02/06/2026
Sa espesyal na araw na ito, buong pusong bumabati ang Saint Luke’s Choir sa aming minamahal na Musical Director at SPPC President, Kuya John John Jose Dorega!!!
Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, suporta, at dedikasyon sa aming koro. Ang inyong pagmamahal sa paglilingkod at pamumuno ay nagsisilbing inspirasyon sa bawat isa sa amin upang higit pang paunlarin ang aming mga talento at patuloy na maglingkod para sa Diyos.
Dalangin po namin na patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at masaganang biyaya.
Nawa’y patuloy Niyang pagpalain ang inyong buhay, pamilya, at lahat ng inyong mga adhikain at paglilingkod sa Simbahan.
Muli, maligayang kaarawan po, Kuya John! Nawa’y maging puno ng kagalakan, pagmamahal, at pagpapala ang inyong pagdiriwang.
Lubos na nagmamahal,
Saint Luke’s Choir