Mai Yeish Writes

Mai Yeish Writes A message for wellness through spoken words and poetry

12/01/2023

Psychology say:

When a person appear in your dream, that person wants to see you

10/12/2021

~PAGSISISI

Mula musmos ay ingay na ng mga bunganga nyo ang naririnig ko
Parang sirang plaka paulit ulit nalang, utang na loob tama na po
Malaki na po ako
Di ko na kailangan ang sermon nyo

Nak, layuan muna mga kaibigan mo pagkat wala kang magandang mapapala sa kanila
Ang laging sambit ni ina
Kong ako sayoy sumama ka samin ng yong ina sa bukid at yang kahibangan moy itigil mo na
Ang sambit naman ni ama

Rinding rindi napo ako sa mga sermon nyo
Kaya mabuti pang akoy umalis at magpakalayo layo
Malaki na akot kaya ko na ang sarili ko
At kaya ko ng mabuhay ng wala kayo

Sa king pag alis akala ko akoy magiging masaya
Ngunit nagkamali ako sa king pasya
Dahil kakaibang mundo ang napasukan ko
Mundong puno ng gulo

Alak, yosi, shabu, ilan lamang yan sa bisyong natutunan ko
Bawat oras takot at pangamba ang naramdaman ko
Na baka kagaya ng aming mga kasamahay mahuli rin akot makulong
Kaya napagpasyahan kong umuwi samin upang saking mga magulay humingi ng tulong

Puno't laman akong umalis ng bahay
Buto't balat akong bumalik at humarap kina inay
Patawad inay, itay di na po ako magiging pasaway
At susundin ko na ang payo nyo ni itay

~Always listen to your parents because they know what's best for you

of Mr Aj Christian Tenefrancia Saculingan

10/12/2021

ULAN

Malamig ang gabi
Nakaupo ako sa isang tabi

Di makatulog
Minamasdan ang patak ng ulang unti unting nahuhulog

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan
Ay ang pagpatak ng luhang sa matay nag uunahan

Titila, bubuhos
Matay halos wala ng maiaagos

Ulay pahina na ng pahina
Kataway unti-unti naring nanghihina

evening everyone

10/12/2021

0.09
HULING PATAK NG LUHA

Pagod na akong umiyak
Pagod na akong masaktan
Pagod na akong manlimos ng oras at atensyon sa mga taong mahal ko
Pagod na akong maiwan
Pagod na akong makaramdan na di ako worth it
Pagod na ako sa lahat

Ito na ang huling patak ng luha
Ang huling gabi ng pagluha
Hindi na muling masasaktan pa
At hindi na rin muling maiwan
Dahil ang gabing ito ang magiging katapusan ng lahat

PAALAM

10/12/2021

0.08
~ ANG NOON AT NGAYON

*Gusto kong bumalik sa umpisa
*Sa umpisang masaya pa kaming dalawa

*Ang lahat ay nagbago na
*Di na kagaya nong una

*Noon ang saya nating dalawa pag magkasama
*Ngayon parang di na tayo magkakilala

*Noon sa kanya umikot mundo ko
*Ngayon sira na ang mundo ko

*Noon sya ang kasiyahan ko
*Ngayon sya na ang dahilan ng kalungkutan ko

*Noon hindi kami mapaghihiwalay
*Ngayon sya na ang gumagawa ng paraan para kami ay maghiwalay

*Noon sya ang kakampi ko sa aking mga problima
*Ngayon isa na sya sa dahilan ng aking problima

*Noon ayaw nyang masaktan ako
*Ngayon wala na syang pakialam sa nararamdaman ko

*Noon di nya ako hahayaang matulog na may luha sa mata
*Ngayon wala na syang pakialam kahit mamaga pa ang aking mata

*Noon di ko kaya pag wala sya
*Ngayon kinaya ko ng mag isa

*Noon ang laki ng ngiti nya pag ako ang kanyang kasama
*Ngayon abot tenga ang ngiti nya pag ang bago nya na ang kanyang kasama

*Ang bilis natapos ng dati
*Parang kailan lang nong masaya pa kami

*Ang lahat ay di na mababalik sa dating ayos
*Pagkat itoy kanya ng tinapos

*Ala ala nalang ang samin noon
*Dahil masaya na sya sa bago nya ngayon

10/12/2021

0.07
~ RESPETO

Mahirap bang ibigay to?
Sa kapwa nating Pilipino
Pati sa mga banyagang dayuhang narito
Upang sa ating bansay dumayo

