Makata ng Marinduque

  • Home
  • Makata ng Marinduque

Makata ng Marinduque Tulang tagalog mula sa puso!

23/05/2020

KALIGTASANG ESPIRITUAL

Sa pasimula nang kasulatan, huling nilikha sangkatauhan
Pagkat inihanda yaong kanilang kaylangan
Bilang tanda tao'y iniibig nyang lubusan
Kaya't tao iyo sanang pagsumikapang tumbasan
Dalisay nyang pag-ibig sayo'y inilaan

Gampanan yaong iyong katungkulan
Matakot, maglingkot na may katapatan
Na sumusunod sa kanyang palatuntunan
Na nasusulat sa banal na kasulatan
Sa aklat ng Gawa 2:38 iyo sanang buksan

Tanggapin ang Panginoon, sya'y iyong paglingkuran
Ibigin ng buong puso, lakas at isipan
Pagkat panahoy tila malapit ng lumisan
Kaya't habang may pagkakataon Diyos ay paglingkuran
Upang sa huli, kaligtasan iyong maranasan

----------END-----------

TULANG TAGALOG KATHANG ISIP NI JERWIN MATIMTIM

22/05/2020

Sakit na mapaminsala
COVID 19

Mula sa isang malaki at matalinong bansa
Sakit na nakamamatay duon nagmula
pumapatay sa mga tao sa balat ng lupa
Nagkakagulo sa dulot nitong pinsala
At nag-iiwan ng takot sa puso ng madla

Ito'y pagpapakilala buhay ayaw mawala
Pagkat ito'y yaong regalo na pinaka dakila
Na ibinigay ng makapangyarihan may likha
Kaya't sa kabila ng takot piniliy magtiwala
Na may iisang Diyos tanging maymagagawa

Kayat lahat ng tao sa balat ng lupa
Piniling magbalikloob sa Diyos na dakila
Magsisi, tumawag proteksyon ay makuha
Sapagkat Diyos lang makapagpapahupa
Kaya't lahat ng lahi, wika sa Diyos tumiwala.

TULANG TAGALOG BY JERWIN MATIMTIM

Address


Telephone

+639126655659

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Makata ng Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Makata ng Marinduque:

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share