Sugat at Salita

Sugat at Salita Isulat ang sakit, upang unti-unting mawala at maghilom.

- Marvin Balaston

Sa unang hakbang ng bagong taon,bitbit ko ang planong may baong panahon.Di man malinaw ang aking daan,ramdam ko pa rin n...
01/01/2026

Sa unang hakbang ng bagong taon,
bitbit ko ang planong may baong panahon.
Di man malinaw ang aking daan,
ramdam ko pa rin na may patutunguhan.

May mga pangarap na minsang nasaktan,
may mga tanong na di ko nasagot kailanman.
May mga pangakong aking binitiwan,
para matutong muli kung paano huminga nang dahan-dahan.

Di man sinunod ng buhay ang aking plano,
pinili ko pa ring magtiwala at umasa sa Iyo.
Dahil ang bawat pagkatalo at sakit,
alam kong pahinga lang, hindi wakas ng lahat.

Sa mga dasal na aking ibinulong,
Ikaw ang liwanag sa gabing madilim noon.
Sa bawat luha na tahimik na tumulo,
Salamat Panginoon, dahil hindi mo ako iniwan kahit saglit man lang.

Darating ang araw, gagaan din ang bigat,
ang mga sugat ay magiging aral agad.
Salamat sa lakas, sa pag-asang binigay,
ang paniniwala’y bumalik—mas payapa, mas tunay.

- Sugat at Salita

Parang ang hirap huminga minsan, ‘no?Parang bawat hakbang, mas bumibigat imbes na gumaan.At doon tayo natutulala,kung da...
07/12/2025

Parang ang hirap huminga minsan, ‘no?
Parang bawat hakbang, mas bumibigat imbes na gumaan.
At doon tayo natutulala,
kung dapat pa bang ipaglaban—
pangarap man ‘yon, tao,
o sarili nating pag-asa.

Nakakatawa minsan,
dahil ‘yong bagay na ipinagdarasal natin nang buong puso,
siya pa palang magtutulak sa atin sa pinakamatinding pagsubok.
Pero paano kung hindi ito parusa,
kundi preparasyon?
Paano kung sinusukat lang ng Panginoon
kung kaya na ba nating panghawakan
‘yong biyayang matagal na niyang hinahanda para sa’tin?

Baka kaya ka napapagod,
hindi dahil mahina ka—
kundi dahil pinalalakas ka.
Baka kaya ka nahihirapan,
dahil tinuturuan kang tumibay bago dumating ang sagot.
Kaya sana,
huwag mong bitawan ang pangarap na nagbibigay liwanag sa’yo.
Huwag mong talikuran ang taong nagbibigay inspirasyon,
at lalo na—huwag mong sabihing hindi ka sapat.

Lumaban ka pa.
Dahil mas masakit ang “sana” kaysa sa pagkatalo.
Mas mabigat ang pagsuko kaysa sa pagod.
Darating din ‘yan,
sa oras na inilaan para sa’yo.
Ipanalangin natin palagi—
na kung hindi man ito para sa atin,
nawa’y alisin ng Panginoon nang marahan,
lalo na kung bigat na lang ang naidudulot.

Hangga’t may panalangin, may laban.
At hangga’t may laban, may pag-asa 💛

- Sugat at Salita

Alam mo, hindi ka nagkulang, hindi mo naman kailangang magsakripisyo ng sobra, walang mali sa bawat hakbang.Wala ka ring...
21/09/2025

Alam mo, hindi ka nagkulang, hindi mo naman kailangang magsakripisyo ng sobra, walang mali sa bawat hakbang.
Wala ka ring kasalanan sa mga sandaling nadapa—
minsan talaga, ang buhay ay ganun.
Pero ikaw, patuloy lang, patuloy maglakad.

Wala ka ring pagkukulang sa mga pangarap na
sinubukan mong buuin— dahil ginawa mo lahat.
Bawat hakbang, bawat sipag, bawat hirap, lahat ng iyon ay laman ng iyong pusong tapat. Pero, paano nga ba kasi, hindi mo ba natanong sa sarili mo kung paano magpahinga?, Kung paano muling makabangon kahit wala nang lakas na natitira?

