Lhinette Coro

Lhinette Coro "TARA, AWIT TAYO PARA KAY LORD"

12/10/2026

October 12
Feast of Saint Carlo Acutis

OFFICIAL PRAYER TO ST. CARLO ACUTIS

Carlo, smile of heaven for this wounded and peaceless world, we praise God for your simple, joyful and holy life.
You accepted with trust to be stripped of your youth to dedicate yourself in heaven, with Jesus and Mary, to a mission of boundless love. Resting with your mortal body where Francis of Assisi stripped himself of every earthly good, you cry out with him to the world that Jesus is all our joy.

Young man, full of dreams, attracted by nature, by sports, by the internet, but even more enraptured by the miracle of Jesus truly present in the Sacred Host, help us to believe that He is there alive and true, the mystical "highway" that leads to heaven, and teach us to contemplate Him with Mary, in the mysteries of the Holy Rosary.
Explain to us, Carlo, that, beyond every fashion, only Jesus, by uniting ourselves to Him, makes us "originals and not photocopies," truly free. Grant us know how to meet Him in every creature, but especially in the poor, so that humanity may be more just and fraternal, rich in beauty and hope, to the glory of the Father, the Son, and the Holy Spirit. Amen.

Imprimatur + Domenico Sorrentino
Bishop of Assisi - Nocera Umbra - Gualdo Tadino and of Foligno

🎶🙏 16TH ANNIVERSARY | LHINETTE CHOIR 🙏🎶✨ Sunday Service with God ✨✨Mahal na Nino Jesus ng Lhinette ✨✨St. Dominic Chapel✨...
11/10/2026

🎶🙏 16TH ANNIVERSARY | LHINETTE CHOIR 🙏🎶

✨ Sunday Service with God ✨

✨Mahal na Nino Jesus ng Lhinette ✨
✨St. Dominic Chapel✨

Labing-anim na taon ng paglilingkod, pagkakaisa, at paninindigan sa pananampalataya. Patuloy nating ialay ang ating mga tinig sa pagpupuri at paglilingkod sa Panginoon. ❤️🎶

Sa bawat awit, nawa'y manatiling si Hesus ang sentro ng ating paglilingkod at ang Diyos ang laging papurihan.

Happy 16th Anniversary, Lhinette Choir! 🎉🤍💛

“Sing to the Lord a new song; sing to the Lord, all the earth.” — Psalm 96:1 ✝️

16 Years of Faith, Music, and Service to God! 🙌🎵

🎉🎶 HAPPY 16TH ANNIVERSARY, LHINETTE CHOIR! 🎶🎉🤍💛 “Labing Anim na Taong Paninindigan sa Pananampalataya” 🤍💛Isang mapagpala...
10/10/2026

🎉🎶 HAPPY 16TH ANNIVERSARY, LHINETTE CHOIR! 🎶🎉

🤍💛 “Labing Anim na Taong Paninindigan sa Pananampalataya” 🤍💛

Isang mapagpalang pagbati sa ating minamahal na Lhinette Choir sa pagdiriwang ng ika-16 na taon ng paglilingkod sa Diyos sa pamamagitan ng musika at pag-awit. 🙏🎶

Sa loob ng labing-anim na taon, patuloy nating pinatunayan na ang paglilingkod sa pamamagitan ng pag-awit ay hindi lamang talento, kundi isang bokasyon at pagpapahayag ng pagmamahal sa Panginoon. Sa bawat himig, awit, at pag-aalay ng ating tinig, nawa'y manatili tayong nagkakaisa sa iisang layunin—ang magbigay-luwalhati sa Diyos.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ating paglalakbay—sa mga dating miyembro, kasalukuyang miyembro, mga tagasuporta, at sa lahat ng patuloy na gumagabay sa ating ministeryo.

Nawa'y patuloy tayong maging instrumento ng pag-ibig, pag-asa, at pananampalataya sa ating Simbahan at komunidad. ❤️

16 Years of Faith, Music, and Service to God! 🎼✨

🙏 “Umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit; umawit kayo sa Panginoon, buong daigdig!” — Awit 96:1

Muli, Maligayang Ika-16 na Anibersaryo, Lhinette Choir! 🥳🤍💛

Soli Deo Gloria — Sa Diyos ang lahat ng papuri at kaluwalhatian! 🙌





03/10/2026

😇 H😇LYWEEN PARTY 2026 🎃
📍 @ Lhinette Chapel Atrium
📅 October 31, 2026

🍬 TRICK OR TREAT PRE-REGISTRATION 🍬

Sa mga nais makiisa sa Trick or Treat, magkakaroon po tayo ng PRE-REGISTRATION sa:

📅 October 10–24, 2026
🕑 2:00 PM – 5:00 PM

📌 PAALALA SA MGA MAGPAPAREHISTRO:
• Kailangan po na alam na ninyo kung anong Santo o Santa ang inyong gagayahin.
• Santo/Santa lamang po ang maaaring gawing costume.
• Layunin po natin na maging masaya at makahulugan ang ating pagdiriwang habang ipinapakita ang buhay at halimbawa ng mga banal.

