CCC Secret Files

CCC Secret Files Send your story here! OPEN TO ALL! BAWAL IYAKIN. UNFOLLOW AGAD TONG PAGE NA TO KUNG AYAW MAKAKITA NG KUNG ANO ANO HAHAHAHA. BASIC.

25/02/2018

No one knows how much I care for you. If you think no one cares for you, always remember, i'm here by your side, hiding in plain sight and using the disguise or friendship.
-The Red Hood

25/02/2018

Admin p**i post naman.
Susuko o Lalaban?

Alam mo ba na ang hirap ng mga sitwasyon ngayon. Hindi natin alam kung mag sstay paba ang isa para sa nasasaktan o para sa nahihirapan. 💔❌dapat pa bang ipaglaban kasi maayos pa. Wala namang kasiguraduhan lahat eh. 😪 Ikaw lang makakasagot sa Mga tanong ko. Ang daming SANA at BAKIT na gusto kong sagutin mo.
Sana Ako nalang.
Sana Gaya pa din ng dati.
Sana Ako nalang yung mahal mo.
Sana hayaan mo ko na mahalin at alagaan ka.
Sana AKO nalang SIYA.
Bakit Nagkaganto tayo?
Bakit parang lumalayo ka?
Bakit ba naging cold ka bigla?
Bakit Hindi mo sya kayang kalimutan? Andito naman ako para sayo. Handang kalimutan lahat ng sakit para mag simula ulit. At handang mag antay para bigyan mo ng chance. Dapat pa nga ba? Matutunan mo din kaya ko mahalin? 💔 tama ba na sayo ko pinaikot yung mundo ko. Kahit na alam king imagination lang ang lahat nato💔💔💔 bakit ko nga ba pinipilit yung sarili ko sayo? Andami naman jan! Bakit ba kasi Sayo pa? Di nalang sakanila. 🔫🔪 sobrang hirap. Sana IKAW nalang SILA. Para di na ganto 😭 Alagaan at Maging maayos ka sana :) I love you until the day is Over. 😍 I miss you ❌💕

-ur d 1 ❤️

20/02/2018

MASAYA KA SAKIN
MASAMA KO SAYO

Sa pag lalim ng gabi.
Unti-unti nating,
Nakakalimutan na delikado tayong mag tabi.

Dahil sa bawat haplos na nagpapagala-gala sa ating mga katawan,
Ay ang kasalanang hindi na dapat natin sinimulan.

Alam nating pareho natin tong nagustuhan,
Kagaguhang dala ng init ng ating katawan.

Pakiramdam na parang ayaw mong mawala sa iyong isipan,
Pagkadarang sa apoy ng silakbo ng ating isipan.

Ngunit paano natin ito mapipigilan?
Kung sa pagkadarang ay ang pagkahumaling nating tuluyan.

Isa't isa'y hirap iwasan.
Pagkasabik sa marahuyong naranasan.

19/02/2018

papost po para sa taong nagmahal at iniwan...
"Ikaw at Ako"
Sa unang pagkikita,hindi na magkasundo
di nagpapansinan o nag iimikan
ikaw na parang bubuyog na nagpapansin
na akala mo'y nakakita ng kakainin
Hindi ko lubos maisip
na sa iyoy mahuhulog
para ka isang patibong
na sayoy ako nahulog
Minsay naisip ko kung ano meron ka
na wala sa iba
pinipilit kang kalimutan
pero diko magawa dahil ikaw ang gusto ko makita
Lumipas na ang araw at buwan
meron nang Ikaw at Ako.
itinakda ng tadhanang mapusok at mabagsik
na akala ko'y panghabang buhay na.
Hindi ko lubos akalain
na Ikaw at Ako ay magiging Ikaw at Sya
yung dating Ako ay naging Siya na
ansakit isipin na hindi na Ikaw at Ako
kundi Ikaw at Sya na nagmamahalan at masaya na..

-Babaeng Iniwan sa Ere ng Grade 12

18/02/2018

Grand ball ? para sa 4th year college please! sana ituloy na ninyo yung kagaya sa Senior High na prom ganern sana oh! 😞 please sana matupad ang hiling namin lahat

18/02/2018

“Mahirap Manligaw pero mas mahirap magpaubaya”

Shoutout sa mga nasa Taytay jan, ingat kayo pauwi…lalo ka na.
Eto na, simulan ko yung story sa kung saan ay nakilala kita. Eleksyon nun, panahong wala pa kong ideya sa mga kaganapan dito sa college natin. Hindi ko alam pero basta bigla na lang kitang nakita…pero di ko alam ang pangalan mo. Tumakbo ka nun pero sa pagkakaalam ko hindi ka nanalo. Wala akong lakas ng loob na gawin yung gusto kong gawin tulad ng kausapin, kamustahin at kilalanin ka. Hindi naman kasi ako gwapo para gawin yung mga ganung bagay.

