05/02/2026
Malinaw na sa akin lahat
na hindi ako,
hindi naging ako,
at lalong hindi magiging ako.
Malinaw sa akin na hindi pwedeng "tayo"
Masakit man isipin pero dapat tanggapin,
Alam kong minahal kita, pero bakit masakit?
Wala akong naitira kahit kaunti para sa akin.
Ganoon ba talaga pag nagmamahal ka?
Dapat masaktan para lang masabing totoo ka?
Na totoo ka sa iyong nadarama at
Hindi kuro-kuro sa paningin ng iba?
Ngayon na malinaw na sa akin
na minahal nga kita,
Malinaw na sa aking mata na
minsan ikaw ang sinisinta.
Malinaw na rin sa akin na hindi na pwedeng ipilit pa
Na binitawan mo na ang aking kamay, sinta
Na ako lang ang nagmahal sa ating dalawa.
Kaya ngayon, bibitawan ko na ang alaalang ikaw pa ang aking kasama.
Buburahin ko na at ako'y lilisan na,
dahil ang natitirang pagmamahal ay unti-unti nang nawawala. Nalimutan ko na, at muling lilimutin pa.
Mas maiging ako'y mag-isa, upang 'di na masaktan pa.
- carbon;)