Bata matanda
Babae lalaki
Mahirap mayaman
Mapahayop o anuman,
Respeto ang ating kailangan

Kabataan pag asa ng bayan,
ngunit pano nila maibibigay ang pag asang ito?
Kong sila'y di marunong rumispeto
Hindi ko sila hinuhusgahan pagkat akoy kabataang kagaya nila
Nais ko lamang silang gisingin upang respeto'y matutunan nila

May kapansanan pinagtatawanan
Pagkat iba ang kanilang katangian
Maaari ba natin silang respetuhin dahil hindi nila kasalanan kong bakit sila nagkaganyan
Hindi yong silay ating huhusgahan

Kababaihang kagaya ko pinagchi chismisan
Dahil sa aming mga kasuotan
Nais ko lamang ipa alala sa inyo magkaibang henerasyon ang ating pinagmulan
Kaya wala kayong karapatang kami ay husgahan, respstuhin nyo na lamang kami't igalang at wag pakialaman

Mga bakla nilalait pagkat kasarian nilay iba
Ang mapait pay pamilya nila ang unang humusga sa kanila
Pamilyang dapat sanang unang tatanggap sa kanila
Respeto naman oh, pagkat wala silang ginagawang masama
Nais lamang nilang magpakatotoo sa kanilang sarili't maging malaya

Magkaiba ang ating relihiyo't paniniwala
Kaya respeto'y syang dapat at kailangan ng isat isa
Di yong magsisiraan tayo
Respeto, respeto, respeto,
di nyo ba alam yan?
O gusto nyo lang tumira sa mundong magulo

Hiling ko lang sana sa pag usbong ng maraming henerasyon
Respeto'y hindi tuluyang mabaon
Sanay ito parin ang unang ituro ng mga magulang sa kanilang mga anak
Upang hindi sila matulad sa ibang mga kabataan ngayon, para tayoy magkaunawaa't maiwasan ang gulo't walang mapahamak

~IF YOU WANT RESPECT, LEARN TO RESPECT OTHERS

10/12/2021

0.06
"GABING BINALOT NG LUNGKOT"

Tahimik na ang paligid
Pwede na akong umiyak sa king silid

Hahagulhol lang sandali
upang maibsan ang lungkot na nadarama kong muli

Hanggang kailan kaya ganito?
Hanggang sa kaya ko pa
O hanggang sa wala ng luhang lalabas sa king mga mata

Taksil talaga ang gabing ito
Ibabalik nya lang ako sa masakit na nakaraan ko

Ipaalala nya lang sakin ang mga kamalian ko
Ibabalik sa panahong durog na durog na ako

Tanging unan at kumot na lamang ang kakampi ko
Unan na taga salo ng luha ko
At kumot na taga punas sa mga ito

Sana pwede ko itong takasaN
Ang hirap kalaban ni lungkot
Yong tipon ginawa mo na lahat pero andyan parin nakabuntot

10/12/2021

0.05

-Umagang kay ganda
-ngunit di ka masaya

-Pagkat ikay mag isa
-Habang sya kasama ang taong totoong sa kanya'y nagpapasaya

-Bakit di ka dumistansya?
-Para ikay lumigaya

-Hindi mo ba kaya, dahil mahal mo pa?
-Kaya baliwala lang sayong tawaging tanga

-Itigil mo na kasi yan
-Nasayo na nga ang corona nang karupukan

-Ikain mo nalang yan ng gulay
-Para sa susunod mapunta ka na sa tamang guy

MAGANDANG UMAGA

10/12/2021

0.04
"PEANUT BUTTER/MARGARINE"

*Minsan sa pandesal kailangan ang mga ito
*kagaya ng pagsasama nyo
*maraming problima ang ibabato
*ang mahalaga'y malalagpasan nyo ang mga ito

*Ang mga iyan sa pandesal isa lamang kasangkapan
*kung baga mga problima lamang yan na ngayon inyong o ating nararanasan
*upang kayo o tayoy imulat sa katotohanan
*kong sa pandesal kailangan ang ibang sangkap upang itoy sumarap lalo, sa buhay kailangan rin nating pagdaanan ang mga problima dahil ito ang magsisilbing sangkap sa matamis nating tagumpay na ating ipinaglaban

magandang umaga❤

10/12/2021

0.03
"PANDESAL"

