16/03/2025
Noong 2010, nagsimula ang kwento nang minsang dumulog muli ang isang ina sa isang Prisinto tungkol sa kanyang nawawalang mga anak, ngunit bumilang na ng labin-dalawang taon at hindi parin natatagpuan ang mga ito.
1998, nang mapabalita ang pagkawala nina Joy Luna, 16 years old at Lara Luna, 20 years old, huling namataan ang dalawa ng magkasama sa labas ng isang Private School noong July 23, 1998 kung saan sinundo ni Lara ang kanyang 4th year High School na kapatid.
Kinahapunan, hindi na nakita pa ang magkapatid at maging ang sasakyang lulan ang mga ito. labin-dalawang taon na ang lumipas ngunit umaasa pa rin ang pamilya Luna na matatagpuan paring buhay ang magkapatid. Pinabukas muli ang kaso at sinimulan muli ang masusing imbestigasyon, hinawakan ito ng Police Inspector na si Luis Medina.
(2010) Nagkataon namang may nawawalang tatlong High school students ng sumunod na araw. Ang magpinsang sina Ella Salvador at Janine Capulong at ka-eskwela nilang si Brian de Jesus, bago pa naglaho ang mga ito, nakatawag pa si Ella sa kanyang ama at sila raw ay naliligaw at hindi na makalabas ng kagubatan.
Ayon sa amang tinawagan, sinabi ng kanyang anak na hindi sila makaalis sa kinalalagyan nila at aminad**g ginamit pa ang kanyang kotse na bukod sa walang paalam ay mga minor de edad ang mga ito para magmaneho, ang lugar na nabanggit ay isang madilim na kalye na konektado sa isang Highway.
Agad na kumilos ang kapulisan at hinanap ang tatlo, pinasok ang kalsadang nabanggit sa tawag ni Ella, ito ay ang kalsadang matagal nang sinara sa publiko at wala ng sinumang nagtangkang pumasok lalo na pagsapit ng gabi dahil sa dilim at sukal ng daan dito, dagdag pa ang mababanging parte nito.
Natagpuan ang mga wala ng buhay na sina Janine at Brian malapit sa sinakyan ng mga ito, ngunit si Ella ay hindi pa natataggpuan. Hanggang sa madiskubri ng kapulisan ang isang lumang sunog na sasakyan sa pangunguna nina Police Inspector Luis Medina, Senior Police Officer IV Greg De Leon at SPO1 Allan