12/06/2026
13 June 2026 | Feast of St. Anthony of Padua
Ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ni San Antonio de Padua, ang patron ng mga nawawalang bagay at kilala sa kanyang makapangyarihang pangangaral at kakayahan sa pagtuturo. Bukod dito, siya ay patron din ng mga mandaragat, mangingisda, manlalakbay, at mga mahihirap.
Si San Antonio ay isang pari at misyonero ng mga Pransiskano. Siya ay kilala sa kanyang husay sa pangangaral, malalim na kaalaman sa Banal na Kasulatan, at matinding pagmamahal sa mga mahihirap. Siya rin ay kilala bilang isang manggagawa ng himala at kinikilala sa maraming kahima-himalang pangyayari.
Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang kanyang halimbawa ng kababaang-loob, pananampalataya, at pagtulong sa kapwa.
Mga Oras ng Banal na Misa:
8:00 am - Pianzon
9:30 am - Barandal
6:00 pm - Our Lady of Fatima Parish
San Antonio de Padua, ipanalangin mo kami!
Our Lady of Fatima | SocComm Ministry