*Para sa tiyan mong walang laman
*epekto ng sobrang pagmamahal, pag iniwa'y idadamay pati katawan
*eh kong hampasin kaya kita ng pandesal
*para malaman mong hindi ka nya mahal

*Ang pandesal ay pwedeng kainin kahit walang kapares
*kagaya moy mabubuhay karin pag syay umalis
*buksan mo lang ang yong mata
*para makita mong pinanganak kang mag isa

10/12/2021

0.02
"MALAMIG NA TUBIG"

*Kapag sa kape ay nasobrahan
*pati ang ulo'y naapektuhan
*malamig na tubig ang yong kailangan
*upang ang init nitoy mahimasmasan

*Ngunit gaya ng kape wag mo rin itong pasobrahan
*dahil hindi lahat natitiis ang kalamigan
*baka ang sobrang lamig ang magsilbi pang daan
*upang relasyon nyo'y wakasan

10/12/2021

0.01
"KAPE"

*Kapag relasyoy nalalamigan
*kape ang pwedeng panlaban
*ngunit wag pasobrahan
*baka pati uloy mainitan

*kapeng may asukal,
parang pagsasama nyong may kunting alitan
*hindi naman kasi puro kasiyahan
*gaya ng kape mapait rin ito minsan
*ngunit ang mahalagay ang isa't isa'y pareho nyong pinaglaban

10/12/2021

NATUTO NA"

*Akoy iyong kay daling sinaktan
*Ngayon ako sayoy ang hirap kalimutan
*Gusto mong makipagbalikan,
para saan pa't akoy iyong iniwanan

*Ang babaeng iyong iniwan, niloko, at sinaktan,
*Ay naka move on na sayong ginawang kasalanan
*Kaya ngayoy tignan mo nalang sa malayuan dahil hindi mona pwedeng lapitan at hawakan

*Sana noon pa iyong napagtantuhan, na ang babaeng nasayong harapan
*Ay ang babaeng hindi mo na dapat pinakawalan
*At di mo na dapat sinaktan

*Ngayon nagsisisis ka sayong ginawang kasalanan
*Bakit mababalik ba ng pagsisisi mo ang ating nakaraan?
*Di ba hindi, hindi na kailanman

*Kaya wag ka nalang umasang ikay aking babalikan
*Dahil ang katulad mong walang paninindigan
*Ay di ko na kaya pang pakisamahan

*Kaya akoy iyo ng kalimutan
*At isiping sa ting dalaway walang namagitan
*Na ang lahat ay isa lamang kasalanan,
kasalanang habang buhay mong pagsisihan

*Akala ko noon ang ating suyuan ay walang katapusan, ngunit di pala pagkat ang lahat ay matatapos lang pala sa masakit na hiwalayan
*Kaya ngayon ang babaeng nasaktan, niloko, at iniwan
*Ay isa ng palaban at alam narin kong pano mang iwan

10/12/2021

PAANO KO BA SASABIHIN SAYO?

*Hindi ka nya mahal
*Ang kanyang nadaramay di tunay na pagmamahal
*Ginagawa kalang nyang hangal
*Para isuko mo sa kanya ang yong dangal

PAANO KO BA SASABIHIN SAYO NA?

*Ginagawa kalang nyang tanga
*Pagkat katawan mo lang ang habol nya
*Binibitag kalang nya
*At pag kumagat ka don ka nya titirahin pababa

PAANO KO BA SASABIHIN SAYO NA?

*Ginagamit kalang nya
*Para makalimutan ang nauna
*Kaya buksan mo ang yong mata
*Para ang lahat ay yong makita

PAANO KO BA SASABIHIN SAYO NA?

