15/06/2024
Naging ritwal ko na ang palaging pag-abang sa tawag mo.
Sa bawat "Tara, inom tayo?" o kaya "Yosi muna tayo, saglit lang." Hindi ko alam kung bakit, pero laging oo ang sagot ko sayo.
Siguro, dahil gusto ko ng kasama.
O baka naman, dahil gusto kong makatakas sa mundo, kahit pansamantala.
Naging bahagi na ng gabi ang amoy ng usok at lasa ng alak.
Sasakay sa kotse, hahanap ng aliw,
Iinom ng malamig na beer, magpapakaligaw sa dilim.
Sa kalawakan ng iyong pananaw, para akong hinuhubaran
Sa'yong mga halakhak, ako'y bumabalik, lumilipad.
Sa bawat kwento mo, isip ko’y naglalakbay,
Isang pagtakas sa monotonous na buhay,
Ngunit sa bawat iyong paglapit, may pangakong bitin,
Isang yapos na saglit, pagkatapos ay alis.
Bukas kapag nag-ring ulit ang telepono
At marinig ko ang boses mo
Pipigilan ko ang sarili kong sumagot ng oo
Wala na akong mararamdaman sa tuwing sasambitin mo ang pangalan ko
Bukas matutulog ako nang maaga.
Sa bawat pagtiklop ng mga mata,
Isip ko'y tatahimik, lilipas ang kaba.
Sa katahimikan ng gabi, ako'y magpapahinga.
Mahinindian na rin kita.