03/09/2026
Ang Philippine Creative Industries Month (PCIM) ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre upang bigyang-pugay ang mga lokal na talento at isulong ang mga malikhaing produkto at serbisyo mula sa iba’t ibang creatives sector.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, ating itatampok ang mga natatanging malikhain kagaya ng animation director, visual artist, at book author na si Tor Alvarez Sagud.
Kasama rin sa ating ibibida ang entrepreneur, content creator, at creative storyteller na si Macaullay Raquel.
Matutunghayan ang mga kwento sa likod ng kanilang mga obra at produkto sa pilot episode ng Highland Creatives Conversations sa Sabado, Setyembre 5, 2026, 6 PM, sa PIA-Baguio.