X-Dewy El Filibusterismo

X-Dewy El Filibusterismo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from X-Dewy El Filibusterismo, Art, Cagayan de Oro.

🎭 Kilalanin natin si SandovalSino si Sandoval? -Si Sandoval ay isang Kastilang mag-aaral at kawani sa pamahalaan. Kahit ...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Sandoval

Sino si Sandoval?
-Si Sandoval ay isang Kastilang mag-aaral at kawani sa pamahalaan. Kahit siya ay Espanyol, buong puso siyang sumuporta sa layunin ng mga estudyanteng Pilipino na magtayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Mahusay siyang magsalita, matalino, at may malasakit sa kapakanan ng mga Pilipino. Hindi siya kumampi sa kanyang mga kababayan na mapang-api sa halip, ipinagtanggol niya ang mga Pilipino at naging tapat na kaibigan nina Isagani at Macaraig.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Napili ko si Sandoval dahil kahit Kastila siya, hindi siya naging bulag sa katotohanan at piniling pumanig sa kung ano ang tama at makatarungan. Pinahanga ako sa kanyang katapangan na ipagtanggol ang mga Pilipino. Kahit na laban ito sa kanyang sariling lahi, na nagpapakita na ang pagiging patas ay hindi nakabase sa pinagmulan o lahi. Ipinapakita niya na posible ang pagkakaisa at pagtutulungan ng magkaibang lahi para sa ikabubuti ng lahat, kaya siya ang karakter na tumatak sa akin.



🎭 Kilalanin natin si Maria Clara!Sino si Maria Clara? -Si Maria Clara ay kilala bilang kasintahan ni Crisostomo Ibarra o...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Maria Clara!

Sino si Maria Clara?
-Si Maria Clara ay kilala bilang kasintahan ni Crisostomo Ibarra o Simoun. Siya ay may malambot at mabuting puso, matapat ito, masunurin, at may malalim na pananampalataya, ngunit sa loob niya ay may sariling damdamin at paninindigan na minsan ay napipilitang itago dahil sa sitwasyon at sa mga tao sa paligid niya.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Napili ko si Maria Clara dahil kahit mukha siyang mahina at masunurin lamang tignan, pero mayroon din siyang nakatagong lakas ng loob at katapatan. Napahanga ako sa karakter niya dahil ipinapakita nito na ang tunay na lakas ay hindi laging nakikita sa pagiging matapang na magsalita, kundi sa pagiging tapat sa sariling damdamin at prinsipyo hanggang sa huli.



🎭 Kilalanin natin si Pepay!Sino si Pepay?-Si Pepay ay isang maganda at kaakit-akit na mananayaw sa El Filibusterismo na ...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Pepay!

Sino si Pepay?
-Si Pepay ay isang maganda at kaakit-akit na mananayaw sa El Filibusterismo na kilala bilang kalaguyo o matalik na kaibigan ng mataas na opisyal na si Don Custodio. Dahil sa kanyang malapit na relasyon sa opisyal, nilapitan at ginamit siya ng mga estudyante, sa pangunguna ni Makaraig, upang impluwensyahan ang desisyon ng pamahalaan hinggil sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Bagamat hindi siya direktang nakikialam sa pulitika, ang kanyang karakter ay naging susi sa mga transaksyon at plano ng mga kabataan sa nobela.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Pinili ko si Pepay dahil ang kanyang karakter ay isang malinaw na simbolo ng "padrino system" at korapsyon na talamak noong panahon ng Kastila at umiiral pa rin hanggang sa kasalukuyan. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanya, naipakikita mo kung paanong ang mahahalagang desisyon sa lipunan at edukasyon ay nadadaan sa personal na impluwensya at pabor sa halip na sa patas na batas. Bukod dito, ang kanyang papel ay nagbibigay-diin sa realidad na ang mga nasa laylayan o mga itinuturing na mababang uri sa lipunan ay nagagamit din bilang instrumento ng kapangyarihan.



🎭 Kilalanin natin si Simoun!Sino si Simoun?-Si Simoun ay isang mayamang mag-aalahas at lihim na si Crisostomo Ibarra. Si...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Simoun!

Sino si Simoun?
-Si Simoun ay isang mayamang mag-aalahas at lihim na si Crisostomo Ibarra. Siya ay matalino, at naging malapit na tagapayo ng Kapitan Heneral. Ginamit niya ang kanyang yaman at impluwensya upang palakasin ang korapsyon sa pamahalaan, sa layong mapilitan ang mga Pilipino na mag-alsa at maghimagsik laban sa pang-aapi ng mga Kastila .

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Napili ko si Simoun dahil siya ang pinakakomplikado at kawili-wiling tauhan sa nobela hindi lang basta kontrabida o bida, kundi isang taong nasaktan at nawalan ng lahat kaya naman napilitang magbago. Kahit ang kanyang paraan ay hindi tama, nakikita ko ang kanyang sakit at pagnanais na makalaya ang bayan mula sa pang-aapi. Ipinapakita niya sa atin kung ano ang nangyayari kapag hindi naririnig ang mga tao at kapag sobra na ang kawalan ng katarungan.



🎭 Kilalanin natin si Paulita Gomez!Sino si Paulita Gomez?-Si Paulita Gomez ay isang maganda, mayaman, at tanyag na dalag...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Paulita Gomez!

