02/04/2026
Hi! Kamusta kayo?
Di ako nakakapag-upload lately, kasi na-ban ung TikTok account ko last March 13, kasi dito ako nagla-live selling at nasaktuhan na nagkaroon ng mas mahigpit na Community guidelines. Ilang beses ako na restrict and auto-end live. At ito ung naging resulta.
Kahit mag-appeal at makiusap ka sa support, wala na talaga.
Nakakapanghina ng loob kasi nawala lahat ng pinaghirapan ko. Soon, gaganahan din ako ulit at irere-upload ko lahat ng andito sa bago kong TikTok account.
Di rin ako masyado nakakalabas lately dahil nakafocus ako sa live selling. May mga backlog pa naman ako dito. Try ko isingit na makapag-upload uli ng content 😍
Maraming salamat sa mga sumusuporta sa claw machine contents ko! Sana nakatulong ako sainyo ❣️
Magkikita-kita tayo ulit.
— Pakchakk the Claw Slayer