Mga Tula ni Archimedes

Mga Tula ni Archimedes “Maniwalang ika’y katangitangi,
at kabighabighani”

Nakikilala mo raw ang sarili sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo.Sa mga papuri at palamuting inihahandog sa tuwing nakatat...
27/08/2026

Nakikilala mo raw ang sarili sa mga bagay na nagpapasaya sa’yo.

Sa mga papuri at palamuting inihahandog sa tuwing nakatatanggap ka ng pagkapanalo.

Sa mga kaya mo nang bilhing bagay na kailanma’y pinangarap mong makamtan nang husto.

Sa mga lugar na ninais mong puntahan, dahil alam mong sa pagkakataong ito, narating mo na ang rurok ng destinasyong pinangarap mong makamtan.

Sa pagkain ng mamahaling pagkain sa restaurant na iyong paborito—yung tipong hindi mo na iisipin kung gaano ka mahal o magkano.

Pero ang totoo…

Hindi dahil natutuhan mo nang makuha ang mga bagay na nagpapasaya sa’yo,

kundi kung paano ka makukuntento sa kung anong meron at wala sa buhay mo.

Kundi sa pagtanggap na may kahinaan ka at hindi palaging panalo.

Sa kung paano ka masaktan, mawalan, magkamali, o tipong sa pag-iyak at paghikbi, matututo kang bumangon muli.

Makikilala mo lang ang sarili mo,

kapag natutuhan mong huwag ipilit ang mga bagay na kailanma’y hindi mo kontrolado.

~Archimedes
08/27/2026

07/03/2026

Nakakapagod talagang mag commute sa buong araw bilang isang nagtatrabaho,
pero ito rin ang rason bakit lumawak ang tingin ko sa mundo.

‘Yung iba nakasuot ng earphones, naka-upo—
pinapakinggan ang paboritong musiko. Nakapikit, hinihintay ang bawat segundo—
atras-abante dahil sa matinding trapiko.

Dinig ang ibat-ibang busina, mga mag-aaral na nag aabot ng bayad nila.
Mga puyat at pagod galing sa kanikanilang trabaho.
Mga biglaang sakay kahit puno na’t nakatayo,
at mga taong sadyang nagiisip paano muling tatayo.

Iisang sinasakyan, ngunit napakaraming kwento, hamon at pinagdadaanan.
May ibat-ibang destinasyon at pupuntahan, mga kantong nakakalito,
o minsan man nalalagpasan ang babaan galing sa pag-idlip at pagkakayuko.

Ibat-ibang kwento, ngunit iisa lang ang gustong makamtan—
ang maabot ang pangarap na kinabukasan, magkaroon sa puso ng kapayapaan,
lumaban nang patas—na walang taong tinatapakan,
at maisalba ang buong araw kahit kung minsan, hindi sang-ayon ang tinatahak na daan.

Dahil ang pagtingin ko sa kanila
ay hindi dahil sa kung anong suot
o kung anong estado.

Kundi dahil lahat naman tayo’y
may iba’t ibang laban na naipanalo
at may makabuluhang naging kwento.

Alam kong mahirap makipagsiksikan
at makipagsapalaran.
Nawa’y makarating pa rin ang lahat
sa kani-kanilang paroroonan.

~03/06/2026

Address

General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Tula ni Archimedes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category