Poetic Rhapsodies

Poetic Rhapsodies dont follow your dreams, follow my page

03/03/2024

kaya naman kita tratuhin
sa paraan na gusto mo.
di ko lang alam
kung kaya mo akong tratuhin
sa paraan na gusto ko.

03/03/2024

naalala ko pa noong nahawakan ko ang kamay nya,
malambot, maliit at medyo basa.
sabi nya kinakabahan sya kaya sya pinapasma,
sabi ko naman "bat ka naman nahihiya?"
sabay titig sa dalawa nyang mata.
pero aaminin ko, nandidiri talaga ako sa mga medyo basa-basa,
kaya nga di ko kayang humawak ng basahan at sariwang isda.
pero kahit na ganon,
wala akong naramdaman na kahit konting pandidiri.
hinawakan ko parin ang kamay nya at lumapit sa kanya nang konti.
ansarap lang sa pakiramdam na mahawakan ang kamay nya,
wala lang, ansarap lang talaga

03/03/2024

andami ko paring gustong sabihin,
andaming bumabagabag sa aking damdamin.
merong puot, galit, saya, lungkot, ay dismaya.
meron din patungkol sayo, sakanya, kaibigan at pamilya.

siguro ang pinaka malaking pagkakamali ng tao
ay ang pagtatago ng nararamdaman no?
kasi paano nga naman masisiayos ang problema
kung ikaw mismo di mo mapaliwanag ang nadarama?

tila ba nakikipag lokohan nalang tayo,
o baka ganto nalang talaga pag lumaki kang walang nakikinig sayo.
kasi andami mong gustong sabihin at ipadama,
pero di pinapakinggan at tila binabaliwala.
nakakatanga basta alam ko miss na kita

04/05/2023

kay lakas ng ulan,
ang sarap sa pakiramdam.
humagawi ang lamig sa aking balat,
ansarap maligo sa labas
habang iniisip parang wala ng bukas.
iniisip ang hinaharap habang naliligo sa daan
habang ang nakaraan ay kakalimutan,
itatapon at hayayaan sa agos ng tubig ulan.

04/05/2023

kahit kailan di ko kayang sabihin,
oo, duwag man ako kung iisipin.
sana akoy iyong dinggin,
mas gusto pa kita lalong kilalanin,
umaasang isang araw mag-bago ang ihip ng hangin
tapos bigla mo na lamang akong kausapin.

ang palaging bukambibig nila,
"paano kung maunahan ka?"
wala akong magagawa,
lahat ay sapat na
basta ang mahalaga
minamahal kita.

03/05/2023

nabubuhay sa mundong parang komedya,
nakakatawa ngunit napaka-raming trahedya.
nakatayo na parang ako ang bida,
ngunit kasi gano kakisig, may mabigat na dinadala.
nakakasawa, nakakapagod, nakakahingal na.

napadpad ako sa isang baryo,ang sukal ng dinadaanan ko.may narinig akong alulong ng a*o,sa takot ko napatakbo ako.at kah...
01/05/2023

napadpad ako sa isang baryo,
ang sukal ng dinadaanan ko.
may narinig akong alulong ng a*o,
sa takot ko napatakbo ako.
at kahit napapagod na ay patuloy parin ako sa pag diretso.
at duon sa dulo, napuntahan ko na ang tahanan ko.

pero ang punto talaga ng tula na to,
kahit gaano nakakapagod ang mundo,
magpatuloy ka lang habang iniisip ang sarili mo.
tumakbo ka naparang hinahabol ng malaking a*o
para iligtas ang buhay na to.
maraming tao ang mang mamaliit sayo,
ngunit tumayo ka nang may dangal,
wag ka nang umangal,
kung kinakailangang sumugal,
gawin mo.
ito ang mas nararapat sayo,
magpatuloy ka lang, kaibigan ko.

buhay nasasawi,sinusubok parang gusali.umulan, bumagyo,mananatiling nakatayo.patuloy kang poprotektahansa mga sakunang i...
29/04/2023

buhay nasasawi,
sinusubok parang gusali.
umulan, bumagyo,
mananatiling nakatayo.
patuloy kang poprotektahan
sa mga sakunang ibibigay ng mundo.

pero sana parehas ang trato mo,
ang bawat kongkreto ng buhay ko
ay inspirasyon sa lakas mo.
kaya kung wala ka sa buhay ko,
marahil ang nararamdaman ay gumuho.

29/04/2023

malalaman mo kaya ang pinagkaiba
sa buhay ko kung hindi ka nakilala?

27/04/2023

naging halimaw ng nakaraan,
ginusto lamang ang kapayapaan.
ika'y kanilang huhusgahan at pagtatawanan,
dahil iba ang landas na iyong dinaanan.

ayoko lamang matulad sa inyo,
paulit ulit ang ginagawa,
hindi ba kayo nagsasawa sa ganito?
kung gagaya ako sa ginagawa nyo,
mabubulag lamang ako,
sige isipin mo.

kahit anong gawing pagsisikap,
baliwala, hindi ito sapat.
dibdib ay sumisikip, hininga ay hinahagilap,
kung saan saan nalang sumisipat.
tulong, hindi ko na matanaw ang aking hinaharap.

Address

Dasmariñas

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Poetic Rhapsodies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category