Xui Writing what my heart can't voice through poems and letters.

With every glance,your eyes sparkle in brilliance,as lovely as the clouds in their dance.If the world would only allow,I...
04/09/2025

With every glance,
your eyes sparkle in brilliance,
as lovely as the clouds in their dance.

If the world would only allow,
I’d stay with you here and now,
my whole life, in this vow.

How beautiful it is to gaze,
especially at closer space,
I’m forever captive, lost in a daze,
by your beauty reaching heaven’s place.

Though I can’t embrace you tight
when you need a guiding light,
I lift your name in every prayer,
softly whispered, always there.

So fair you are to look upon,
your name engraved, it lingers on;
my heart and mind can’t let it flee,
you live in every part of me.

In your laughter, I find a song,
a melody where my heart belongs.
And with every beat you’ve left inside,
my love grows stronger, fortified.

04/09/2025

Ngiti mo'y abot hanggang langit
ngunit hindi ka ba nasasawa banggitin sa masamang paraan ng paulit ulit?
palagi ka nilang nilalait na para bang hindi ka nakakaramdam ng sakit.

Bakit ba palagi kang umaastang wala lang ang lahat?
Kahit alam mong ang pagmamahal ng pamilya mo sa 'yo ay kailanman hindi naging sapat?

Mananatili ka pa bang aasta na parang hindi ka nasasaktan?
Kahit alam mong araw araw ay luluha ka’t masusugatan?

Hindi ba nila maiintindihan ang iyong nararamdaman?
Kaya paulit ulit ka nilang pinagdudusa at sinasaktan?

Madaya man ang mundo
ngunit andito naman ako para sa 'yo.
Mananatili akong gabay mo
kahit patuloy kang lalayo.

04/09/2025

Mas pipiliin ko pang mamatay
kaysa iwan mo 'kong mag isa
sa buhay na dapat tayo lang dalawa
at walang makakapantay.

Masakit damdamin ang bigla mong paglisan
at ang aking puso ay tuluyan
nang nawasak ng lubusan.

Ano pa ba ang maaari kong gawin
para lamang ikaw ay manatili sa akin?
Kahit saang parte ka man ng daigdaig,
patuloy akong nandito para sa 'yo, umiibig.

Maaari ba nating talikuran ang mundo ng magkasama
habang minamahal ang isa’t isa
na para bang walang pumipigil
sa pagmamahalan nating dalawa?

Kung ganoon man ang kailangan kong gawin
upang ika'y manatili sa akin,
pipiliin kong iwan ang lahat sa nakaraan
at manatili sa piling mo magpakailanman.

04/09/2025

Hindi man sapat ang aking mga panalangin
mag aantay pa din ako sa 'yo
masaktan man ang aking damdamin

At hanggang sa huli kong paghinga
ikaw pa din ang nakasulat sa huli kong pahina.

At sa huling sandali ng aking buhay
puso ko’y mananatiling sa iyo habang buhay.

Mali man ang tingin nila sa ating pagmamahalan
ikaw pa din ang tangi kong pupuntahan magpakailanman.

Mali man sa tingin nila
totoo naman ang atin nararamdaman
at sa huli, ikaw pa din ang pipiliin kong masandalan.

Hindi man tayo pwede
ikaw pa din ang aking huling destinasyon
kahit ano mang okasyon.

Hindi man sapat ang aking pagmamahal
Hindi man sapat ang aking tula
Totoo naman ang aking nararamdaman
para sa 'yo, aking sinta.

04/09/2025

Ayokong umabot sa puntong
tuluyan kitang mawala,
kahit ako’y maghintay
hanggang sa huling sandali ng aking buhay.

Kung susundin mo man
ang nais ng iyong ina
at iwan akong mag-isa,
tatanggapin ko, kahit ako’y magdudusa.

Kahit man anong pilit nila
na ako’y dapat nang umalis,
ang pipiliin ng aking puso’t diwa
ay ang manatili sa tabi mo,
kahit alam kong ito’y
katulad ng bigla mong pag-alis.

Address

Brgy. Alijis Roadside 2, Bacolod City
Bacolod City
6100

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Xui posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category