Pero hindi nagtagal…nagawa ko din.

So ayun nakausap na kita. Itago na lang natin yung pangalan mo sa palayaw na “Ngo”. Kase yan yung pang asar ko sayo dati nung madalas pa tayong nagkakausap at nagkaka chat. Kaso hindi ko na magawa ngayon ng dahil sa isang desisyon. Naaalala ko yung mga panahon na naguguluhan ka kase dalawa kaming nanliligaw sayo. Oo, naglakas loob na kong manligaw kay Ngo, kaso hindi lang ako ang dumidiskarte sa kanya. Dahil sa kanyang ganda at katangiang hindi mapagkakaila, maraming nagkakagusto sa kanya. Kaya naman hindi naging madali sakin ang naging desisyon na bitawan siya nang dahil sa kadahilanang ayoko na nakikita kang nahihirapan, sumasakit ang ulo at na s-stress ng dahil sa ganung set-up.

Pinaubaya kita dahil mahal na kita

Kaya sana kung ano man ang estado niyo, I hope you are happy with what you are having. Ngo, mag iingat ka palagi.

- BS__

18/02/2018

"Apology accepted, Trust denied"

Nung una okay na okay kami lagi siyang nandyan para pasiyahin ako halos ginagawa niya na nga akong mundo niya yung tipong kasama na ako sa lahat ng bagay na gagawin niya sa buhay. Nung una akala ko siya na yung Perfect Man for me kase nandun siya nung mga panahong down na down ako. Nagsilbing kumot nung nilalamig ako at nagsilbing unan nung kailangan ko ng maiiyakan at masasandalan. Niligawan niya ko, ipinakita niya na deserving talaga siya para sakin lahat ginawa niya para mapasagot ako ng 'oo'. Then sinagot ko rin nmn siya at minahal ng buong buo lahat rin nmn ginawa ko at ibinigay sa kanya Time, Effort, Love etc. Pero isang araw naging moody siya mabilis magalit na parang Hindi niya ako girlfriend pinalampas ko nmn yon kase mahal ko siya. Akala ko okay na pero nagkamali na namn siya. Nabasa ko lang nmn mga chat niya sa ex niya ang saya saya nila. That time nagtampo na ko, Hindi ko siya pinansin buong araw at ang sakit sakit non para sakin. Di pa man siya nakakagawa ng kasalanan pinapatawad ko na Siya, ganun ko siya kamahal. Yung araw na nagaway kami at nagkatampuhan nasundan na ng nasundan pati malilit na bagay pinagaawayan na namin. Nung una accept lang ako ng accept sa fact na hindi siya perfect at nagkakamali rin at dapat ko lang siyang tanggapin ng buong buo pero parang sobra na namn ata? One time nagchat sakin yung ex ko nagpapatulong sa research paper niya then nagreply ako at sinend yung file ko. Ganun lang nmn yung naging scenario puro tanong lang at ako puro sagot walang bahid ng kahit konting sweetness halos umaabot pa nga ng 20mins bago ako makapag reply e. Nagchat siya sakin nun at alam kong galit siya the way na ichat niya ko umabot pa nga sa puntong sinasabihan niya na ko ng "Malandi" nasaktan ako non. Tinatanong ko yung sarili ko kung pagmamahal pa ba yon? Hindi ko siya chinat non kase punong puno na talaga ako ang sakit sakit na. Inopen ko yung acc niya at nakita kong nakikipag chat siya sa ex niya. Inaaalala yung mga memories nila dati kesho what month daw sila naglandian noon, kailan daw sila nagsine at marami pang iba. Di ko alam kung pano niya nasisikmurang makipag chat sa ex niya ng pagkasayasaya samantalang ako hindi niya manlang kinakausap. Hindi ako kagaya ng ibang babae na scandalosa yung tipong ichachat yung babaeng kachat ng bf ko at sasabihan ng kung ano ano,hindi ko gawain yun at hindi ko kayang gawin yun. Mas okay na ako na lang yung nasasaktan basta wala lang akong matapakang ibang tao in short hindi ako self-centered. After a few days napagdesisyonan kong makipag break sa kanya kahit labag sa loob ko. Siya nmn todo sa pagmamakaawa na wag ko daw siyang iwan. Ayoko nmn talaga siyang iwan that time e pero ang sakit sakit na. Gusto ko nang magpahinga sa heartbreaks. Pero dahil mahal ko siya at ayokong matapos sa ganito lang lahat pinagbigyan ko siya. Ganun lang ako kadaling kausap at kayang magpatawad ng kahit ilan pang beses basta para sa taong mahal ko. Tila bumalik yung scenario nung una naging sweet siya, Sabi niya pa nga lagi niya na akong liligawan kahit kami na. Ganun ba talaga? Magbabago sila kapag huli na? Kapag wala na yung dating tiwala na binigay mo sa kanila? Akala ko siya na, Akala ko pangmatagalan na hindi kagaya ng mga past relationships ko. Pero Hindi pala, mali lang pala ako ng akala. Nasulat ko to dahil nasasaktan na naman ako ngayon, at naiwan ako sa pagitan ng Let go o Laban pa.

