Sulat ,Letra at mga Talulot ng Sining

Sulat ,Letra at mga Talulot ng Sining buhay ang sining

malalim ang gabinakatanaw sa atin ang buwanmalawak ang dilim halatang may nagbabadyang talimat malinaw sa akinkahit mala...
09/08/2025

malalim ang gabi
nakatanaw sa atin ang buwan
malawak ang dilim
halatang may nagbabadyang talim
at malinaw sa akin
kahit malayo ka sa paningin
na ako ang iyong hahanapin

sabay nating lalakarin
ang aspaltong nakadampi sa ating mga paa,
ikaw ay aking yayakapin.

malayo tayo sa isa't isa't nakatayo
ngunit nanaisin ko muling tumakbo
mabilis at palapit sayo
ang huling pagkikita ay matagal na masyado
isa.....dalawa.....tatlo..takbo!

marahan kang hahawakan sa iyong kanang pisngi
at tawad ang hinihingi
sasabay sa dampi ng hanging malakas
tutulo ang luha't dito magwawakas

Ang kamay na pagal sa pagbubungkal ng lupang kailan ma'y hindi naging kaniya.
05/04/2025

Ang kamay na pagal sa pagbubungkal ng lupang kailan ma'y hindi naging kaniya.

antique shop sa kamuning
10/12/2023

antique shop sa kamuning

sa bukirin
30/11/2023

sa bukirin

BONI DAY
30/11/2023

BONI DAY

30/11/2023

sana makita kita
ngayong linggo
pitong araw
kitang hinintay

ikaw bahala
ayos lang naman ako
kahit saan
maglakbay

basta hawak ko lang
ang iyong kamay
sasamahan kita
kahit pa ikamatay

presensya mo'y
parang papalubog na araw
napaka sarap sa pakiramdam
ang ganda pagmasdan

nagpapaalalang
mag gagabi na
pwede na
magpahinga

ikaw ang pahinga ko
sa isang linggong
pagiging alipin ng
kapitalismo

Habang ako dilatkayo nama'y napikit habang nakapiitnagpapahingaang matang marikit taklop ng talukap,Bumigat ang isipan s...
16/07/2023

Habang ako dilat
kayo nama'y napikit
habang nakapiit
nagpapahinga
ang matang marikit
taklop ng talukap,

Bumigat ang isipan
sa pag imahe ng
nakaraang tila
walang hanggan
kahit nasa dulo't
sulok na ako ng tahanan,

Nakatanaw ngunit
hindi malinaw.

15/06/2023

hindi
tayo
malaya

mas
lumalawak pa rin
ang hawla

HANGGANG KAILAN PA KAYA TAYO SUSULAT NG MGA PNAWAGAN?Dekada na ang nakalipaswala pa rin ang hustisyang inaasam madami an...
15/06/2023

HANGGANG KAILAN PA KAYA TAYO SUSULAT NG MGA PNAWAGAN?

Dekada na ang nakalipas
wala pa rin ang hustisyang inaasam
madami ang gustong kumamit
ngunit,,,bakit pati ang mataas
ay ipinagkakait??…

24/05/2023
23/05/2023

Sa iba't ibang mga kanto
puno ng mga anino
pinapalago ang grupo
naghahagilap ng laya,
naghihintay ng pagbabago

Hanay silang naglalakad
grupo grupong may hinaing
dinagsa ng panawagan
kasakop ng buong lansangan
umaabante pasulong

Isa...dalawa...tatlo...
tatahakin ang lansangan
kailangang panghawakan
pagal man ang talampakan
basta't patungong kapayapaan

Sila ay binunuo ng
mga artista ng bayan
mga di pabgkaraniwang
mas pinili pa ang buhay
ng isang nasa lansangan

Address

DAASMARINAS
Cavite
4114

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sulat ,Letra at mga Talulot ng Sining posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share