10/07/2025
"Kadena ng Buhay"
Kadilimang nakabalot sa kalangitan,
napapagod kakahanap ng bituin at buwan.
Saan ba makikita ang kaliwanagan?
pag-iisip ay napupuno ng katanungan.
Paano makikita ang liwanag ng paligid,
kung puso't isip ay ginagapos sa lubid?
Sariling nababalutan ng kadena,
Kandadong napupuno ng duda't problema.
Sariling nakakulong sa isang salamin,
repleksyon ay nahihirapang mahalin.
Isang napakakomplikadong damdamin,
kailan kaya'y magbabago at tatanggapin?
Umuulan ng dugo't luha ang kapaligiran,
hindi nakikita dahil sa nakabalot na kadiliman.
Kailan maipapakita ang hinagpis at kalungkutan,
kung sarili mismo ang kumukulong ng kalayaan?
📌 Plagiarism is a crime
Isinulat ni : Queencred1ble