27/08/2023
“pero‚ ang sabi mo mahal mo rin ako.”
“hindi sapat ang pagmamahal na ’yon para magtiwala ulit ako.”
“subukan natin‚ subukan mo ulit. ipinapangako kong hindi na mauulit ang nangyari sa’yo sa unang taong minahal mo. hindi kita lolokohin‚ pangako.”
“ngunit natatakot ako‚ hindi pa ako handa‚ alfonso.”
“hihintayin kita‚ camille. kaya kong maghintay kahit gaano pa katagal ’yan.”
“hihintayin mo pa rin ba ako kapag sinabi kong hindi ako sigurado kung dadating pa ang panahon na magiging handa ulit ako? paano kung habang buhay na lang akong matakot? paano kung hindi na ulit ako sumubok? alfonso‚ hindi mo ako kailangan hintayin‚ marami pang iba riyan.”
“nasasabi mo lang ’yan sapagkat nalulunod ka pa sa nakaraan‚ hayaan mo akong sagipin ka‚ camille.”
“ngunit masasaktan lang tayo pareho. siguro nga tama ang sabi nila— mahirap sagipin ang taong nalulunod pa sa nakaraan‚ kaya naman h’wag mo nang pahirapan pa ang ’yong sarili sapagkat...”
“sapagkat ano‚ camille?”
“sapagkat maaaring naghihintay ka lang sa wala.”