*Gumising ka na
*At wag ng magbulag bulagan pa
*Pagkat ang lahat ay sobra na
*At baka sa huli pagsisihan mong sa sarili moy wala ng natira

Magandang umaga

-irish

10/12/2021

Lisanin mo na ang luggang iyong pinagtataguan
*At harapin mo na ang masakit na katotohanan
*Wag ka ng magpanggap na ang lahat ay okey lang naman
*Pagkat alam kong nahihirapan ka nat nasasaktan
*Para saan pa ang pagpapanggap mo
*Kong sa huli sarili mo lang pinahihirapan mo

10/12/2021

KAILANGAN PABA"

*Kailangan ko pa bang masaktan
*Para makita mong mahal kita?
*Kailangan ko pa bang mawala
*Para makita mo ang aking halaga?
*At kailangan ko pa bang bitawan ka
*Para maging masaya ka?

Magandang umaga💕

10/12/2021

sımpʟєňɢ ɞıňıɞıňı

*Hindi ako si Maria Clara
*Hindi rin si Carmella
*Hindi rin ako kagaya ng iba
*Na may magandang porma ng katawat maganda ang wangis ng mukha

*Akoy simple lamang na binibini
*Hindi mahilig sa pampagandat di maarte
*Di rin ako mahilig makipag party
*Ang nais ko lamang ay lumabas kasama ang kaibigat manood ng sine

*Kakaiba rin ang ugali ko
*Gaya ng panahon itoy pabago bago
*Kaya sanay maintindihan nyo ako
*At matanggap ang ugaling meron ako

*Hindi ako binibining marikit
*Hindi rin kaakit akit
*Ngunit may kakaiba ring katangiang bitbit
*Na tiyak ikay mapapakapit

*Ayokong ikinukumpara ako sa iba
*Pagkat di ako kagaya nila
*Hindi ko rin sinisiraan sila
*Ipinahihiwatig ko lamang ang katangiang aking taglay at dala

*Minsan ako rin ay pasaway
*Ngunit ayokong may kaaway
*Gusto ko rin sa iba makibagay
*Ng sa ganon ako sa kanilay makasabay

*Gusto ko ring magkaroon ng mga kaibigan
*Yong tunay at hindi nang iiwan
*Yong makakasama ko sa tuwat kalokohan
*Yong tipong malayo man at makahanap man ng ibang kaibigay di ako makakalimutan

*Pagdating sa ginoong iibigin ay may hinahanap din akong katangian
*Hindi man kagwapuhan bastat may respitot sa akiy marunong makipagsabayan
*Kahit di mayaman at di talentado
*Bastat syay maginoo tiyak sa akiy syay pasado

Rqstd by:
Sabrina Mafindor
Kim Yong So

With Irish Yeish Remedio

10/12/2021

Ang sarap bumalik sa pagkabata
*Yong masaya kalang at walang iniindang problima
*Yong tipong isang candy lang tuwang tuwa kana

*Ngayon kasi parang ang hirap ng tumawa
*Ang hirap ng maging masaya
*Sapagkat kapalit nitoy sakit at mga problima

10/12/2021

BUMALIK NA KAMI SA DATI, YONG TIPONG DI NA KAMI MAGKAKILALA"

*Naalala ko pa noon ang ating pagmamahalan
*pagmamahalang pareho nating sinumpaan

*Ngunit tila ang bilis yata ng panahon
*Dahil ang ating pagmamahalan nooy isa na lamang ala ala ngayon

*Noon para tayong si Ding at at si Darna
*Sapagkat hindi tayo mapaghihiwalay nila

*Ngunit ang lahat ay biglang nagbago
*Dahil lamang napagod Kat sumuko

*Nooy katulad moy napagod din ako
*Ngunit hindi ako sumuko, sapagkat gusto kong ipaglaban ang ano mang meron tayo

*Kong nooy hindi tayo mapaghihiwalay nila
*Ngayon namay parang di na tayo magkakilala

*Isang beses nagkasalubong tayo sa may daanan
*At bigla kong naalala ang ating nakaraan

*Ngunit parang hindi mo na ako kilala,sapagkat nilagpasan mo lang akot dinaanan
*Sa bagay sino ba naman akot isa lamang ala ala ng yong nakaraan, ala alang ibinaon munat kinalimutan

*Naisip ko lang, kong hindi ka sana sumuko noon
*Masaya kaya tayo ngayon?

