Ligiran 2026

Ligiran 2026 LIGIRAN 2026

OPISYAL NA MENSAHE NG PASASALAMAT Mula sa Pamunuan ng Hermandad ng Ligiran 2026Sa ngalan ng lahat ng bumubuo ng Hermanda...
10/07/2026

OPISYAL NA MENSAHE NG PASASALAMAT
Mula sa Pamunuan ng Hermandad ng Ligiran 2026

Sa ngalan ng lahat ng bumubuo ng Hermandad 2026, sa pangunguna ng aming Hermano Michael V. Dinglasan at Hermana Yssai E. Dinglasan, kami po ay taos-pusong nagpupugay at nagpapasalamat sa ating P**ng Maykapal at sa Mahal na P**n ng Krus sa Wawa sa Kanyang walang hanggang biyaya at paggabay na naging daan upang maging ligtas, maayos, at matagumpay ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na P**n ng Krus sa Wawa – Ligiran 2026.

Ang tagumpay ng ating pagdiriwang ay bunga ng sama-samang pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal ng ating buong pamayanan. Ang bawat panalangin, sakripisyo, oras, at tulong na inialay ng ating mga deboto, mga lingkod ng simbahan, mga volunteers, mga sponsors, mga opisyal ng pamahalaan, mga katuwang na organisasyon, at ng bawat mamamayan ay naging mahalagang bahagi ng isang pagdiriwang na tunay na nagbigay-luwalhati sa ating Mahal na P**n ng Krus sa Wawa.

Sa lahat ng naging bahagi ng Ligiran 2026, mula sa kaibuturan ng aming puso, maraming salamat po. Ang inyong suporta at pakikipag-tutulungan ang nagsilbing lakas ng buong Hermandad upang maisakatuparan ang isang makabuluhan at matagumpay na pagdiriwang na mananatiling bahagi ng ating kasaysayan at pananampalataya.

Nawa’y patuloy tayong pagpalain ng Mahal na P**n ng Krus sa Wawa, pag-alabin ang ating pananampalataya, at panatilihin ang diwa ng pagkakaisa at paglilingkod sa ating pamayanan sa mga darating pang taon. Muli, taos-puso po kaming nagpapasalamat.

Mabuhay ang ating pananampalataya, mabuhay ang ating pamayanan, mabuhay ang Ligiran 2026 at Mabuhay ang Mahal na P**n ng Krus sa Wawa!

Malaking pasasalamat po sa mga sumusunod!

Hon. Congressman Mark Cholo Violago
Hon. Congresswoman Agatha Paula “Agay” Cruz
Hon. Mayor Eduardo “Jon-Jon” Villanueva
Hon. Mayor Bartolome “Omeng” Ramos
Hon. Councilor (ex-officio) Miguel Iñigo Dinglasan
Hon. Councilor Jam Mendoza
Hon. Councilor Jerome “Apen” Dela Cruz
Hon. Brgy. Captain Marianito “Toto” Reyes
Hon. Brgy. Captain Alfredo S. Quiambao
Hon. Brgy. Captain Ferdinand Mariano M. Gueverra
Hon. Brgy. Captain Faustino M. Dela Cruz
G. Bailey Lee
Pamilya Dinglasan
Gng. Linda Santiago-Cruz at Pamilya
Engr. Deo Angeles at Pamilya
G. Arnold Ambi at Pamilya
Engr. Eddie & Engr. Celeste Santos at Pamilya
PNP Bocaue sa pangunguna ni Lieutenant Colonel Gilbert C. Diaz
Bocaue MDRRMO
Santa Maria MDRRO
Bocaue Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni FSINSP Dionisio Punhagban
Marilao Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni SINSP Mark Anthony Marquez
San Rafael Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni FINSP Ervin Agustin
Barangay Binang 1st Fire Protection Unit
Barangay Lolomboy Fire Protection Unit
Barangay Duhat Fire Protection Unit
Barangay Turo Fire Protection Unit
LF Fireworks
Halrey Ice & Cold Storage, Inc.
UNAHCO, Inc.
ASA Color & Chemical Industries Inc.
CM Pancho Construction Inc
L.R. Tiqui Builders, Inc.
VOWSHARE - G. Aiman Joseph Semaa
Studio A PhotoGraphics - G. Alvin Dela Cruz
Audio Werks Lights and Sounds - G. Tolitz De Guzman
Flora Mesa Floral Shop - G. Mario De Mesa
JR Balloons and Event Set-up - G. JR Gonzales
Evert Salonga Foam Machines
INDAK Guiguinteño Folkloric Group
Indak Turo Youth Festival Dancers
Kapisanang Banda 98
Sycamore Choir
Turo Zumba Dancers
Gng. Milet Ariola-Llamosa
G. Dhastin Antonio
G. Froilan Tuazon
G. JR Gonzales
G. Ryan De Vera
G. Harold Doi
Gng. Lucy Santiago
Gng. Lina Eustaquio
G. Lance Reyes
G. Cacho Mauricio
G. Arnold Ambi
G. Boy Santiago
G. Ricky Fabian
Bb. Didi Elizalde

Tagapagdiwang ng Banal na Misa

Rdo. Mons. Andres S. Valera, HP, SLL
Rdo. P. Mario Jose C. Ladra
Rdo. P. Joselin L. San Jose
Rdo. P. Aidref Ronquillo
Rdo. P. Joseph Franz T. Dizon
Rdo. P. Jan Brian Samson

Pamunuan ng SPPC – Turo Gitna sa pangunguna ni G. Ariel Dela Roma
Pamunuan ng SPPC – Turo Luwasan sa pangunguna ni Bb. Corazon De Guzman
Pamunuan ng SPPC – Turo Hangga sa pangunguna ni G. Juan Paulo Bautista

Muli, isang taos pusong pasasalamat po.

PABATID SA LAHAT!Opisyal na pahayag mula sa Pamunuan ng Ligiran 2026:
07/07/2026

PABATID SA LAHAT!

Opisyal na pahayag mula sa Pamunuan ng Ligiran 2026:

06/07/2026
PAALALA SA LAHAT!
03/07/2026

PAALALA SA LAHAT!

Paanyaya sa lahat! Ngayong araw po ang araw ng Kapistahan ng ating Mahal na P**n ng Krus sa Wawa. Iniimbitihan po namin ...
03/07/2026

Paanyaya sa lahat!

Ngayong araw po ang araw ng Kapistahan ng ating Mahal na P**n ng Krus sa Wawa.

Iniimbitihan po namin ang lahat na makibahagi sa gaganaping Misa Konselebrasyon ngayong araw sa Our Lady of Rosary of Fatima Chapel - SPPC Turo-Gitna sa Ika-pito at kalahati ng umaga (7:30 AM).

Ang atin pong banal na misa ay pangungunahan nila

Rdo. Mons. Andres S. Valera, HP, SLL
Kura Paroko
Santo Niño Parish
City of Meycauayan

Rdo. P. Joseph Franz T. Dizon
Bikaro Paroko
St. Martin of Tours Parish
Poblacion, Bocaue, Bulacan

Rdo. P. Jan Brian Samson
Prefect of Discipline – Propaedeutic Year
Immaculate Conception Major Seminary
Tabe, Guiguinto, Bulacan

Address

TURO BOCAUE BULACAN
Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ligiran 2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category