Sino si Paulita Gomez?
-Si Paulita Gomez ay isang maganda, mayaman, at tanyag na dalaga. Siya ang pamangkin ni DoΓ±a Victorina at ang orihinal na kasintahan ng makatang si Isagani. Sa takbo ng kuwento, kinatawan niya ang isang marangyang uri ng pamumuhay at ang mga tradisyonal na pag-uugali ng kababaihan sa lipunan noon. Sa huli, iniwan niya si Isagani upang magpakasal sa mas mayaman at may-kakayahang si Juanito Pelaez.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Pinili ko siya bilang karakter dahil ang kanyang kuwento ay nagpapakita ng matinding tunggalian sa pagitan ng pag-ibig at praktikal na realidad. Ang kanyang desisyon na piliin ang seguridad sa salapi kaysa sa idealistikong pag-ibig kay Isagani ay isang magandang paksa para sa pagsusuri ng karakter. Angkop din siyang piliin upang ipakita kung paano naiimpluwensyahan ng lipunan at pamilya ang mga desisyon ng isang tao. Bukod dito, ang kanyang karakter ay nagbibigay ng malalim na repleksyon sa buhay ng mga kababaihan noong panahon ng Espanyol.



🎭 Kilalanin natin si Hermana Penchang!Sino si Hermana Penchang?-Si Hermana Penchang ay isang mayaman at relihiyosang bab...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Hermana Penchang!

Sino si Hermana Penchang?
-Si Hermana Penchang ay isang mayaman at relihiyosang babae. Siya ang naging amo ni Juli nang magtrabaho ito bilang kanyang katulong. Mahigpit at mapanghusga si Hermana Penchang, at hindi niya lubos na ipinakita ang malasakit kay Juli. Kinakatawan niya ang mga taong nagpapakitang relihiyoso ngunit hindi naman isinasabuhay ang kabutihan at pagmamahal sa kapwa.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Pinili ko si Hermana Penchang dahil interesado ako sa kanyang personlidad sa papel nya sa El filibusterismo. Napili ko rin siya dahil ipinapakita niya ang pagkukunwari at pagiging mapanghusga ng ilang tao. Sa kanyang karakter, natutunan ko ang kahalagahan ng pagiging mabait at makatarungan sa kapwa.



🎭 Kilalanin natin si Tandang Selo!Sino si Tandang Selo-Si Tandang Selo ay ang mapagmahal na ama ni Kabesang Tales at lol...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Tandang Selo!

Sino si Tandang Selo
-Si Tandang Selo ay ang mapagmahal na ama ni Kabesang Tales at lolo nina Juli at Tano. Siya ay isang matandang mangangaso at gumagawa ng walis na sumasagisag sa mga Pilipinong tahimik na nagtitiis sa kabila ng sunod-sunod na trahedya sa pamilya. Dahil sa tindi ng sama ng loob sa pagkawala ng kanyang ari-arian at pagkakakulong ng kanyang apo, siya ay tuluyang napipi.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Pinili ko siya dahil ang kanyang karakter ay puno ng emosyon at nagpapakita ng matinding sakit na idinudulot ng kawalan ng katarungan sa mga matatanda at mahihina. Ang kanyang pagkapipi ay isang mabisang simbolo ng kawalan ng boses at kapangyarihan ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol upang ipahayag ang kanilang hapis. Ang kanyang kuwento ay pumupukaw ng awa at nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pagkakaroon ng boses sa lipunan.



🎭 Kilalanin natin si Kabesang Tales!Sino si Kabesang Tales?-Si Kabesang Tales ay isang kilala sa pagiging masipag at mat...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Kabesang Tales!

Sino si Kabesang Tales?
-Si Kabesang Tales ay isang kilala sa pagiging masipag at matiisin ng mga Pilipino. Siya ay isang magsasaka na naging cabeza de barangay, ngunit labis na naghirap dahil sa pang-aapi at arbitraryong pagtataas ng buwis ng mga makapangyarihang prayle sa kanyang lupain. Dahil sa kawalan ng katarungan, napilitan siyang magrebelde at sumapi sa mga tulisan upang ipaglaban ang kanyang karapatan.

Bakit siya ang aking napili na karakter?
-Pinili ko siya dahil ang kanyang kuwento ay nagpapakita ng totoong mukha ng inhustisya at kawalan ng katarungan sa lipunan na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Kahanga-hanga ang kanyang determinasyon na ipaglaban ang kanyang pamilya at ang lupang kanyang pinaghirapan laban sa mga mapang-abuso. Ang kanyang transpormasyon mula sa isang tahimik na mamamayan tungo sa isang rebelde ay nagbibigay ng malalim na aral tungkol sa epekto ng pang-aalipusta sa dangal ng isang tao.



🎭 Kilalanin natin si Padre Irene!Sino si Padre Irene?- Siya ay isang paring kumakatawan sa impluwensiya at kapangyarihan...
07/09/2026

🎭 Kilalanin natin si Padre Irene!

Sino si Padre Irene?
- Siya ay isang paring kumakatawan sa impluwensiya at kapangyarihan ng mga prayle. Kilala siya sa pagiging maingat, tuso, at mapagkumbaba sa panlabas, ngunit ginagamit ang kanyang posisyon upang mapanatili ang kanilang interes at kapangyarihan.


Bakit siya ang aking napili na karakter?
Pinili ko siya dahil sa gitna ng katiwalian at pang-aabuso ng ibang mga prayle sa nobela ni Rizal, siya ang naging patunay na may pari pa rin na may puso at may paninindigan. Hindi maingay si Padre Irene. Hindi siya nagrerebelde. Pero sa tahimik niyang paraan, ipinakita niya ang tunay na paglilingkod - yung nagmamalasakit sa tao at lumalaban para sa tama. Para sa akin, si Padre Irene ang paalala na ang tunay na tapang ay hindi palaging malakas ang boses. Minsan, nasa tahimik na paggawa ng tama.



Address

Cagayan De Oro
9000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when X-Dewy El Filibusterismo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category