*Pero siguro di talaga tayo ang para sa isat isa
*Siguro isa lang din tayo sa mga pinagtagpo pero di itinadhana

*Kaya ngayon isa ka na lamang masayang ala ala ng aking nakaraan
*Ala alang hindi ko na pwede pang balikan

*At kong tayo may muling magkita ulit, wag kang mag alalay di na ako gaya ng dati na nangungulit
*Sapagkat ngayon isa ka nalang estranghero para sa akin
estrangherong di dapat bigyang pansin

10/12/2021

Bakit mo pa sya niligawan,
-Kong sa huli syay iyo ring iiwan?
-Bakit mo pa pinaramdam sa kanya na mahalaga sya,
-Kong ang totooy di naman pala?
-Bakit ka pa nag stay sa kanya,
-Kong sa huli may balak ka palang sukuan sya?
-At ikaw bakit kapa nagpupuyat,
-Kong wala ka namang ka chat?

10/12/2021

"Pilipinas aking bansa"

✏Remedio Irish

Pilipinas aking bansang kinagisnan
Aking kinamulatan at aking kinalakihan
Itoy aking inalagaan
At aking pinahalagahan

Namulat man sa Pilipinas na may gulo
Ngunit hindi sumuko
Dahil alam kong sa huli mananatili ang puso
Ng mapagmahal na Pilipino

At sa aking paglaki aking nalaman
Na ang Pilipinas ay may maraming nilalaman
Na ito ay pinagpala sa likas na yaman
Na ating magagamit sa ating pangangailangan

Kaya san man mapunta ating ipagmalaki
Na sa Pilipinas tayo lumaki
Mapadpad man sa ibang bansa
Pilipinas parin ang patuloy na tinatamasa

Sabi ng marami mapalad ang Pilipinas
Ngunit ang sabi KO sa aking sarili ako ay higit na mapalad dahil akoy isinilang sa bansang Pilipinas
Daanan man ng maraming unos itoy hindi magwawakas
Dahil ang Pilipinas ay tunay na malakas

Kaya tayong mga Pilipino
Alagaan natin ang bansang inalagaan ng ating mga ninuno
Mahalin natin ang bansang Pilipinas
Na para bang wala ng wakas

Alagaan rin natin ang ating likas na yaman
Na syang nagbibigay sa ating pangangailangan
Para sa hinaharap
Tayo ay di na muling maghirap

Pilipinas paunlarin
Ingatan at mahalin
Huwag ikahiya at patuloy na tangkilikin
Dahil itoy bansang sariling atin..

10/12/2021

~"BAHAY KUBO"

