25/03/2026
Basta ako, si BBM ang pinakamagaling na pangulo dahil sa kanya lang natin naranasan ang mag-ani ng palay kahit kakatanim lang. At dahil dyan, sobra-sobra na po ang supply ng ating bigas.
Ngayon, bigas na po ang itatanim ng ating pangulo, hindi na po palay. Kaya madami ang nagmamahal kay BBM, tulad na lang ng mga bilihin dahil sa kanya, marami ang nagbago. Ang dating tahimik, ngayon po ay magulo na.
Kaya dapat sabay-sabay po natin siyang yakapin ng mahigpit hanggang sa mag-violet.😊..