Alam ko, ang pakiramdam ng pagod, yung kahit tapos na ang laban, hindi pa rin makaalis sa kakaisip. Pero heto ka pa, kahit napagod, nagdala ka pa rin ng mga pangarap na minsang nagbigay sigla sa iyo.
Hindi ka nagkulang— napagod ka lang.

Sana makita mo, sa kabila ng lahat, na kaya mong huminga ulit.
Kaya mong magpahinga.
Hindi mo kailangang maging perpekto para mapansin ng mundo,
kahit sandali lang, paos na ang iyong katawan, pero hindi ang iyong puso.

Hindi ka nagkulang. Napagod ka lang,
at minsan, okay lang magpahinga.

- Sugat at Salita

15/09/2025

Tutuparin ko pa rin yung mga pangarap natin, kahit mag-isa nalang ako,
Kahit minsan, parang ang bigat na ng mga hakbang, hindi ko kaya, pero patuloy pa rin ako.
Naalala ko yung mga plano natin, mga pangarap na pareho nating binuo,
Ngayon, ako na lang mag-isa, pero hindi ko kayang kalimutan ang mga 'to.

Alam ko, hindi madali, at may mga araw na gusto ko nang sumuko,
Pero naaalala ko 'yung mga sinabi mo—'Tuloy lang, kaya mo!' kaya tuloy pa rin ako.
Bawat hakbang, kahit mabigat, kahit mahirap, 'di ko na bibitawan,
Dahil sa dulo ng lahat ng ito, alam kong makakamtan ko rin ang mga pangarap natin, kahit mag-isa lang

- Sugat at Salita

06/09/2025

Nakakatakot, di ba? Masanay sa di mo nakasanayan.
Parang lumalakad sa alon, walang kasiguraduhan.
Pinipilit ang sarili, “Kaya mo ‘to, sige lang.”
Pero bakit parang may kulang? Bakit parang mali pa rin nang hakbang?

Minsan napapaisip, "Ito ba talaga ako?"
O baka naman naligaw lang ako sa mga gusto ng mundo.
Nakakatakot masanay sa hindi mo nakasanayan,
Parang suot mong damit na hindi mo gusto ang kulay,
Pero sinusuot mo pa rin kasi sabi nila, bagay.

“Hoy, sarili, ano na? Masaya ka pa ba?”
Tanong ko sa salamin, pero walang sumasagot sa kabila.
Tinitingnan ko ang mata, may kirot na hindi maipaliwanag,
Parang pilit kong ginagampanan ang isang papel na salungat.

Pero teka, kailan pa naging tama ang magpanggap?
Kailan pa naging sagot ang takot na nagpapahamak?
Baka naman ang hinahanap ko ay nasa akin na,
Ang sariling ako, ‘yung totoo, hindi ‘yung binabago nila.

Kaya, sige, huminga ka. Pero minsan tanggapin,
Na hindi lahat ng laban ay may liwanag sa dilim.
At kung magkamali ka man, baka ‘di mo na mahanap ang daan.
Ang totoo, minsan, kahit sarili mo’y hindi mo rin kayang yakapin sa dulo ng kwentong walang kasiguraduhan.

- Sugat at Salita

03/08/2025

Alam ko, hindi madali, yung nararamdaman mo,
Yung parang paulit-ulit, hindi ka makalabas sa hirap na 'to.
Pero hindi ba't sa buhay, ganun talaga?
Minsan pataas, minsan pababa, parang gulong ng tadhana.

Akala mo ba'y tapos na, hindi na aabot sa dulo?
Pero tingnan mo, kahit saglit, may mga bagong pagkakataon na dumaan sa iyo.
Oo, mahirap magpatuloy, lalo na kung puso’y sugatan,
Pero tandaan mo, ang sugat ay natututo, hindi palaging masakit.

Hindi naman lahat ng laban, panalo ka agad,
Pero sa bawat pagkatalo, natututo kang bumangon, kahit na mabigat.
Ang buhay ay parang agos, minsan mabilis, minsan mabagal,
Kailangan lang magtiwala, at kahit malungkot, magpatuloy sa paglalakad.

