11/08/2026
Puppy Love HUBATAHM Main Cast Signs Lifetime Contract with WCN via Puppy Love for their 1% each annual net profit share
By Jona Bacalso
CEBU CITY - Matagumpay ang naging pagkikita kita ng mga HUBATAHM Main Cast ng Puppy Love kasama ang kanilang director at producer na si Rod Maceda para sa kanilang contract signing, dubbing at luncheon meeting/bonding.
Medyo nanibago ang buong cast while dubbing dahil akala nila ay katulad ng traditional acting ang dubbing. Na-realize nila na ibang dynamics ang dubbing dahil hind nila maaaring sundin ang sarili nilang adlib sa pag acting. Kailangan nilang sundin exactly kung ano yung acting na ginagawa ng kanilang AI Hybrid Model sa screen dahil sila ay nagsisilbing voice actors na katulad ng mga nasa anime o cartoon series.
Nagpapasalamat naman ang main cast dahil ginabayan sila ng kanilang director na si Rod Maceda sa kung ano yung eksaktong emotion at timing sa pag voice nila sa kanilang AI Hybrid. Sila ay sina Harry Medway, Shyne Bedrijo, Venice Loyzaga, Christian Mankikis, Alex Ilaya, Jinkee Vertosio at Hanna Remorosa.
Dahil naging sobrang busy sila sa kuwentuhan pagkatapos ng dubbing, hindi nila naubos ang mga pagkain sa lamesa na inihanda ni Rod para sa kanila na vegan kimchi, vegan lumpia at vegan ngoiong. Pati ang vegan drinks para sa kanila ay hindi rin gaanong napansin dahil mas tinutukan nila ang pag ensayo para sa kanilang dubbing at sa kuwentuhan nila sa bawa't isa.
Ani Rod:
"Ito yung sinasabi ko. Kahit na AI-Powered kami na drama series, I make sure na ako na yung mag initiate lagi ng monthly bonding namin ng main cast para may real human connection."
Malapit na lumabas ang movie pilot episode ng Puppy Love sa WCN PPV. Auteur: Rod Maceda