Aklat ng mga Tula

Aklat ng mga Tula Poetry is the music of the soul.

“Ako ang Kapitan ng Aking Paglalayag”Sabi nila, sumabay ka na lang sa agos ng buhay,Hayaang ang tubig ang magtakda kung ...
25/11/2025

“Ako ang Kapitan ng Aking Paglalayag”

Sabi nila, sumabay ka na lang sa agos ng buhay,
Hayaang ang tubig ang magtakda kung saan ka dadalhin at hihimlay.
’Wag ka na raw pumalag sa ihip ng hangin at bugso ng panahon,
Dahil mas madali raw ang landas kung hindi ka kontra sa alon.

Sabi pa nila, huwag nang pilitin ang direksyong ’di para sa’yo,
Mas mabuting sumunod na lang sa takbo ng kapalaran ng mundo.
Parang bangkang lulutang-lutang, gaan ng daloy, tahimik ang paglayag,
At kung saan ka itapon ng agos—’yon na raw ang iyong dapat marating na pampang.

Pero naniniwala akong hindi gano’n kasimple ang paglalakbay,
Hindi ako sasandal lang sa agos na ‘di ko maintindihan kung saan papantay.
Hindi ko hahayaang ang tubig ang pumili ng pupuntahan ko,
Dahil may pangarap akong malinaw—at ako ang dapat humawak dito.

Hindi ako bangkang basta tinatangay ng ihip at agos na marahas,
Ako ang kapitan ng barkong ito—matatag, matapang, ’di basta nabubuwal sa unos at lakas.
Ako ang hahawak sa timon, ako ang pipili kung saan sisikat ang aking bukas,
Dahil ang tunay na naglalayag, hindi nadadala—kundi siya mismo ang lumilikha ng kanyang landas.
-Lloyd
🖼️-Ai

"Luha Para sa Bukas"Hindi na sa pag ibig tumutulo ang luha ko, Kundi sa pangarap na hindi ko  sigurado.Habang tumatagal ...
19/11/2025

"Luha Para sa Bukas"

Hindi na sa pag ibig tumutulo ang luha ko,
Kundi sa pangarap na hindi ko sigurado.
Habang tumatagal lalo kong nakikita,
mga pangarap kong kay hirap palang makuha.

Sa tagal ng proseso tila nakakapag taka
Bakit ganito kahirap makuha ang ligaya.
Mga pangarap na dapat naging motibasyon
Bakit sa pag tagal itoy nagiging ilosyon.

Naririnig ko sa gabi ang mga tanong na tila sigaw,
May patutunguhan ba ang bawat pagod sa pag hiyaw.
Sa ilalim ng ilaw, ako’y humihinga nang mabigat,
Hinahaplos ang pangarap na unti-unting lumalaylay sa aking balikat.

Pero kahit pagod na ang pusong naliligaw,
Pipiliin ko pa ring bumangon sa bawat umagang dumadalaw.
Dahil kahit malabo, kahit parang malayo ang bituin,
Patuloy akong susulong—di bibitiw sa laban hanggang makamit ko rin.

-Lloyd

“Bilyon sa Bulsa, Baha sa Masa”Dumating si Tino, bagsik ang dala,Nag-alsa ang ilog, nilamon ng baha.Handa ang tubig, pag...
06/11/2025

“Bilyon sa Bulsa, Baha sa Masa”

Dumating si Tino, bagsik ang dala,
Nag-alsa ang ilog, nilamon ng baha.
Handa ang tubig, pagkain, dasal—
Ngunit pagdating ng baha, wala nang sagabal.

26 bilyon Pesos ang sabi’y proteksyon,
Ngunit bakit pader ay puro ilusyon?
Sa halip na kanlungan—pader na papel,
Sa bawat agos, sigaw ang kapalit.

At 1.3 bilyon Pesos pang proyektong tinengga,
Habang libo ang luha, wala mang kalinga.
DPWH, saan dinala?
Bakit salapi ang unang naligtas, hindi ang madla?

Bumagsak ang bahay, bangkay ang inanod,
Alaala’y lumubog, kinabukasa’y tinapos.
Di bagyo ang tunay na kalaban—
Kundi korapsyong matagal nang halimaw sa bayan.

Magsama-sama, itaas ang tinig;
Gising ang lakas, ang galit ay apoy.
Kung bilyon ang ninakaw ng kasinungalingan,
Tayo ang bagyong wawasak sa kanilang kasalanan.

