03/02/2026
For awareness 😊💜
Isang araw, may buyer na nag-message kay seller. 💬
“Ang ganda ng crocheted flower 🌼mo, pero pwede bang mas mura?”
Si seller, ngumiti lang. 😊
Sabi niya, “Sige po, I’ll send you a parcel sa price na kaya niyo.”
Excited si buyer. Iniisip niya, Wow, jackpot! Ang mura ng handmade flower!
📦Pagdating ng parcel, dali-dali niyang binuksan… ✨
Laking gulat niya. 😳
Hindi crocheted flower ang laman.
Nandoon ang sinulid, crochet hook, at konting stuffing. 🫢
May kasama pang note:
💌“Ito po ang kaya ng price niyo — ang materials.
Ang oras, pasensya, at pagmamahal na ginugol sa paggawa, priceless po iyon.”
Napaupo si buyer. Tahimik. 💭
Doon niya na-realize na ang binibili pala niya sa handmade ay hindi lang ang finished product…
kundi ang oras, skills, pagod, at pusong inilagay ng maker. 🧶💐
Minsan, akala natin mahal ang handmade.
Pero kapag naintindihan mo ang proseso,
doon mo masasabi… deserve pala talaga ang presyo nito. 💖