Gunita at Tula

Gunita at Tula Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gunita at Tula, Poet, bacoor, Bacoor.

22/10/2025

Akala Nila Estudyante Pa

Madalas talaga akong mapagkamalan na estudyante.
Siguro dahil sa porma ko simpleng bag, payong sa gilid, cellphone sa kamay, at ‘yung mukha na parang laging bagong gising pero masipag pa rin maglakad.
Kahit araw-araw na akong kumakayod bilang Enumerator, sa mata ng iba, mukha pa rin akong batang papasok sa klase.

“Anong course mo?” tanong minsan ng isang matandang babae habang sabay kaming bumababa sa jeep. Ngumiti lang ako, sabay sagot,
“Hindi na po ako estudyante, nagtatrabaho na po ako.”
Napatingin siya sa’kin, parang hindi makapaniwala.
“Talaga? Akala ko high school ka pa lang! Napangiti na lang ako. Sanay na

Sa totoo lang, nakakatuwa rin minsan
Kasi ‘pag ganun ang tingin nila sa’kin, ibig sabihin siguro, hindi pa ako halatang pagod sa mundo.Pero kapag nakikita mo na ang init, ang alikabok, at ang paulit-ulit na paglalakad sa bawat bahay para magtanong, doon mo mararamdaman na hindi na pala ako bata — nagtatrabaho na ako sa totoong buhay.

Sa jeep, iba’t ibang tao rin ang nakakasalamuha ko.
May mga kwela, may mga tahimik, at may mga katulad kong nag-aabang lang ng tamang pagkakataon para makauwi. Minsan, nagkakapalitan pa kami ng kwento tungkol sa trabaho, pamilya, o kung gaano kainit maglakad sa tanghali. Tapos kapag nalaman nilang Enumerator ako, bigla silang nagugulat. “Akala ko estudyante ka lang ah! Ang sipag mo naman, sabi ng isang lalaki habang pabirong humihinga nang malalim. Nginitian ko lang ulit. Sanay na talaga

Pero sa loob-loob ko, tuwing naririnig ko ‘yung mga salitang “Akala ko estudyante ka pa,” may halong saya at pagod. Saya kasi siguro, hindi pa ganun kabigat ang buhay sa mukha ko.
Pagod kasi alam kong bawat araw, bitbit ko ang trabaho na hindi madali, pero patuloy pa rin akong tumatayo

Sa dulo ng araw, habang nakasakay na ako pauwi, tinitingnan ko lang ‘yung mga taong naglalakad sa labas
Lahat may kanya kanyang kwento, kanya kanyang laban.
At ako isang simpleng Enumerator na madalas mapagkamalang estudyante
isa lang sa libo libong tao na tahimik lang, pero nagsusumikap din para sa sariling kwento ng buhay.

Sa mundong puno ng pagdating at pag-alis,ako ang siguradong hindi aalis sa sarili ko.Ako ang mananatili. ✨✍️
28/09/2025

Sa mundong puno ng pagdating at pag-alis,
ako ang siguradong hindi aalis sa sarili ko.
Ako ang mananatili. ✨✍️

Address

Bacoor
Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gunita at Tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category