Kahit ang puso mo'y naguguluhan, may pag-asa pa,
Laging may pagkakataon para muling magsimula.
Kaya kahit mahirap, ituloy mo lang, wag magpatalo,
Sa bawat hakbang, magiging mas malakas ka, tiyak, matututo ka.

Pag-usad, hindi kailangang magmadali,
Ang mahalaga, bawat hakbang ay may kabuluhan, kahit dahan-dahan lang.
Huwag mong kalimutan, sa bawat pagdapa, may pagkakataon para tumayo,
At sa bawat pag-usad, makikita mong unti-unting magbabalik ang saya mo.

- Sugat at Salita

Ma, Pa, pagod na po anak n'yo, Laban sa buhay, tila wala nang bago. Gustong sumuko, lumuha't huminto, Hindi ko na po ala...
23/07/2025

Ma, Pa, pagod na po anak n'yo, Laban sa buhay, tila wala nang bago. Gustong sumuko, lumuha't huminto, Hindi ko na po alam kung may patutunguhan pa 'to.

Nawala na naman ako. Wala na namang lakas na magpatuloy. Lahat ng bagay, parang hindi ko na kayang hawakan, at kahit ano...
02/06/2025

Nawala na naman ako. Wala na namang lakas na magpatuloy. Lahat ng bagay, parang hindi ko na kayang hawakan, at kahit anong gawin, unti-unting sinusukuan.

Ang utak ko'y puno ng kabiguan, mga saloobin, nagsisiksikan, nag-aalitan. Lahat ng ito'y naiipon, hanggang sa hindi ko na kayanin. At hindi ko na kayang magsalita, kahit na gusto ko sanang magpakita.

Walang gana, walang sigla, parang lahat ng nangyayari sa paligid, hindi ko na nararamdaman. Tinutulak ko ang sarili ko palayo, kahit sa mga taong alam kong nariyan na laging nag-aalok.

Parang ang hirap huminga. Ang bawat araw, tila isang bigat na iniiwasan ko. Lahat ng emosyon, tinatago sa loob, at habang tumatagal, lalong hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Minsan, gusto ko na lang sumuko, pero hindi ko alam kung paano. Kasi hindi ko alam kung saan magsisimula, at hindi ko alam kung may dahilan pa ba.

Nawala na naman ako, pero sana, may pagkakataon pang muling makahanap ng daan. Sana balang araw, muling magising at malaman na hindi ko pala kailangang magtago nang mag-isa.

Sugat at Salita

Nakakapagod no?Ikaw ung tao na laging nandyan pag may problema silaIkaw ung tao na ang galing magpasayaIkaw ung tao na l...
22/04/2025

Nakakapagod no?

Ikaw ung tao na laging nandyan pag may problema sila
Ikaw ung tao na ang galing magpasaya
Ikaw ung tao na laging may oras para sa iba
Ikaw ung tao na kahit meron dapat gawin, nagagawa mo parin unahin sila

Nandyan para suportahan sila
Nandyan para sabihin na okay lang yan
Nandyan para sabihing kaya mo yan
Nandyan para para ipaalala na malalampasan mo din yan

Pero ikaw din ung tao na walang gagawa ng ganung bagay na ginagawa mo sa iba
Walang nagsasabi na kamusta ka na ba
Ginagawa mo lang yung mag isa
Bitbit ang sariling bigat na dala

Kasi ang akala nila okay ka
Ang saya mong kasama, ang dami mong kwento at kalokohan
Ang daming nasasabi na tila ba alam na alam mo na ang buhay
Isa ka sa mga taong nakakapagbigay ng kulay

Pero sa likod ng mga ngiti, nakatago ang luha
Sumisigaw ung isang ikaw, humingi ng tulong pero walang nakakarinig, walang nakakakita
Humihiling na sana merong umalalay
Dahil madalas ikaw lng din ang sumasagot ng lahat ng tanong mo sa buhay

Pero hanga ako sayo!
Hindi ka nagsasawang gumising at tumayo
Nakakaramdam ng pagsuko pero nalalaban mo araw araw
Ang galing mo dun! tuloy tuloy lang ang buhay

Nakakalungkot sa totoo lang ang mapunta sa ganitong posisyon
pero sana wag tayong lilihis sa maling direksyon
laban lang kahit alam nating mahirap at masakit
patuloy tayong masusugatan ang mag hihilom ng paulit ulit

ganito ka din ba?

