26/06/2025
Kailan ba maayos ang lahat, kapag may nasasaktan? o kapag may pusong nagkakaroon na ng lamat? ,
Kailan kaya aayon ang panahon?, kapag ba.. isa satin ang nawala?, dun ba tayo magsisisi sa lahat? ,
Dapat na ayos na natin ang mga pangyayaring nakasakit dati,
Nang sa ganon,di na tayo umabot sa punto na nakakaramdam na tayo ng malalim na pighati,
Maraming pagkakataon para mabago to,
Pero sa tuwing ipapaalala ko sayo ang pagmamahal ko,
Sumbat at bintang ang nakukuha ko sayo,
Pasensya na kung nasabi ko ito,ganun din pala ang turing ko pagdating sa iyo,
Marami na tayong nasabing masasakit na salita sa isa't isa diba?,
Marami naring pagkakataon na ang luha ang bigla nalang bumababa,
Kasalanan din pala natin kung bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon,
Napabayaan kasi nating mawalan ng sigla ang puso at ang init ng pagmamahal nito ay ating nabaon,
Kasabay ng pagtigil ng pagtibok nito ay nawala rin pag-laon,
Sana maayos pa,sana magbago pa,puro sana nalang ang aking nasasalita,
Yan ang lagi ko sayong pinapaalala,ngunit hindi mo ito nabibigyan ng halaga,
Mabuti pa... ayusin na ang lahat ng ating problema aking sinta,
Bago pa mawalan ng nararamdaman ang puso natin ng hindi nahahalata,
-jomz(nasa court nakatambay)