25/02/2026
Sa pamilyang walang ate na magsisilbing gabay,
⠀⠀⠀⠀⠀⠀Ako ang naging kamay na sa lahat ay aalalay.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀Hindi man ako ang nauna, ako naman ang panangga,
⠀⠀⠀⠀⠀⠀Sumasalo sa unos, kahit ako mismo ay basa na.
⠀⠀⠀⠀⠀⠀Ang pagiging gitna ay hindi lang isang posisyon,
⠀⠀⠀⠀⠀⠀Ito ay habambuhay na obligasyon at dedikasyon.