Gipatik

Gipatik Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gipatik, Art, Publacion, Cogon, .

Ang pages na ito ay naglalayon na ibahagi ang personal na saloobin, damdamin , reaksyon, at interpretasyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga tula/balak tungkol sa pangyayari sa buhay, kalikasan, kapaligiran at lipunang ginagalawan.

Ang tula na ito ay para kay G. Cereno Vincent sana magustuhan mo po. Salamat
17/07/2026

Ang tula na ito ay para kay G. Cereno Vincent sana magustuhan mo po. Salamat

PANATIKONG LINGKOD-KABANNakalilito ang mga pangyayari sa ating bansa ngayonMga taong representante ang tawag ginagamit a...
15/05/2026

PANATIKONG LINGKOD-KABAN

Nakalilito ang mga pangyayari sa ating bansa ngayon
Mga taong representante ang tawag ginagamit ang posisyon
Kahit malayo pa ramdam na ang init ng eleksiyon
Trabaho o negosyo nasaan na ang yaong pasyon
Ungkatan ng mga masasangsang na baho
Nagsisibuhatan ng mga sariling bangko
Nakikisawsaw sa sikat na mga isyu
Napakaaga naman ng iyong pagpaplano?
Gusto tiyakin na malilibre ang patalastas sa tv at radyo.
Parang ewan o ewan ko
Nag-away-away ang maginoong tungulore sa plenaryo
Di raw na bigay ang kanyang parte ng buo
Kinuwenta na raw kung magkano ang porsiyento
Sa proyektong sila ang nagbibigay ng pundo
Kabahagi pa naman, kaya umiinit ang ulo
Akalain mo, nagtatahol na ang propesyonal na mga a*o
Nagnasisitayuan na ang ang mga galit na trapo.
Kaya di na ako nanonood ng sine sa malayo
Kasi nakatutok ako sa mga nagbabalat-kayo
May nagpapaawa na parang kuting na nabasa
Ang isa naiyak-iyak na daw kahit wala namang luha
May pasigaw-sigaw pang nalalaman
Naaawa na raw siya sa ating inang bayan
Nandarambong naman sa pera ng kaban.
Linta sa lipunan kumakapit sa mga magagatasan
Lumalapit sa may malalaking datunggan
Nakikiuso sa malakas sa taong bayan
Sarili at posisyon hangad ng taong may tinatakpan
Ginagawang silungan ng mga mandarambong ang pamahalaan
Taguan kung baga, ang sabi ni Juan.
Di ko naman nilalahat
Ang masasaktan lang yaong tunay na pakalat-kalat
Yong may halalan parang kidlat
Abot langit ang saad na pangarap
Winika'y parang butuin nagnining sa itaas ng ulap
Parang maamong tupa kung lumingap
Pag nanalo na di na mahagilap
Kaya mga kababayan ibayong pag-iingat.

MOT
15 Mayo 2026

MGA PAYASONG NAKABARONGAng hinahangaan kong lingkod-bayanna akala ko nadala na sa kailalimandahil sa ilang buwan na kata...
15/05/2026

MGA PAYASONG NAKABARONG

Ang hinahangaan kong lingkod-bayan
na akala ko nadala na sa kailaliman
dahil sa ilang buwan na katahimikan
sa mga isyung inidawit ang kanyang pangalan.

Tapos na ang mahal na araw
ngunit tuloy pa rin ang paghuhugas-kamay
akalain mong pelikulang pang internasyonal
parang nagwaging aktor na may dalang parangal.

Itinatanggi na ang mga paratang na nakawan
dahil hindi lang daw siya ang may hawak ng kaban
may kamay pa raw na nagmamando sa mga galawan
na isasama niya sa pagbagsak pagkaalaman.

Gusto niya ngang magpagamot sa labas ng inang bayan
dahil may sakit siyang iniinda at nararamdaman
sabihan kaya natin siya na dito nalang
may mga beterinaryong espisyalistang makakagamot sa katulad niyang nilalang.

Natakot naman ang bantay-a*o
nakakaamoy ng baho ng isa niyang itinuring na amo
tumatahol-tahol na sa lahat ng dako at espasyo
nakakalit o natatakot na magkaalama't mabulyaya*o.

Hinanap ko ngayon sa sosyal medya
ang babaeng alakdan na itinago ang asawa
yaong pumupuri noong nasa altar pa
ang buwayang nagpapaulan ng limpak-limpak na pera.

Para wala naman ipanalabas na reaksiyon
ang plakang paulit-ulit na pinatugtog sa mansyon
yaong ipinagmamalaki ang may ari na mga Don!
na pinapaswelduhan ng mga tinatawag nilang patay gutom.

Kaya antay-antay tayo sa susunod na eksina
kung ano ba ang pagbabagong ipapakita
nga mga propesyonal na paya*ong artista
na nagpapatakbo sa set ng buong bansa.

MOT
21 Abril 2026

Address

Publacion, Cogon

6010

Telephone

+639057775838

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gipatik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Gipatik:

Shortcuts

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share