11/10/2025
"SIMULA"
Sa SIMULA lang mahirap ang lahat,
Pumunta sa isang lugar na hindi mo alam kung ano ang akibat,
Halos malugmok sa sakit at hirap,
Pero may diyos na sandalan ko at nag sasabi sakin,tahan na anak magiging okay din ang lahat,
Unti unting inaayos ang sarili, hindi para maging sapat, kundi para mawala ang bigat,
Hindi ko kailangan mag makaawa para intindihin ako,
Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,
Sapat na sakin ang dalawang anak ko,
Kaya hindi niyo ko masisi kung sarili at anak ang uunahin ko,
Sakit,pighati,pag-alinlangan at hirap man ang naranasan ko,
Masaya ako sa mga naging desisyon ko,
Walang pagsisi sa kabila ng paghihirap na dinanas ko,
Kasi naging mas matatag pa ako,
Nalaman ko kung ano ang halaga ko bilang isang babae,
Lumaban ako sa digmaan na sarili ang kalaban,
Lumaban kahit hindi mo alam kung mananalo,
Ang tanging alam ko lang ay KAKAYANIN KO LAHAT para sa mga ANAK ko,
IPAPANALO ko ang laban nato Dahil may anak akong Kailangan ako.
Salamat sa mga taong Sumuporta hanggang Dulo,
Mahal na mahal ko kayo🫰🫰
At Sa pag SISIMULA kung Muli,
hindi na ako mabibigo🫰
-Rotch'z🤙