19/09/2023
Mundong Nakakapagod
By: Maine529
Utak ay nalilito at puso ay nangangamba
Tinatanong kung saan mag sisimula
Habang iniisip kung ito ba ay tama?
Para bang hirap abutin Ang mga pangarap natin
Araw-araw nakatulala
Utak ay pagod at gusto nang makawala
Katawan ay gusto nang pahinga
Dinadarasal sanay matapos na
Luha ay di na pumapatak ngunit ramdam parin Ang pusong nawasak
Puno nang kirot ngunit pilit parin tinatago
Ito ba ang tinatawag nila na Mundo?
Puno nang pagka bigo at pagkalito
Bakit umabot nang ganito?
Kailan kaya ito matatapos?
O hintayin nalang na ako Ang matapos
Sa ngayon mahigpit na yakap para sa taong pagod na.