-Lloyd
ctto-🖼️

"Sa Dulo ng Pag-ibig"Akala ko noon, sapat na ‘yung magmahal,‘Yung kaya mong ibigay lahat kahit masakal.Pinilit kong inti...
14/10/2025

"Sa Dulo ng Pag-ibig"

Akala ko noon, sapat na ‘yung magmahal,
‘Yung kaya mong ibigay lahat kahit masakal.
Pinilit kong intindihin kahit ako na ang nauubos,
Kasi sabi nila ganun daw pag totoo — walang lubos.

Araw-araw, naghihintay ng pabalik na tingin,
Umaasang maririnig din ang salitang “ikaw din.”
Pero sa bawat “kamusta,” may kasunod na “okay lang,”
Kahit sa loob ko, ako’y wasak at walang halakhak.

Hanggang sa dumating ‘yung araw na napagod na ako,
Hindi na ako umasa, hindi na rin naghabol sa’yo.
Tinignan ko ang sarili sa salamin, basag pero buo,
Doon ko nakita — may halaga rin pala ako.

Ngayon alam ko na kung bakit kailangan kong masaktan,
Para matutunang piliin ang sariling kapayapaan.
Kasi minsan, kahit gaano mo kamahal ang isang tao,
Hindi mo mararamdaman ang pagmamahal na gusto mo.

Ang pag-ibig na hinahanap natin sa isang tao,
sarili lang pala natin ang makakapagbigay.
~Lloyd
🖼️- Ai

Kung sa panaginip lang kita mahahagkan,Araw at gabi’y handa kong pagdaanan.Sa bawat pag-idlip, ikaw ang tanaw,Hanggang k...
11/10/2025

Kung sa panaginip lang kita mahahagkan,
Araw at gabi’y handa kong pagdaanan.
Sa bawat pag-idlip, ikaw ang tanaw,
Hanggang kamataya’y di kita bibitaw.

Kung sa dilim lang kita makikita,
Hihintayin ko, kahit tila wala.
Ang bawat sandali, sa isip naglalaro,
Ikaw at ako, sa pangarap nagtatagpo.

Kung kapalit nito’y di na magising,
Handa kong yakapin ang walang hangganin.
Dahil sa puso ko’y malinaw ang saysay,
Sa panaginip man o gising — ikaw ang buhay.

-Lloyd
🖼️- Ai

Wakas ng Aking KwentoSuko na ako, tatapusin ko na kaya?Mabilis ba masyado,hindi naman ito yung simula.Naabutan n’yo ako ...
29/09/2025

Wakas ng Aking Kwento

Suko na ako, tatapusin ko na kaya?
Mabilis ba masyado,
hindi naman ito yung simula.

Naabutan n’yo ako dito na sa huling parte,
at kung iisipin n’yong ako’y nag-iinarte lang...
hindi n’yo alam ang bigat ng laman,
mga sugat na pilit kong tinatakpan.

Sa bawat ngiti, may luhang nakatago,
sa bawat tawa, may kirot na ayaw ipakita.
Pagod na ako, totoo ‘to, hindi biro,
gusto ko na sanang huminto sa lahat ng dusa.

Sa wakas ng aking kwento, wala nang kulay,
wala nang sigla, wala nang bukas na inaasahan.
Ang puso kong dati’y puno ng pangarap,
ngayon ay abo na lamang na tinatangay ng hangin.

Kung may makakaintindi man, huli na siguro,
ang mga salita ko’y bulong na lang sa dilim.
Ito ang huling pahina ng aking alaala,
at dito na rin nagtatapos ang aking paghinga.

-Lloyd
Signing off

"Dangal ng Pilipino, Dungis ng Gobyerno"Pilipino ako, taas ang bandera,Dugo’y nag-aalab, tapang ay dakila.Sa wika at kul...
21/09/2025

"Dangal ng Pilipino, Dungis ng Gobyerno"

Pilipino ako, taas ang bandera,
Dugo’y nag-aalab, tapang ay dakila.
Sa wika at kultura, ako’y nagmamalaki,
Sa lahing kay ganda, walang makapapawi.

Ngunit gobyerno’y wasak na sandigan,
Puno ng kasakiman, pawang kasinungalingan.
Habang mamamayan ay baon sa kahirapan,
Sila’y nagpapasasa sa yaman ng bayan.

