30/07/2022
REVOKED ANG DRIVER'S LICENSE!!!
Matatandaang nag-viral sa social media ang isang driver ng Toyota Innova noong June 18, 2022 dahil sa ginawa niyang "beating the red light" at pagbangga sa naka-motorsiklong traffic enforcer bandang San Marcelino St., corner Quirino Ave., Malate, Manila. Agad namang gumawa ang HPG ng Investigation Report sa nasabing insidente at pormal na idinulog ito sa LTO noong June 24, 2022, dahilan upang maglabas ng Show Cause Order ang LTO laban sa nasabing driver.
Base sa resolusyong natanggap ng HPG ngayong July 29, 2022 ukol sa isinagawang hearing ng Intelligence and Investigation Division ng LTO noong June 28, 2022 na dinaluhan ng nasabing driver, malinaw na tahasang ginawa niya ang mga paglabag na "Disregarding Traffic Sign" (Sec. J (2), Title I, DOTC Joint Admin. Order No. 2014-01) at "Reckless Driving" (Sec. 48, RA 4136).
Bilang parusa, ang driver ay pagmumultahin ng Php3,000.00 at babawiin ("Revoked") ang Professional Driver's License nito. Gayundin ay tuwina nang naka-encode ang mga nasabing paglabag sa kaniyang lisensiya at sa records ng kaniyang Toyota Innova.
At para sa ating mga motorista, palaging tandaan:
Ang inyong Driver's License ay isang pribilehiyong kaloob ng ating pamahalaan na may kaakibat na mga tungkulin at pananagutan, lalung-lalo na riyan ang paggalang at pagsunod sa ating batas trapiko.