tulσч kα sα αmíng tαhαnαn
mαlíít lαmαng ngunít mαrαmí αng nílαlαmαn
hαlíkαt íчσng tuklαsín
mgα nαkαtαgσч íчσng αlαmín
pαвσrítσ mσ вαч síngkαmαs?
kαчα sα pαg íвíg íkαч lαgíng mínαmαlαs
αlαm mσ nαmαng kαhít kαílαn sα pαg íвíg dí kα nαnαnαlσ
вαkít kαpα sumugαl, upαng sчαч mєrσn nα nαmαng mαlσkσ
sα tαlσng kα dumulσng
dí nαmαn mαsαmαng humíngí ng tulσng
вαstαt íчσng pαgkαtαndααn вαwαl kαng mα fαll
sα mgα αdvícєs nчαng nαkαkα fαll
kσng pαчσ nчαч dí sαpαt, nαrítσ αng sígαrílчαs
gαwín mσ ítσng pαnghímαgαs
upαng mαkαвuσ ng вαgσng lαkαs
αt αng lαhαt ng sαkít íчσng mαílαвαs
вαkα gustσ mσ rín ng mαní
pαrα mαtαuhαn kαng mulí
nα kαhít вαlíktαrín αng mundσ
híndíng híndí kα nчα mαmαhαlín ng tσtσσ
íkαín mσ nαlαng чαn ng sítαw
pαrα nαmαn mαtutσ kαng вumítαw
lαвαn kα kαsí ng lαвαn
kαhít dí nαmαn nα íkαw αng kαlígαчαhαn
вαtαw
íkαw
gαnσ вα tαlαgα kαhírαp вumítαw?
вαkít hαnggαng ngαчσn kαmαч mσч dí mσ pαrín mαígαlαw?
pαtαní
ítαlí
tínαlí kα вα nчα sα luвíd?
kαчα hαnggαng ngαчσn pusσt ísípαn mσч mαrαmí pαríng вumαвαlαkíd
єh kσng ísαmpαl kσ kαчα sαчσ αng undσl
upαng mαgísíng kα sα kαtσtσhαnαn
nα híndí íkαw αng kαnчαng kαílαngαn
dí kαчα íkαч nαgвuвulαg вulαgαn
lumαlαвαn kαhít wαlα ng kαsígurduhαn
hєtσ αng pαtulα
tíчαk íkαч mαpαpαluhα
kαpαg íчσng nαkítα
mgα pαnlσlσkσ nчα sαчσч nσσn pα nчα gínαwα
upσt mínαhαl kα nчα
pєrσ nσσn чσn, nσng wαlα pα sчαng íвα
kαчα tαmα nα
sαrílí mσч kαwαwα nα
kumαín kα nαlαng ng kαlαвαsα
upαng mαgíng mαlínαw αt mααчσs αng чσng mgα mαtα
αt αng lαhαt αч íчσ ng mαkítα
αt dí nα mulí pαng mαgpαkαtαngα
wαg kαng mαg αlαlαt nαrítσ sí lαвαnσs
tutulungαn kα nчαng mαkαlímσt ng luвσs
kung вαgα sα tσtσσng вuhαч ítσч íчσng pαmílчα
mαsαsαndαlαn mσ sα lαhαt ng prσвlímα
mustαsα
pααsα
sα susunσd wαg kα ng mαgpαdαlα pα
sα mgα tασng purσ lαmαng pαngαkσt sαlítα
síвuчαs kαmαtís
upαng dí kα nα mαgtíís
ítσч αkín nα lαmαng pínαgsαвαч
dαhíl sα íвα kαílαngαn mσ ríng mαkíвαgαч
nαrítσ rín αng вαwαng
nα tíчαk íчσng kαílαngαn
upαng sα susunσd dí kα nα mαpαg ííwαnαn
αt sα lαвαng íчσng hαhαrαpín íчσ ng mαpαgtαgumpαчαn
ngunít вαgσ kσ ítσ wαkαsαn
luчαч wαg mσ sαnαng kαlímutαn
pαgkαt вαhαч kuвσч dí kσmplєtσ kσng wαlα ítσ
gαчα mσч mαkαkαkítα kαrín ng вαgσ, ngunít dí mσ kαílαngαng hαnαpín ítσ
dαhíl kusα ítσng dαrαtíng sαчσ

29/09/2020

~GABING BINALOT NG LUNGKOT

Tahimik na ang paligid
Pwede na akong umiyak sa king silid

Hahagulhol lang ako sandali
Upang maibsan ang nadarama kong muli

Hanggang kailan kaya ganito?
Hanggang sa suko na ako,
O hanggang sa wala ng luhang lalabas sa mga mata ko

Taksil talaga ang gabi
Ibabalik nya lang ako sa masasakit na nakaraan ko

Ipapaalala nya lang sakin ang mga kamalian ko
Ibabalik ako sa panahong durog na durog ako

At ang tanging unan at kumot lang ang kakampi ko
Unan na taga salo ng luha ko,
At kumot na taga punas sa mga ito

Sana pwede ko itong takasan
Ang hirap kasi kalabanin ni lungkot
Yong tipong ginawa mo na ang lahat pero andyan parin naka buntot

29/09/2020

0.03
~PANDESAL

Para sa tiyan mong walang laman
Epekto ng sobrang pagmamahal, pag iniway idadamay pati katawan
Eh kong hampasin kaya kita ng pandesal
Para malaman mong di ka nya mahal

Ang pandesal ay pwedeng kainin kahit walang kapares
Kagaya moy mabubuhay karin pag syay umalis
Buksan mo lang ang yong mga mata
At ng makita mong pinanganak kang mag isa

29/09/2020

0.02
~MALAMIG NA TUBIG

Kapag sa kape ay nasobrahan
Pati uloy naapektuhan
Malamig na tubig ang kailangan
Para ang init nitoy mahimasmasan

Ngunit gaya ng kape wag rin itong pasobrahan
Dahil di lahat natitiis ang kalamigan
Baka ang sobrang lamig ay magsilbi pang daan
Upang pagsasama nyoy wakasan

29/09/2020

0.01
~KAPE

Kong relasyoy nalalamigan
Kape ang pwedeng panlaban
Ngunit wag pasobrahan
Baka pati uloy mainitan

