KHEN

KHEN GODBLESS

26/06/2024

Check out 17catlover07’s video.

08/05/2024

"ANG ASAWANG WALANG TRABAHO."

Ang Pag-uusap ng Asawang Lalaki, at ang Psychologist:

Psy: Anong ginagawa mo sa buhay Mr?
Mr: Nag tatarabaho ako bilang Accountant ng bangko.
Psy: E ang asawa mo ?
Mr: Ala siyang trabaho. Nasa bahay lang Housewife.
Psy : Sino nag luluto ng pagkain ninyong pamilya?
Mr: Ang asawa ko, kasi wala siyang trabaho.
Psy: At anong oras na gigising ang asawa mo para magluto ng almusal ninyo?
Mr: Nagigising siya bandang alas 5 ng umaga kasi mag lilinis muna siya ng bahay bago mag luto ng umagahan.
Psy : E paano naman pumapasok sa eskuwelahan mga anak ninyo?
Mr: Di yung asawa ko hinahatid sila, kasi ala naman siyang trabaho.
Psy : Pagkahatid ng asawa mo sa mga anak mo sa eskuwelahan ano naman ginagawa niya?
Mr: Nagpupunta siya sa palengke para mamili, tapos uuwi na sa bahay para maglaba tapos magluluto, alam mo na kasi ala siyang trabaho.
Psy : E sa gabi, pag pauwi kana galing ng trabaho, ano ang ginagawa mo?
Mr: Nagpapahinga, kasi pagod ako sa maghapong trabaho.
Psy : Ano naman ang ginagawa ng asawa mo?
Mr: Naghahanda siya ng pagkain, para sa akin at sa mga bata, pagkatapos maghuhugas siya ng pinag kainan, maglilinis ng konti, gagawa ng assignment ng mga bata, tapos papatulugin na rin niya mga bata. kasi ala siyang trabaho.

Sa tingin po ninyo sino ang mas maraming trabaho???

Sa araw-araw po ganyan na lang po lagi ginagawa ng mga ina gigising ng maaga sila pa rin yung huling matutulog tapos ang sasabihin pa eh "Walang Trabaho"??!!

Oo, Bilang isang INA di mo kailangan ng Certificate, kahit naka pagtapos o hindi ka ng pag-aaral but their ROLE/PART is very important!

Isa alang-alang natin yung ginagawa ng INA o ASAWA. Because their sacrifices are uncountable. This should be a reminder and reflection for all of us to understand and appreciate each other’s roles.

All about a WOMAN ....

* When she is quiet, millions of things are running in her mind.
* When she stares at you, she is wondering why she loves you so much in spite of being taken for granted.
* When she says I will stand by you, she will stand by you like a rock.
Never hurt her or take her wrong or for granted...

Ctto

01/05/2024

"SAMPUNG PAYO SA MAG ASAWA"

Madalas bang magkaroon kayo ng pagtatalo, normal lang naman yun sa mag asawa. Pero paano nga ba magiging maayos ang pagsasama kahit na dumating kayo sa maraming problema?

Heto ang ilang Tips para mapanatiling matatag ang inyong pagsasama bilang magasawa.

1. Pag galit asawa mo wag mong sasabayan. Kailangan isa lang ang galit, kung galit sya hayaan mo sya manahimik ka. Kapag kalmado na tska kayo mag usap at wag matutulog ng magkaaway.

2. Self control. Kailangan matuto kang kontrolin ang sarili mo. Hindi pwedeng pag galit ka mananakit ka, magsasalita ng masama o susugod ka.

3. Tanggpin mo kung ano ang asawa mo, pinili mo yan ginusto mo yan, kung anong pangit tanggapin mo, magtiis ka.

4. Pag may problema, pag usapan nyong dalawa, ng pamilya, hindi ng kapitbahay, ng kaibigan at lalo na wag niyo ipost sa fb kapag magkagalit kayo. Pag may hindi pagkakasunduan, wag hayaan humantong sa sakitan at hiwalayan.

5. Pag galit sya, marami yang masasabing masasamang salita, wag mo dibdibin isipin mo galit lng sya, ang taong galit wala namang yang sasabihing maganda hindi ka nyan pupurihin, galit sya eh. Gawin mo pasok kanan tainga labas sa kaliwang tainga.

6. Laging yakapin ang asawa at mga anak, nakakaluwag daw yan ng dibdib nakakagamot ng sama ng loob, nakakaluwag ng problema.

7. Appreciate mo ang asawa mo, kung pogi/maganda sya sabihin mo ang pogi/ganda nya, ang bango nya, wag mo pagdudahan na kaya sya nagpapapogi/nagpapaganda dahil sa iba, mas dapat ikaw ang unang maka appreciate nun sa knya.

8. Pinakamahalaga ang respect at tiwala kaysa sa love. Dapat yan ang kahit anong mangyari hindi mawawala sa dalawang nagmamahalan.

9. Maging kaibigan ang asawa. Masarap na ang asawa mo mismo ang kabarkada mo.

10. Open Communication dapat lagi kayong nag uusap, dapat binabalikan nyo ung mga nakaraan nung nagliligawan pa lang kayo, dapat nag de-date pa rin kayo, hanggat maari walang kasamang anak. Pinag uusapan ang problema hindi pinag aawayan.

Always remember "A good husband makes a good wife."

Address

Palawan
Coron

Telephone

+639283006071

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KHEN posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to KHEN:

Share