Bansa kong mahal, sa puso’y dakila,
Ngunit ang pamahalaan, tunay na kahiya-hiya.
Kung ginto ang lahi, bakit nagdurusa?
Sa kamay ng tiwali, bayan ay nagigiba.

Mahal ko ang bayan, pag-ibig ay tapat,
Ngunit sa gobyerno, talo ang bukas.
Sa dibdib ng tao, apoy ay nag-aalab—
Bayan ay atin, gobyerno’y balakid lamang.

-Lloyd
🖼️ ctto

"Sahod na Di Sapat"Sa bawat umaga, bayan ay gising,Hanap ang sahod na dapat ay dinggin.Ngunit sa mesa, ulam ay kapos,Pre...
08/09/2025

"Sahod na Di Sapat"

Sa bawat umaga, bayan ay gising,
Hanap ang sahod na dapat ay dinggin.
Ngunit sa mesa, ulam ay kapos,
Presyo’y mataas, bulsa’y nauupos.

Minimum wage, sinasabing batas,
Ngunit sa gastos, ito’y kumukupas.
Bigas na mahal, langis ay sumisipa,
Pamasahe’t kuryente, pasakit sa masa.

Habang ang ilan ay puro luho’t galak,
Karaniwang tao’y laging nangangapak.
Pawis at oras, buong araw alay,
Ngunit sahod pa rin, di makapantay.

Hinihiling ng masa, boses ay sabay,
Itinaas man yan, dapat ay tunay.
Hindi pampalubag, kundi makatarungan,
Sahod na sasapat sa kinabukasan.

Kaya’t sa gobyerno, pakinggan ang sigaw,
Manggagawang Pilipino’y ‘wag sanang isantabi’t itulak sa gilid ng daan.
Sahod na makatao, hindi bara-bara,
Ito ang laban ng bayan, ng buong manggagawa.
-Lloyd
🖼️-AI

Dalawang Mukha ng BayanSa kalsada’y tanaw, gutom ang kapiling,Batang payat, luha’y walang tigil.Tiyan kumakalam, tinapay...
28/08/2025

Dalawang Mukha ng Bayan

Sa kalsada’y tanaw, gutom ang kapiling,
Batang payat, luha’y walang tigil.
Tiyan kumakalam, tinapay ay bitin,
Habang mga lider, bulsa ang iniisip.

Barong-barong bahay, butas ang bubong,
Kahit anong bagyo, sila’y walang tulong.
Sigaw ng mahirap, bingi ang pamuno,
Mas inaalaga’y sariling trono.

Ngunit sa palasyo, silaw sa karangyaan,
Sasakyan ay bago, hapag ay handaan.
Masa’y nagugutom, kanila’y fiesta,
Katas ng buwis, ginawang pribilehiya.

Pera ng bayan, ninanakaw, sinasangla,
Sa luho’t bisyo, doon napupunta.
Ngumiti sa kamera, kunwari’y matuwid,
Ngunit ang budhi’y bulok at mapait.

O Pilipinas, kailan gigising?
Hanggang kailan kami’y magtitiis sa dilim?
Hindi kami bulag, kita ang agwat,
Mahirap na pawis, sila’y nagtatamasa ng lahat.

Mga pulitikong gahaman, salot ng lipunan,
Habang masa’y luhaan, sila’y nagdiriwang.
Dalawang mukha ng bayan kong mahal:
Isa’y nagdurusa, isa’y nilulunod ng salapi’t dangal.

Kung may hustisya, dapat pantay,
Pera ng bayan ay para sa lahat.
Ngunit sa ngayon, katotohanan:
Sa sariling bayan, mahirap ang talunan.

-Lloyd

🖼️ -Ai

"Ikaw ang Bawat Pahina"In Filipino, I say Mahal kita,Pero sa panulaan—I say.Hindi man ako ang unangNagpa-bighani sa iyon...
31/07/2025

"Ikaw ang Bawat Pahina"

In Filipino, I say Mahal kita,
Pero sa panulaan—I say.

Hindi man ako ang unang
Nagpa-bighani sa iyong mga mata,
At marahil hindi rin ako
Ang unang nagpalipad ng iyong nadarama.

Ngunit sa tulang ito,
Ikaw ang gusto kong maging bida.
Ikaw ang pamagat sa bawat pahina,
Ang ritmo sa tugmang laging kumakaba.

