26/03/2026
Isa nga po pa-Antipolo! 🚌 Ay, taas ng presyo?⛽️
Para sa maraming taga-probinsya, lalo na sa isang lungsod na bulubundukin tulad ng Antipolo, hindi mapagkakailang na madami ang pumapasok sa Metro Manila para mag-aral o magtrabaho. Pero hindi lamang ito simpleng commute, kundi isang araw-araw na pakikibaka — para makarating sa paroroonan, para sa kabuhayan, para sa pangarap.
Sa patuloy na oil price hike o OPH, lalong nagiging mabigat ang gastos sa pamasahe at gasolina. Ang ating mga Antipoleñong PUV drivers ay bumabyahe baba-taas araw-araw papunta sa iba’t ibang lungsod. Sa haba ng kanilang ruta, tarik na pinagdadaanan, at taas ng konsumo sa gasolina, mas lalong lumiliit ang kanilang kinikita. Ang ating mga estudyante at manggagawa ay nalilimitahan ang galaw, mobilidad, at akses sa makataong pampublikong transportasyon.
Ang karapatan nating makapag-aral, makapag-trabaho, at makapag-hanap buhay ay hindi dapat nakatali sa taas ng presyo ng langis! Sa ganitong krisis, kailangan ang sama-samang paninindigan. Ang mga byaheng papunta at pabalik, ay byaheng laban sa presyong matarik!
Nakikiisa ang Sierra Sining sa laban ng mga tsuper at komyuter: Ipanawagan ang pag-junk ng oil deregulation law, alisin ang VAT at excise tax, kontrolin ang presyo ng langis, at wakasan ang mga digmaan sa Iran dulot ng imperyalistang US.
Panahon na para ipaglaban ang abot-kayang biyahe at makatarungang kabuhayan para sa lahat! ⛰️🚌 Suportahan natin ang transport strike!
Pub by .atbp
Caption by