03/08/2026
Nakikiisa ang Cainta Elementary School sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 1–31, 2026, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 at sa pangunguna ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).
Sa temang “Wika Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ating kinikilala ang mahalagang papel ng wikang Filipino sa pagpapalawak ng kaalaman, pananaliksik, at responsableng paggamit ng makabagong teknolohiya.