13/11/2023
Congratulations,Proud Bangsamoro...
ISANG BANGSAMORO MARTIAL ARTS FIGHTER, NASUNGKIT ANG KAMPEONATO SA 1ST KYOKUSHIN WORLD TOURNAMENT
HInirang na Champion si Al-Quddos 'Senpai Dos' Mohamad, isang Bangsamoro, sa 55kg and below category ng 1st Kyokushin World Tournament na ginanap kamakailan lamang.
Ang titulong ito ay isang karangalan hindi lamang sa kaniya kundi maging sa kanyang mga kababayan sa Bangsamoro at sa buong bansa bilang ito ay nagpapakita ng kahusayan at dedikasyon ng mga Pilipino sa larangan ng martial arts.
Si Al-Quddos ay isa sa mga kinatawan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ng bansa sa nasabing prestihiyosong kompetisyon.
Ang 1st Kyokushin World Tournament Champion ay isang martial arts competition na may iba't ibang category na inorganisa ng International Karate Alliance, Kyokunshinryu kung saan ay nilahukan ito ng mahigit sa 100 na fighters mula sa tatlumpu't apat (34) na iba't ibang bansa.
Courtesy of Bangsamoro Media Productions....
PHOTO | IKA-KyokushinRyu Cotabato Dojo