confusedgirl
2018

17/02/2018

Hi nga po pala kay Shy Dulce ng HELE12. Matagal na po kitang nakikita sa school pero ngayon ko lang nalaman yung pangalan. Agaw pansin yung ngiti mo na lagi kong nakikita kapag dumadaan ka sa tapat ng classroom naming. Sana makilala mo ko one day. Sana ako na lang yung kasama mo, sana hindi mo boyfriend yung kasama mo na lalaking matangkad na officer sa college.

-Grade121314121112

16/02/2018

Shoutout sa mga SHS Students diyan na J.S PROM ngayon ang romantic ng pagka ayos ng venue niyo!😍 WOOOOOOOOOHHHHH💕🎉 HUHUHUHU KA INGGIT NAMAN KAYO!! 😭

P.s: sana imbitado ako 😞
P.s.s: p**i-balutan nalang ako ng pagkain HAHA charr!
P.s.s.s: enjoy po kayooooo
P.s.s.s.s: sana LAHAT tzuahahaha

-Ms.Inggitera👗

15/02/2018

Dumadating na ang liwanag at ang araw'y kumakaway
Ngayon, sa malamig na bukang-liwayway.

Lumiwanag na't nakatingin nanaman siya,
Nakakasilaw, nakakabaliw, ako ba'y mabubulag na?

Binati ako ni Liwanag at ako'y napangiti, puso ko'y nagliyab,
Aninag mo'y maputi.

Hindi maiiwasan ang pagdating ng gabi na kung saan ika'y lilisan,
Pero tandaan mo lagi na hindi kita iiwan.

-AFAF

15/02/2018

“Tanggap na nga ba?”

Minsan ay nakakita ako ng kamias sa isang tabi
Unti-unti kong kinagat ang dulo nadama ang asim sa labi
Dali-dali kong ipinikit ang aking mga mata
At isang tanong ang aking naisip; tanggap ko ba ang lasa?

Ang kamias ang tila naging susi upang maibalik ang kahapon
Mga alaala na minsan nang naitapon
Mulang nagbalik ng mabilisan ang mga pagdaramdam
Mula sa unang pagkikita hanggang sa huling paalam

Muli kong naalala ang mga ngiti mong matatamis
Mula umaga hanggang gabi, mga mensahe mo lang ang ninanais
Mula sa unang tunog ng aking telepono
Hanggang sa pagtatapos ng salitang “tulog na ako”

Muli, ay aabangan ang pagsilay ng haring araw
Gagawin lahat ng bagay kahit ang panonood sa lipad ng langaw
Habang hinihintay ang mahiwagang tunog
Kulang na lang ay ang mahiwagang pag untog

Naaalala din ang mga araw na pinag-uusapan ang gawang hapon
Ang mga bagay-bagay na nagiging dahilan upang mag-usap buong maghapon
Ngunit ang mga ito ay tila alaala na lang
Kaya’t ang tanong ay tanggap na nga ba ang pagkawala ng isang dalagang nilalang

Nagmunimuni sa iba’t-ibang bahagi ng Cainta
Sa mga lugar kung saan ay lagi nating nakikita
Sa mga lugar ay hindi pwedeng ilingon ang ulo mula sa kanan hanggang kaliwa
Sa mga lugar, kung saan ang pagkakataong maging tayo…ay biglang nawala

Ang kamias, tila isang prutas na nagpabalik tanaw sa ating alaala
Na kahit anong gawin ay wala ng magagawa kundi tanggapin ang mga sugat na natahi na
Ang kamias ang dahilan kung naisip ko ang isang sagot sa isang tanong
Hindi ko pa pala tanggap ang pag-ibig na nawala dahil sa isang pag tugon

Address

A . Bonifacio, Poblacion
Cainta
1900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CCC Secret Files posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share