- Sugat at Salita

Habang lumilipas ang araw, hindi ko maintindihan,Akala ko’y okay lang ako, pero hindi pala.Tama ba ang desisyon o dapat ...
21/04/2025

Habang lumilipas ang araw, hindi ko maintindihan,
Akala ko’y okay lang ako, pero hindi pala.
Tama ba ang desisyon o dapat hinayaan na lang?
Nagpahayag ako, pero magkaibang nararamdaman namin.

Tanggap ko, oo, pero masakit pa rin at nakakalungkot.
Kasama ng bawat hakbang, may panghihinayang na sana...
Bawat pag-pikit, ang daming naiisip,
At sa bawat muling pag-gising, hiling na sana’y panigip.

Kahit pilit ko mang tanggapin, may puwang pa ring nasaktan,
Na kahit sabihing “okay lang,” hindi pala, pero kakayanin naman.
Kalaban nanaman ang sarili,
Hanggang kailan ko ba itatago ang luhang hindi maipaliwanag sa sarili

- Sugat at Salita

Hihintayin kita, sa paglipas ng oras,Hindi ko nais na magbigay pa ng pasakit sa'yong puso.Kahit sa pag-aalalang walang h...
09/04/2025

Hihintayin kita, sa paglipas ng oras,
Hindi ko nais na magbigay pa ng pasakit sa'yong puso.
Kahit sa pag-aalalang walang hanggan,
Ang nais ko’y ikaw, sa tamang panahon, maghilom.

Ayaw ko ng maging dagdag pa ng bigat sa isipan,
Lalo na’t ikaw, may mga laban pang pinagdadaanan.
Puwede ko bang hintayin ang tamang sandali?
Na ikaw ay makabangon at gumaan ang pakiramdaman, ng hindi nagmamadali.

Kapag ang mundo mo’y muling kumalma,
Sana'y wala pang ibang mauna
Sana, sa tamang oras, sanay maipakita
At mabigyan ng pagkakataong magpahayag ng nararamdaman.

Dahil hindi ko nais maging sanhi ng takot o alinlangan,
Gusto ko lang maging bahagi ng iyong paghilom,
At maghintay, kahit gaano katagal,
Hanggang ang puso mo'y handa na’t magaan na.

- Sugat at Salita

Sa bawat hakbang na nagmamadali,Pakiramdam mo’y mundo'y nagmamatigas,Bawat araw na puno ng alalahanin,Isang tanong na 'd...
03/04/2025

Sa bawat hakbang na nagmamadali,
Pakiramdam mo’y mundo'y nagmamatigas,
Bawat araw na puno ng alalahanin,
Isang tanong na 'di pa natutugunan—"Kailan?"

Huwag magmadali, sapagkat may panahon,
Lahat ng bagay ay may tamang hakbang,
Ang hangarin mo’y mararating din,
Huwag mawala sa tamang landas ng iyong pagnanasa.

Bawat pagsubok, may dalang aral,
Ang buhay ay hindi laging madali,
Pero sa gitna ng ulan at pagdapo ng bagyo,
Makikita mo rin ang araw na magbibigay liwanag sa 'yo.

Wag itulak ang sarili, ang pangarap ay darating,
Sa tamang oras, sa tamang pagkakataon,
Ang Diyos ay kasama sa bawat hakbang,
Kaya't magtiwala, 'wag mawalan ng pag-asa’t lakas.

Tulad ng bulaklak na dahan-dahang sumisibol,
Ang iyong tagumpay ay darating din,
Sa bawat araw ng pagpupursigi at paglaban,
Bibilangin mo rin ang tagumpay na maliliit,
Hanggang ito'y maghuhubog ng iyong lakas.

Hindi mo kailangang magmadali,
Ang bawat hakbang ay may kahulugan,
Sundin mo lang ang tamang takbo ng buhay,
At sa huli, makakamtan mo ang iyong layunin—ng buo, ng masaya.

- Sugat at Salita

Address

Cabuyao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sugat at Salita posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category