🚫 MGA BAWAL SA HOLYWEEN:

❌ Nakakatakot o horror na costume
❌ Fairy costume
❌ Disney Princess costume
❌ Iba pang costume na hindi kumakatawan sa isang Santo o Santa

🙏 Makiisa, magpakabanal, at magsaya!
🎃😇 Let us celebrate holiness in a joyful and creative way!

See you at the H😇LYWEEN PARTY 2026! 🎉

🌹 MALIGAYANG KAARAWAN, MAHAL NA BIRHEN MARIA! 🌹Ngayong Setyembre 8, ating ipinagdiriwang ang Kapanganakan ng Mahal na Bi...
08/09/2026

🌹 MALIGAYANG KAARAWAN, MAHAL NA BIRHEN MARIA! 🌹

Ngayong Setyembre 8, ating ipinagdiriwang ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, ang Ina ni Hesus at ating Ina.

Sa espesyal na araw na ito, magpasalamat tayo sa Diyos sa buhay ni Maria—isang huwaran ng pananampalataya, kababaang-loob, pagsunod at pagmamahal.

📖 “Mapalad kang sumampalataya, sapagkat matutupad ang mga ipinangako sa iyo ng Panginoon.”
— Lucas 1:45

🙏 Mahal na Birheng Maria, ipanalangin mo kami at akayin mo kami palapit sa iyong Anak na si Hesus.

🌹 Maligayang Kaarawan, Mama Mary!
Ave Maria! 🙏💙



10/08/2026

HINDI LAHAT NG NAGLILINGKOD SA SIMBAHAN AY HANDA NANG MAGLINGKOD SA MINISTRY.

Ang ministry ay hindi lamang tungkol sa talento, magandang boses, husay, o tagal ng pananatili sa simbahan. Higit sa lahat, ito ay tungkol sa puso.

Kung ikaw ay madaling magtampo kapag hindi nasunod ang gusto mo, nasasaktan kapag napagsabihan, nagagalit kapag hindi napansin, o umaalis kapag hindi ka napagbigyan—marahil kailangan mo munang matutong umunawa bago maglingkod.

Sapagkat sa ministry, hindi palaging ikaw ang tama. Hindi palaging ikaw ang mapipili. Hindi palaging ikaw ang papaboran. At hindi lahat ng salita o puna ay pag-atake sa iyong pagkatao.

Ang tunay na paglilingkod ay sinusubok hindi lamang kapag masaya ka, kundi lalo na kapag nasasaktan ang iyong damdamin.

Matutong magpakumbaba. Matutong tumanggap ng puna. Matutong magpatawad. Matutong manatili kahit hindi ka napapansin.

Dahil ang ministry ay hindi entablado para sa sariling pangalan—ito ay altar ng paglilingkod para sa Diyos.

Kung ang dahilan ng paglilingkod mo ay ang pagkilala ng tao, madali kang susuko kapag hindi ka napansin.

Ngunit kung ang dahilan mo ay ang Diyos, matututo kang maglingkod kahit walang palakpak, walang papuri, at walang nakakakita.

Sapagkat ang tunay na lingkod ay hindi nasusukat sa kung gaano siya katagal sa ministry, kundi sa kung gaano kalalim ang kanyang pagpapakumbaba habang siya ay naglilingkod. 🙏



09/08/2026
24/05/2026
Paalam at Pasasalamat sa Iyong PaglilingkodNgayon ay pansamantala kaming nagpapaalam sa aming kapatid sa paglilingkod. S...
23/05/2026

Paalam at Pasasalamat sa Iyong Paglilingkod

Ngayon ay pansamantala kaming nagpapaalam sa aming kapatid sa paglilingkod. Sa pagharap mo sa panibagong yugto ng iyong buhay, buong puso naming ipinagdarasal ang iyong pagpasok sa bokasyon ng pagpapari.

Maraming salamat sa pitong taong tapat at masigasig mong paglilingkod bilang Altar Server sa ating chapel at sa ating parokya. Ang iyong dedikasyon, pananampalataya, at pagmamahal sa paglilingkod ay naging inspirasyon sa marami.

Nawa’y patuloy kang gabayan, pagpalain, at patnubayan ng ating Mahal na Poong Niño Hesus sa landas na iyong tatahakin. Dalangin namin ang iyong tagumpay at katatagan sa pagtugon sa tawag ng Panginoon.

Hindi ito ang huli, kundi simula ng panibagong ikaw at ng mas malalim pang paglilingkod para sa Diyos at sa Kanyang Simbahan.

Maraming salamat at pagpalain ka nawa ng Panginoon.

Address

Lhinette Homes, Saog, Marilao
Bulacan
3019

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lhinette Coro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category