Hindi ako ang unang tula sa iyong alaala,
Pero sana ako ang pinili mong alalahanin,
Ang tulang babalik-balikan
Sa gabi ng katahimikan at pagninilay sa hangin.

Ikaw ang taludtod na walang kapantay,
Ikaw ang saknong na walang humpay.
At kung pag-ibig ay isang buong koleksyon,
Sa iyo lang ako magsusulat ng walang kondisyon.

Hindi ako perpekto, hindi rin matalinhaga minsan,
Pero sa bawat tula, ikaw ang laging laman.
Kung may puwang pa sa puso mong madamdamin,
Hayaan mong ako ang huling titik na pupunan ang panaginip mong bitin.

Sa tula ng pag-ibig, ikaw ang pinili,
Sa dulo ng lahat, ikaw pa rin ang hinihiling muli.
Kung bawat puso'y may tadhanang itinatadhana,
Sana ako ang huling tula—at ikaw ang bawat pahina.

-Mark Lloyd

"Habang Buhay na Paghahanap"Patuloy kong hahanapin, kahit luha'y di na mabilang,Kahulugan ng pag-ibig na sa akin ay mail...
26/07/2025

"Habang Buhay na Paghahanap"

Patuloy kong hahanapin, kahit luha'y di na mabilang,
Kahulugan ng pag-ibig na sa akin ay mailap at malamlam.
Sa bawat pintig ng pusong napagod sa paghinga,
Isang tanong lang—ano nga ba ang halaga ng sinta?

Dumaan ako sa daang punô ng alaala,
Ngunit ni isang yakap, 'di na muling nadama.
Ang gabi’y saksi sa katahimikang kay lalim,
Habang ang buwan, para sa iba na lang kumikislap at ngumingiti.

Sinubukan kong maniwala sa muling pagdama,
Ngunit tila pag-ibig ay isang kathang hindi para sa tulad ko, sinta.
At sa gitna ng katahimikang walang humahawak sa kamay,
Mas pinili ko pa ring maghintay, kahit walang tunay na alay.

Kaya’t habang buhay na siguro ang pag-iisa,
Ngunit hindi rito matatapos ang aking pag-asa.
Patuloy kong hahanapin, kahit ako’y pagod na’t luhaan,
Ang kahulugan ng pag-ibig—kahit ako na lang ang naniniwala sa laman.

~Lloyd
🖼️-Ai

"Akala Ko"Akala ko ang tahanan ay pahingang totoo,Ngunit bakit tuwing uwi ko’y lalo akong nauupos?Tahimik nga’t walang s...
15/07/2025

"Akala Ko"

Akala ko ang tahanan ay pahingang totoo,
Ngunit bakit tuwing uwi ko’y lalo akong nauupos?
Tahimik nga’t walang sigawan sa paligid,
Pero puso ko’y laging parang naiipit sa silid.

Akala ko ba ang kaibigan, karamay sa lungkot,
Ngunit sila pa ang nauna, nang ako’y mabagot.
May ngiti sa harap, pero tila peke,
Kasi sa likod ko, dami nilang sinasabi.

Akala ko ba ang pamilya'y sandigan sa dilim,
Ngunit bakit parang di ko sila maramdaman kahit kailan maninimdim?
Hindi man sigawan, pero puro tanong,
Na para bang kasalanan ko ang bawat kahungkagan kong baon.

Akala ko ba ang pahinga’y sa sarili matatagpuan,
Pero pati sariling isip, ako’y kinakalaban.
Kapag mag-isa na, doon dumadaloy ang lahat,
Mga tanong na wala namang kasagutan — puro sugat.

Akala ko ba ang pag-unlad ay hakbang na paakyat,
Pero bakit habang lumalakad ako, lalong bumibigat?
Parang may lubid na hinihila ako pabalik,
At ang paghinga’y parang laban na malupit.

Akala ko ba kapag mahal mo ang sarili, sapat na?
Pero bakit pakiramdam ko, kulang pa rin sa mata nila?
Kahit anong gawin ko, laging may kulang,
At sa bawat galaw, dami kong kailangang patunayan.

Akala ko ba ang mundo’y may saysay sa bawat luha,
Pero bakit sa dami kong pag-iyak, wala namang nakakita?
Iisa lang ang patutunguhan ng lahat ng ito —
Isang katahimikang ang bigat ay ‘di ko na matago.

-Lloyd
🖼️Ai

Address

Atimonan Quezon
Atimonan
4331

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aklat ng mga Tula posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category