊

Pano guluhin yung utak ng friend mo?Boredinthehouse.jpeg
20/04/2020

Pano guluhin yung utak ng friend mo?

Boredinthehouse.jpeg

    🖖
19/04/2020

🖖

Happy Easter everybunny! 😁😘💕
12/04/2020

Happy Easter everybunny! 😁😘💕

07/04/2020

Mensahe ni mayor sa kanyang nasasakupan...

Nagalit na si mayor! Nagsando na!
04/04/2020

Nagalit na si mayor! Nagsando na!

31/03/2020

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Definitely LEGIT Gaming posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Definitely LEGIT Gaming:

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share