Kapeng may asukal
Parang pagsasama nyong may alitan
Di naman kasi puro kasiyahan
Gaya ng kape may mapait rin minsan, ngunit ang mahalaga ang isat isay pareho nyong ipaglaban

~MUKHA SA LIKOD NG NGITITatanggalin na ang ngiting sa labi koy bitbitIlalantad na ang totoong mukhang itinagong pilitHin...
29/09/2020

~MUKHA SA LIKOD NG NGITI

Tatanggalin na ang ngiting sa labi koy bitbit
Ilalantad na ang totoong mukhang itinagong pilit

Hindi ang mukha ng kasiyahan
Kundi mukha ng kalungkutan

Kalungkutang noon pay itinago ko na
Sapagkat ayokong tawagin nyo akong mahina

Okay lang ako
Mga katagang laging sambit ng bibig ko

Katagang hindi naman totoo
Sapagkat bawat sambit ko nitoy nagpapanggap lamang ako

Okay kalang ba?
Lagi kong tanong sayo, sapagkat ayokong sinasarili mo ang yong mga problima

Pero ni minsan ba tinanong mo rin ako
Kong okey lang din ba ako

Di ba hindi
Kahit sino yata walang magtatanong saken
Sapagkat walang may pakialam sa akin

Ngayon labis na napagod ang aking sarili
Kaya ang pagpapanggap ay akin munang limutin sandali

Pinapasaya ko ang iba
Subalit sa sarili koy di ko magawa
Chine cheer up ko rin sila
Kahit sarili koy durog na durog na



29/09/2020

~ULAN
Malamig na ang gabi
Sarili nakaupo sa isang tabi

Di makatulog
Minamasdan ang ulan na unti unting nahuhulog

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan
Ay ang pagpatak ng luhang sa matay nag uunahan

Titila, bubuhos
Matay halos wala ng maiaagos

Ulay pahina na ng pahina
Kataway unti unti naring nanghihina

29/09/2020

~NATUTO NA

Akoy iyong kay daling sinaktan
Ngayon ako sayoy ang hirap kalimutan
Gusto mong makipagbalikan
Para saan pat akoy iyong iniwanan

Ang babaeng iyong iniwan, niloko at sinaktan
Ay naka move on na sayong ginawang kasalanan
Kaya tignan mo nalang sa malayuan
Dahil di mo na pwedeng hawakan o lapitan

Sana noon pa iyong napagtantuhan
Na ang babaeng na sayong harapan
Ay ang babaeng di mo na dapat pinakawalan
At hindi mo na dapat sinaktan

Ngayon nagsisisi ka sayong ginawang pag iwan
Bakit mababalik ba ng pagsisisi mo ang ating nakaraan?
Di ba hindi, di na kailanman

Kaya wag ka ng umasang ikay aking babalikan
Dahil ang katulad mong walang paninindigan
Ay di ko na kayang pakisamahan

Kaya ngayon akoy iyo ng kalimutan
At isiping sa ting dalawa ay walang namagitan
Na ang lahat ay isa lamang kasalanan
Kasalanang habambuhay mong pagsisisihan

Akala ko noon ang ating suyuan ay walang katapusan
Ngunit di pala pagkat ang lahat ay matatapos lang sa isang masakit na hiwalayan
Kaya ngayon ang babaeng iyong sinaktan niloko at iniwan,
ay isa ng palaban at alam narin kong pano mang iwan

29/09/2020

~GUMISING KA NA

Hindi ka nya mahal
Ang kanyang nadarama ay di tunay na pagmamahal
Ginawa kalang nyang hangal
Para isuko mo sa kanya ang yong dangal

Ginagawa kalang nyang tanga
Pagkat katawan mo lang ang habol nya
Binibitag kalang nya
At kapag kumagat ka don ka nya titirahin pababa

Ginagamit kalang nya
Upang makalimutan ang nauna
Kaya buksan mo ang yong mata
Para ang lahat ay yong makita

Kaya gumising ka na
At wag ng magbulag bulagan pa
Pagkat ang lahat ay sobra na
Baka sa huli pagsisisihan mong sayoy wala ng natira

Address

Balamban Cebu
Cebu City

Telephone

+639234480978

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mai Yeish Writes posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mai Yeish Writes:

Share

Category